Toxic Pinoy culture

Agree! Sasabihin ng mga DDS na OFW, maganda na buhay sa Pinas dahil kay Duterte. Sinasabi ko talaga, “Eh di dun ka na mag-work.” Ayaw naman :rotfl:

4 Likes

^ Lagi akong nanggagalaiti sa inis sa mga ganyang OFW. Masama na akong tao kasi sila yung mga hindi talaga nabiyayaan ng mga kagandahang panlabas pero sila pa yung malakas mag-tsismis.

onT : napakahilig sa tsismis ng mga Pilipino. Ultimong kababayan nila, ilalaglag nila. Kaya ang buhay sa ibang bansa ay nagkakanya-kanyang barkada. Hindi totoong laging maganda ang buhay sa ibang bansa. Maganda sa pictures, oo. Sino ba naman ang magpapakita ng pictures na pangit, di ba? Pero yun din ang puno’t dulo ng kayabangan.

Andami kong dama sa mga OFW. Pang-MMK. :embarasslaff:

5 Likes

^Skl na halos lahat ng OFW dito DDS.

OnT: Yung may request lagi pag alam na babiyahe ka. NO na lagi sagot ko dyan. Unless I asked you what you wanted from somewhere, wag ka mag assume na ok magpabili. :tongue:

6 Likes
  • Yung mahilig magpalibre. :smirk:
  • Yung dahil bagong dating ka sa Pinas galing ibang bansa akala lagi kang me dalang tsokolate. :sweat_smile:
  • Yung dahil ninang ka, dapat meron kang regalo sa inaanak every December. Pag di ka nakapagbigay, next year doble na. :laughing:
  • Yung iimbitahin ka kumain sa labas tapos ikaw pala magbabayad. :joy:

:shrug:

4 Likes

Also on perception sa OFWs and balikbayans, na may disposable money at entitlement ng mga nasa airport.

So I flew back last January to attend my brother-in-law’s wedding, nauna na dumating yung family ko. So while waiting for my ride to the hotel dun sa pickup are, I couldn’t help but observe. There was this gentleman traveling by himself like me and he was taking selfies. Yung isang airport staff (naka-barong siya, so he was probably working security), offered to take a photo of him, para may magandang shot si kuya. After the photo was taken, they had some small talk, and apparently magka-pareho pa sila ng probinsiya.

Nung paalis na sa kuya airport staff, sumimple ba naman na humingi ng pasalubong. Si kuya balikbayan, nasa luggage daw niya eh, naka-lock pa. Humirit si kuya staff, baka pwede cash na lang daw. Si kuya balikbayan nahiya yata, nag-offer ng peso bills, sabi ni kuya staff baka pwede $ daw. Eh wala si balikbayan ng $. So okay na rin daw yung peso. Yun lang yung peso ni kuya balikbayan eh yung lumang bills na out-of-circulation na. So in the end, wala rin nakuha si kuya airport staff.

4 Likes

Kaya pag umuuwi ako ng pinas laging unannounced. I was raised by my grandma so kasama siya sa itinerary ko pero biglaan ako dumalaw para kung sino lang yung nandun sa bahay nya eh yun lang yung kasama sa mga labas labas.

4 Likes

The Belief in White = Loaded

I experienced this in Paris when I met a fellow Pinay in a cafe. She saw my engagement ring and asked me who’s my fiancé. When she saw my fiancé (now hubby) walking towards us, she told me in Tagalog, “Bakit naman ganyan ring mo, sabihin mo sa fiancé mo lakihan naman yung diamante.”

Nagtaka tuloy si hubby that time bakit bigla akong tumayo at lumipat. I kennat talaga eh.

5 Likes

Mahilig makiride sa achievements ng kamag-anak/fame whoring. Pero on ordinary days, di naman nangangamusta.

Pag nakapasa sa exams, biglang ‘pamangkin, pinsan, kamaganak ko yan’. Pero nung wala pa yung achievements di naman sila magkamag-anak

4 Likes

Grabe! Nakakairita yang mga ganyan. Eh di sya ang bumili ng mahal na ring! It is the thought that counts. :fuming:

Ako I got engaged sa asawa ko, hindi ako nakatanggap ng engagement ring. Ang daming sinabi ng mga tao. Kesyo tinitipid ako ng asawa ko and all. Ang di nila alam ako na mismo nagsabi sa kanya nung umpisa pa lang na wag nang bumili ng engagement ring. Idagdag na lang sa budget ng wedding ring. Apparently, naalala ng asawa ko yun at yun nga ang ginawa nya. Praktikal lang kasi ako.

3 Likes

Ito, hindi ko alam kung ano pwede gamitin na precise term (belief that all Filipinas abroad made it there via a fiancee or marriage visa? And if the Filipino/a married to a foreigner is “doing well”, it’s because of his/her marriage to the foreigner?) so idedescribe ko nalang ang one incident (na nasundan pa ng ilan pang mga incidents):

Bago ako sa Alemanya nun. Less than a month palang. Kakaenroll ko palang sa university. May narinig akong nagbibisaya. So mega-excited naman ako and sinundan ko yung mga ate, to the point na sumakay ako sa subway na opposite direction sa patutunguhan ko. After saying “hello po, Pilipino din po ako,” mejo antataray! And ang sagot ng isa e: "bago ka dito no? So kelangan mo ng trabaho? Naku, makikihati ka pa samen."After politely explaining na hindi po, nag aaral po ako dito, they proceeded to ask me if I’m engaged to a local or married. Sabi ko hindi po. Student po ako. Ang conclusion nila e “Bawal yan! TNT ka! Hindi ka pwede mamalagi dito kung wala kang Aleman na asawa! Nako, ikukulong ka nyan!” (at buong ride nila ako pinapagalitan and hindi sila nakikinig na gusto ko lang naman maghello at hindi ako makikiagaw sa jobs nila.)

Another is yung belief ng a lot of pinoys na ang mahalagang occupations lang e doctor, abogado, engineer, politico, artista, entrepreneur, architect, etc. Tapos may parang hierarchy pa. May kilala ako na architect left her napaka-marangyang life in pinas to move to another country kasi she met someone na garbage truck driver doon. Every time na uuwi ako sa pinas and magkkwento na nag meet up kami and we traveled a bit, may uncomfortable silence and then may mag sasabi na “basurero asawa nya” or “diba driver lang asawa nya?” :face_vomiting:

6 Likes

Totoo yan! One of the reasons why na-trauma akong makipagkaibigan sa Pinoys dito. Ang daming judgmental. Kala nila gumanda ang buhay ko dahil nag-asawa ako ng foreigner. One time umatend ako ng Filipino Festival dito. May lumapit sa kin na Pinay tapos chumika. Ako naman bago dito, excited mag-Tagalog. Tapos tinanong nya work ng asawa ko. Sabi ko, IT Head to ng isang company dito. Sabi nya, “Ah kaya pala naka-Louis Vuitton ka.” Pera ko pinambili ko ng bag ko. Lech! :rolleyes:

Tapos may mga nagsasabi sa kin, “Naku maganda na buhay mo dito. Di ka na magugutom di tulad sa Pinas.” Di po ako patay-gutom sa Pinas. :fuming:

Edit: Additional experience para di na ko mag-double post. Yung mentality na “Papunta ka palang, pabalik na ko.” Kasi mas matanda sila.

Birthday ng anak ng Pinoy friend (HS classmate) ko dito. It was a Christian gathering. We were seated with at least 10 churchmates nila kasama ang isang Filipina nurse around 50yo. Wala pa kong one year nun dito so bago palang ako. Narinig nya akong makipag-usap sa asawa ko mostly in English. Di ko siya kilala at all. First time ko syang nakita sa event.

Ate Nurse: Bakit hindi purong German ka makipag-usap sa asawa mo? Hindi dapat ganyan! Paano ka matututo?

Ako (na nagulat): Hindi ko pa po kaya makipag-usap sa purong German kasi bago palang po ako dito.

Ate Nurse: Bakit gaano ka na ba katagal dito?

Ako: 10 months po. May B1 Certificate na po ako (I was given five years to complete B1 Level ng German).

Ate Nurse: Hindi enough yang B1 mo. Dapat fluent ka na by this time.

Ako: So nung time mo ate, fluent ka na agad sa German pagdating mo?

Ate Nurse: Oo!

Ako sa isip ko, “Eh di wow! :rolleyes:” pero di ako naniniwala sa kanya kasi sloppy ang grammar nya :rotfl:

Di pa rin nya ako tinantanan. Ininsulto nya ko for having Visayan parents. Kadalasan daw ng Visaya sa Maynila, mga walang aral. I told her, “Does it make you feel a better person dahil hindi kayo Visaya? Saka CPA po ang parents ko.” Ayun bad trip sya sa kin.

8 Likes

‘Yung dati kong co-worker, asawa niya nurse. ‘Yung sister-in-law ng tita ko nurse. Common trait nila, matapobre. They look down on non-nurses and feel superior sa ibang mga Filipino who work as healthcare aides, nannies, servers, fast food crews etc.

Isa pa na napansin ko eh after manganak ng isang babae, isa sa mga common na comments is bakit di pa nawawala yung pregnancy weight gain ng new mom.

3 Likes

Kumulo dugo ko rito. Some Pinoys talaga mahilig mangmata ng kapawa Pinoy porket mas matagal o may mas maraming experience na sila lalo na pag nasa ibang bansa. Kung ako yan sasabihin ko “Pwede ba, mind your own business. Di ikaw nagpapakain at nagbabayad ng bills ko. Wala kang karapatan insultuhin ako at pamilya ko. idgaf about you.” :rage:

3 Likes

Malapit nang maging Pinoy Abroad Thread ito. :embarasslaff:

OnT: Wala sa lugar na pagtitipid. May mga kakilala akong OFWs na di namamasyal kasi mahal daw ang pamasahe at ipapadala na lang sa Pilipinas. Napakamura (na lang ng pamasahe sa ibang bansa. At kung di talaga kay, pwede namang maglakad-lakad. Toxic altruistic/family-centric values ng mga OFW.

4 Likes

Ibalik natin dito then. Hehe.

This might reek of internalized racism, but…

Bakit ba ang litterbug ng karamihan sa mga Pinoy?!

5 Likes

Because they always think somebody is going ro clean up after their mess, both literally and figuratively.

Remember the 7-11 promo during the 2016 election wherein they had cups with the likenesses of different presidential candidates? Well, there was always a large number of Duterte cups littered in the smoking area in front of our office.

I called the attention of my DDS colleagues regarding this whenever we had a smoke, pointing out that these people want discipline in this country but they cannot discipline themselves.

Stupidest answer I received? “Hindi pa naman si Duterte ang presidente.”

:rofl::sob:

4 Likes

At bakit hindi makasunod sa rules of the road (driving), kung saan saan tumatawid at hindi sa pedestrian lane, etc pag nasa Pinas? Sa ibang bansa naman, sobrang disiplinado.

2 Likes

Sa Pilipinas kasi, “norm” sya. Lumalabas talaga yung pagka-toxic ng maraming Pinoy kapag nakakarating na sa ibang bansa.

OnT: Yung kailangan super galing mag-English ng mga bata. Kahit balu-baluktot mag-Ingles ng magulang, basta magaling mag-Ingles yung anak.

4 Likes

^ my take on that is that it depends on the enabling environment, Filipinos have an innate ability to adapt and assimilate and whenever they go outside the PH they learn quickly the skills they need to survive in the new environment. Example would be how we behave in countries where laws are strictly enforced (e.g. Singapore, Saudi Arabia) vs. countries where law enforcement is not that efficient and behave more like they’re still in PH.

1 Like

True! Same din sa mga sasakyan na ayaw magbigay pag may tatawid sa pedestrian lane (na walang traffic light). Ilang beses na kong muntik mabangga at namura ng driver dahil tumatawid ako sa pedestrian lane. :rolleyes:

Agree din na lumalabas ang karamihan ng toxic attitude ng Pinoys pag nakapag-abroad. Karamihan sa na-experience ko, di ko alam na nangyayari until nung nasa abroad na ko mismo. Uso pa rin pala ang talangka among Pinoys abroad.

3 Likes