Toxic Pinoy culture

Toxic pinoy culture rin ba yung kailangan ang napo promote mas senior ang tenure? Haha yung porket tumanda na sa kumpanya feeling they deserve a promotion na?lol

Naiinis ako sa mga anak ng anak tapos iaasa sa kamaganak ang mga bata. Usually sa mga tita/tito na nasa city or nasa abroad. Parang yung pamangkin/inaanak ko, ang tatay ayaw na magwork kasi ako naman daw magpapaaral sa anak nya. Like who the fcuk said that?

May pinsan ako, bunso sya at sya lang ang nakatapos at nurse sya abroad. Nasa pamangkin #21 na siya ayun konting kibot, sa kanya hihingi ng pera. Ang mga pamangkin dito bongga ang mga debut etc. Yung pinsan ko, tinitipid sarili sa pagkain. Nakakagigil!

6 Likes

^Tapos kapag nagsalita ka, ikaw pa ang masama, kesyo “naiingit ka”, “binibigyan mo ng malisya” ang mga bagay-bagay.

Pinoys are HORRIBLE at taking constructive criticism.

3 Likes

Bigla kong naalala: ung ayaw maglakad. Maglalakad lang kung asa mall (tapos maya’t maya upo ar magkakape or magmmerienda kasi pagod na). Kahit pwedeng lakarin, magkokotse papuntang panaderia. Hindi makakilos kung walang kotse.

Kung ipapalakad mo, kasi on tour naman so you’d think they’d want to see and experience things and so walking around would be best. But no. Magtatalak pa about you to other people na kesho pinagod mo sila, inconsiderate, and hindi man lang pinagdrive/naghire ng taxi etc.

Or if may (foreigner)bisita in pinas and then pinagMRT mo with you kasi well, why not? E “mean” ka.

And yung ni-raise ni @iamstorm na dapat english (lang) ang itituro sa mga bata. Bawal magtagalog. Magbisaya. Etc. As if makaka-harm ito. Knowledge of different languages is one of the best gifts one can give to a child.

5 Likes

Tsismisan. Kampihan. Yan ang buhay OFW.

Tsismisan. Alam ang nangyayari sa buhay mo kahit isa lang ang sinabihan.

Kampihan. Kapag may issues, naglalaro ang mga Pinoy ng the boat is sinking.

Edit: applicable din sa Pilipinas.

1 Like

Speaking of racism… pinaka yata among Asians. Kahit sa Pinoys abroad, lol. Dito minsan gusto kong mambatok about how very insensitive people are with their racist comments kahit naririnig ng taong pinag uusapan nila.

Saka yung nagpapa “tulong” ipasok sa trabaho dahil may kakilala na, kahit walang qualifications for the job. Gagamitan ka pa ng guilt card. Susme.

2 Likes

Sakto. Parang walang middle ground lagi sa mga Pinoy. Kailangan may kakampi ka. Hindi pwede pag-usapan rationally and like adults. Puro dinadaan sa hiritan and smart-assery. Super ma-pride.

1 Like

I agree about Pinoys being racist (although siguro most instances masasabing benign racism… if there is such a thing)

Agree din sa judgy and backstabbing Pinoys abroad! :hahaha: this discouraged me from really associating with them. Lalo na yung mga tita age… na pag nakikilala ka ang daming prying questions. Yung kaka introduce palang sayo raratratin ka na ng ganitong mga tanong: San kayo nagkakilala? Taga saan ka sa Pinas? Paano ka nakarating dito? Ano work mo sa Pinas? Ilang taon ka na? OMG. Staahp. Get out of my face you old ugly busybody. :twak:

Re chismis naman… im not gonna say that I dont chismis… I do with my closest friends and my sisters. And we dont spread lies or malicious rumors but we do talk about other people. Our common topic of derision ay based on heinous posts sa social media. :rotfl: pero huuuge turn off for me ang pinays dito sa US na older than I am…siguro in their early to mid 40s na grabe sa backstabbing game. Like makikita mo sa FB parang ang close dami pics tapos may patawag tawag pa ng BFF or darling… tapos I attended a lunch na absent yung isa nilang kabarkada. Guess who ang pinag usapan the whole time :rotflmao: like… i dont know this person well pero ang sama na kagad ng impression na binibigay niyo about her to think kaibigan niyo yan. It made me think twice about trusting them kasi if they can do it with a “close friend” they’d definitely do it to me.

4 Likes

May cousin akong nurse din tapos abroad na. Ako nanggigigil for her. I treat her like my own sisters kasi we grew up together. Ang inis na inis ako is since she moved to the US for work and to live with her dad na, siya itong parang ‘unofficial’ breadwinner nung 3 anak ng isa pang cousin. Like ate ghorl asawa ng cousin namin, buhay pa magulang ko pinagsasabihan na kayo mag birth control. Tapos gagawin nyong ATM yung nurse cousin ko? Yung youngest pa sa mga anak niya sobrang spoiled. Nakakainis. Ngayong ECQ, sabi ng sister ko sa Manila, nganga sila. Looks like my cousin has had it.

3 Likes

Paisa pa. Yung mga Pinoy abroad na barat at lubos kung makatawad. Tapos sasabihan ang paninda mo ng “ang mahal naman, sa atin magkano lang yan”. Gusto ko sabihin na bakit hindi ka dun bumili? Ang mahal kaya ng ingredients sa ibang bansa.

Scene: cultural roadshow ng embassy

:fuming:

Super agree ako kay @abbymaria sa pag-iwas sa mga mahaderang tita. Iwas akong magshare ng information but I still maintain closeness kasi baka kailanganin ko din ng tulong ng mga kababayan natin.

2 Likes

I think Pinoys are racist kasi sobra nating wannabe white people. Kailangan pa-English (with matching accent pa) lagi, masama maging maitim, etc. Pati sa fashion and fads, gaya-gaya tayo.

4 Likes

True yan. I work in a government agency where you get documents. When they learn you’re from that agency, magpapatulong na agad to get that document. Every month kasi, may allocation kami para sa courtesy lane (para di ka na magpa-appointment)–i have family and friends who fight over those slots, kakaloka. As in nag-away ang parents ko one time, kasi my dad was always being asked by friends of friends para dun sa slots na yun, that my mom put her foot down, baka daw isipin ng iba fixer ako. Ilang beses na din inaway ng mom ko yung mga relatives and friends nila asking for those slots for that same reason. Ako naman, I ignored those who ask for slots. Good thing naglabas na ng rules ang agency that you can only use your courtesy lane for immediate family members. I mean, oks lang naman tumulong sa ganun (and I have done that–may family and friends ako na binigay ko yung slots even if they did not ask, kasi i felt na kailangan nila), pero naloloka ako na parang buong barangay kailangan mong tulungan.

Di ko din talaga magets yung maghahanap ka ng kakilala to get something somehow. In my case, willing akong pumila or tumawag at mag-research on products and services that I need.

Chaka yung habit na itatry talagang makalusot kung pwede, chaka yung maipilit talaga–I have seen that sa work, yung mga ayaw magcomplete ng requirements for that document, tapos magrereklamo na pinapahirapan sila.

6 Likes

Sakit sa bangs ng padrino system. That’s partly why, I think, there isn’t a stong campaign for gov’t agencies to streamline and make processes less bureaucratic and more efficient.

1 Like

^ It’s systemic. UP somehow also contributes to this phenomenon. What with “compadrazgo” heavily ingrained in the “Greek societies” e.g. my brother/sister right or wrong BS. I know some government agencies na naging pugad na ng frat, kahit medyo questionable yung competence nung iba. Siyempre, “brods” muna nila ang priority, lalo pag merong isa na nasa mataas na na posisyon.

2 Likes

^Again, as I mentioned sa “Unpopular opinions” thread: Greek societies suck.

1 Like

Pa-courtesy lane naman diyan…joke

The obsession of some Pinoys for validation from foreigners. Kaya naging pugad na ng mga v/bloggers ang Pinas.

8 Likes

Oh god. So pathetic. The whole vlogging world knows na if you have Pinoy/Jollibee/pinoy food in the title you will get millions of views. :rotfl:

8 Likes

Y-E-S! Isama na dyan na kailangan may “katulad” na foreign thing / “Filipino version of” ang lahat ng mga Filipino things, as if they cannot stand on their own.

Isa pa, nakapaka-MADAMOT natin. Especially kapag nasa Pilipinas tayo, we are extremely selfish.

1 Like

Nakakaloka ang mga “reaction” videos sa youtube na pinamumugaran ng mga peenoise.

Example: Jollibee commercial na madrama

Kung galing kay Jhona Mhae from Navotas malamang wala pang 1k views at puro maarte comments pero pag galing kay Kirsten from Wichita, Kansas baka 2M views agad!

3 Likes

I mean, I see your larger point, but laking Jollibee kasi si Jhona Mae so parang manonood ka lang na kumain ng Jollibee yung kapitbahay mo. Maybe there is an audience for that, who knows :laugh: Pero siguro kung halimbawa, pinalaki siyang strictly vegetarian or pescatarian tapos first time mag Jollibee as a young adult, baka magkaroon ng more interest?

2 Likes