Never Ending Love Story

Normally, Matthew would be distracted and mollified sa pagpapacute ni John Lloyd.

But not today. He has bigger fish to fry. Oh, idea! He typed out a text message to John Lloyd: “Gusto ko ng pritong tilapia at chop suey.”

Meanwhile, sa mansyon nila Stella… Ready na ang mga gamit sa pag-aaral ni Stella.
“Nasa library na po si Sir William, Ms. Stella,” sabi ng social secretary ng kanyang mommy, si Ms. Leah.
Ang kanyang private tutor ang tinutukoy nito. He had been tutoring her since she was 12 years old. And now, she is 18, and he is 23. Graduate ito sa London School of Economics kaya malaki ang tiwala ng mga magulang ni Stella sa lalaki.
“Good morning!” masiglang bati ni William nang pumasok si Stella sa library. Nakaharap na ito sa computer as usual.
“Morning,” aniya rito at dumiretso na sa bintana na nakatanaw sa gilid ng bahay. It looks out into their 5 car covered carport.
“Wala pa siya,” nakangising sabi ni William from behind.
“Sino?” patay-malisyang sabi ni Stella.
“Yung sinisilip mo diyan lagi.” William started taking some books out of his book bag, but Stella saw his knowing grin. Nairita siya.
“What are you even talking about?”
“Alam mo, you should probably set your sights somewhere else. You know he bats for the opposite team, right?”
Kumunot ang noo ni Stella.
“Shut up, you don’t know what you’re talking about.”

2 Likes

Tila wala sa kanyang sarili si Stella ngayong araw. May kakaibang nangyari kanina habang siya ay nag tu-toothbrush. Parang hindi sabay sa galaw nya yung reflection nya sa salamin, at tila nakatingin ito na humihingi ng tulong. Baka sa puyat lang ito naisip ni Stella.

“Ay, William, pinakain ka ba ng pancake ni mama? Ang sarap diba?” tanong ni Stella.

Natigilan si William. “Ma’am okay ka lang? Matagal nang patay ang mama mo.”

Nanlamig si Stella.

Biglang may umihip na malakas na hangin at sumara ang pinto. Nakita niya na humagis ang isang silya sa lamesa at tinamaan ang picture frame ng mama niya at nabasag ito.

Pagtingin ni Stella kay William ay dumudugo ang ilong nito at nakatulalang nakatingin sa likod nya. May anino ng tao sa harap ni Stella.

Tumunog ang wind chime sa garahe kung saan nakatayo si Matthew. Kinutuban siya nang masama.

1 Like

Biglang nagising si Stella. Siya ay pawis na pawis at nanlalamig. She could feel her nightgown was soaking wet. It was all a bad dream, she thought. Napatingin sya sa picture frame ng kanyang mama sa kanyang dresser. Hindi naman ito basag. Wala si Sir William sa kanyang kuwarto. But what surprised her was Matthew, standing by her bedroom door.

“Anong nangyari, Ma’am?” Matthew said in a whisper, as he came to Stella’s side.

“Matthew! I’m so glad you’re here! I think I had a bad dream,” Stella exclaimed. Hindi na niya naisip kung bakit nandun si Matthew sa kanilang mansyon sa ganitong oras. Ang alam nya she felt comforted with him there.

“Shush…huwag kang mag-alala, Ma’am nandito lang ako.” ang sambit ni Matthew.

Mukhang unti unti nang nahuhulog ang loob ni Stella sa akin, Matthew thought. Napansin niya ang bawat sulyap nito sa tuwing naglilinis siya ng kotse. At palagi niyang nahuhuli itong nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan siya. Pero hindi dapat madaliin ang mga bagay bagay. Kailangang buo ang tiwala ng dalaga sa kanya, bago niya ma-execute ang plano nilang pagkidnap sa kanya.

1 Like

Nakarinig sila ng malakas na kalabog mula sa kusina.

“Ano yun?!” gulat na gulat na sinabi ni Stella na biglang napayakap kay Matthew.

“Dito ka lang muna, ma’am at sisilipin ko.” at dali-daling bumaba si Matthew mula sa attic kung saan nandoon ang kwarto ni Stella.

Nalaglag ang box ng Magic Flakes mula sa pantry. Kinabahan si John Lloyd at dali-daling gumapang dala ang box pabalik sa pinto papuntang basement. Two months na siyang nakatira sa basement matapos itakas ni Matthew mula sa humahabol sa kanyang mga paparazzi.

“Babe ok ka lang?”, nag whatsapp si Matthew kay John Lloyd. “Kalma ka lang diyan. Malapit na tayo makaalis dito.”

2 Likes

Hands trembling, Matthew sent the message to John Lloyd. Matthew was anything but calm. He messed up. Big time.


“Matthew, ano bang meron sa basement? I see you going there, what, at least twice a day?! Tell me - may tinatago ka ba?” pressed Stella.

“Ah, eh…ano kasi…”

“I know your secret, Matthew. Don’t take me for a fool,” Stella says. Calm yet threateningly? Matthew can’t tell.

“Stella, nagkakamali-”

“Wala ka namang dapat ikahiya. My goodness, it took me months to figure out. Baka nabulag lang din ako dahil sa feelings ko sa’yo, pero-”

“Feelings?” Matthew interrupts Stella.

“It’s okay, Matthew. Embracing your truth is a long process. Kung ready ka na, I want you to know na walang magbabago. I trust you. And I like you. Sa lahat ng naging driver ko, ikaw lang ang hindi amoy kulob na kanal. Can I give you a hug?”

Matthew didn’t know what to say. Laging bilin ni Boss Genero, trabaho lang, walang personalan. But Stella bared her kind heart that night. Paano na ang plano? Paano na sila ni John Lloyd?

Mahigpit siyang niyakap ni Stella. He returned her embrace just as tightly.

“Mmm…Mattheeww…I can’t breathe,” sabi ni Stella.

“Oh, sorry,” at niluwagan ni Matthew ang yakap niya.

But Stella kept clutching her chest.

Flashback:

“Kapag hindi naisakatuparan ang misyon in 48 hours, the automatic-release peach fuzz will be activated. Ilalagay ko itong kapsula sa left breast pocket mo. Allergic si Stella sa peaches. When her allergies flare up, mas madali mo siyang mailalabas mula sa mansyon…”

How could Matthew forget that??!

1 Like

Chapter 7

Nagising si Stella sa loob ng magarbong hospital room. Kumpleto ang amenities na tila nasa isang 5 star hotel.

May kumatok sa pinto at pumasok ang naka-assign na doktor kay Stella.

“Oh you’re awake!” Excited na sinabi ng doktor. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Nakita na niya ang mga pulang labi at dimples na ito somewhere.

“Ako pala ang doktor mo, call me Dr. Hyun Bin.”

3 Likes

Hating gabi na nang magkamalay si Matthew. Siya ay nakaratay sa paanan ng isang puno ng Narra, sa gitna ng kagubatan. Hindi niya ramdam ang pagpapak ng mga lamok sa kanyang mukha at braso, pagkat kumikirot ang kanyang binti dahil sa daplis ng bala.

Pagtapos niyang dalhin si Stella sa emergency room ng Cuomo Medical Center, ang bagong tayong hospital sa Puerto Princesa, siya ay nagmamadaling nagdrive palayo. Alam niyang sinusundan siya ng mga tauhan ni Boss Genero. Dahil sa naudlot ang plano nilang pagkidnap, alam ni Matthew na delikado ang kanyang buhay.

Naalala niya kung paano siya tinangkang patayin ng mga mafia goons. Muntik nang mahulog sa bangin ang kanyang minamanehong kotse. At nang ma-dead end siya, dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at tumakbo papunta sa kagubatan. At dun na nga siya pinaputukan ng baril. Buti na lang at nadaplisan lang siya, at hindi nila naabutan dahil sa bilis ng kanyang takbo. Star athlete kaya siya nung high school.

Pero ang tanga tanga ko. Pera na naging bato pa! Ano ba kasi ang sumagi sa isip niya at dinala pa nya sa ospital si Stella? It was like he was under her spell.

1 Like

Samantala sa Cuomo Medical Center…

“Sino ka? Sino ako? Nasaan ako? Bakit ako nandito?” sunod sunod na tanong ni Stella.

“Huh? Di mo naaalala sino ka? Anaphylactic shock lang ang nangyari sayo, Miss Stella. Impossible magkaroon ka ng brain injury,” pagtataka ni Dr. Hyun Bin.

“Ah talaga ba Doc. Akala ko kase magpapanggap ka na ikaw ang asawa ko. Tutal may amnesia na ko, lulubusin mo na. Beke leng nemen. Hihihihi,” sabi ng lumalanding Stella.

“Hahaha. Nakakatawa ka naman, Miss. Hindi pwede mangyari 'yan kase engaged na ako…”

“Stella! Stella! Oh my god! Kumusta ka na Stella!” Biglang na-interrupt si Dr. Hyun Bin nang pumasok sa kwarto si…

1 Like

Madam Yoon aka Ina Magenta. Matagal na silang hindi nagkita mula nang palayasin sila sa Engkantadia dahil sa bawal na pag-ibig ng kanyang ina kay Genero, ang taga-lupa.

Samantala, sa kagubatan, ay may natanaw si Matthew na magandang babae na kamuka ni Angel Aquino at sinundan niya ito papasok sa kubo. Sa di kalayuan ay namataan siya ng mga goons ni Genero na papasok sa gitna ng malaking puno ng balete. Ngunit pagtingin nila sa loob ng puno ay walang tao, butas lang ito. OA na napa-stomp ng foot sa disappointment ang isang goon at binatukan ang kasama nito.

Samantala, sa hospital, nagtataka si Doc Hyun Bin kung bakit mag-isang nagsasalita si Stella.

1 Like

“Ina, tulungan mo ako. May nagtatangka sa buhay ko! Si Matthew, nasaan na siya?” Halata ang panic sa boses ni Stella.

“Ah, Miss Stella, sino si Ina? Ako lang naman ang nandito sa kwarto.” sabay kunot ng noo ni Dr. Hyun Bin.

Nagulat ang dalawa nang biglang bumukas ang bintana at dumating ang…

1 Like

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako’y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa-…

“BEN & BEN!” sigaw ni Nurse Lily!

“Nurse, puwede na, please, ilayo mo sila sa akin?” Stella snapped. “You can see that my fabulous Ina is here, and we’re catching up with years of lost time! At bakit dere-derecho na lang sila dito?!? They didn’t even decontaminate properly!”

Composed pa rin ang nurse, while calling for back-up. Nagsasalita mang mag-isa, at ngayon ay hysterical na ang pasyente.

“Pasensya ka na,” sabi ng cuter one of the Bens. “We cancelled a gig at a private party, sa bahay ni Imee Marcos, because we got a special request to serenade you, here. Clearly, we came at the wrong time.”

Stella is getting confused. Why is Ina here? Parang kahapon lang na binabasa ang kanyang last will and testament, at nagsuntukan pa nga sina Uncle Oscar at Auntie Gillan (na ngayon ay Uncle Bob na). At bakit nandito ang Ben&Ben? Wtf, bakit nila sinira ang sculptured nails ko? At bakit alam ng Ben&Ben (at ng kung sinumang nagpadala sa kanila), na I’m in this hospital. Teka - bakit nagka-peaches sa mansion?! It’s the only thing that can trigger an anaphylactic shock like this, and Mom banned peaches since I was 2 weeks old.

At bakit pinapanood ni Stella ang lahat nang nangyayaring ito from outside her own hospital suite?

“Stella,” someone calls out to her. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat. Singsing na may black diamond na singlaki ng ponkan. Of course, it can only belong to…

2 Likes

Uncle Gener! napasigaw si Stella. Pero ang sigaw niya ay parang hangin lang na lumabas sa kanyang bibig. It was as if she is watching a movie of herself. Bakit kaya nandito si Uncle? Siya ang pinsang buo ng kanyang Daddy na hindi nila nakita for so many years. His uncle and dad were very competitive when they were young. Kaya lang, talagang mas magaling ang kanyang daddy. Siya ang naging valedictorian habang si Uncle Gener ay salutatorian lang. At alam ng lahat na pareho silang na-inlove kay Jacinda, ang mommy ni Stella. Mula nang ikasal ang dalawa, hindi na muling nakita pa si Gener. Nakilala lang siya ni Stella sa mga pictures sa kanilang album. Paano niya kaya nalaman na nandito ako sa Cuomo Medical Center?

1 Like

Chapter 8

Nagulat si Matthew sa nakita niya sa loob ng kubo. Kung titingnan sa labas tila napakasimple lang pero punong-puno ng gintong palamuti sa loob. Sa di kalayuan may isang mataas na torre na may makinang na bagay sa taas.

Lumapit siya at napanganga siya sa kanyang nakita. Ang babaeng kamukha ni Angel Aquino ay isa palang…

Manananggal. Naabutan nyang nagpapahid ng lana si girl. Nagsasalita ito at tila may kausap. Talagang nakakabighani ang kanyang alindog.

Dahan dahang lumapit si Matthew sa may bintana para aninagin kung may kasama ang mananggal, nang…

makita rin niyang kausap pala ng mananaggal ang tikbalang, multo, aswang, at kasama pa sila Annabelle, Jason Voorhees, Minnie Castevet, Freddy Krueger at Hannibal Lecter. Hindi na sya makagalaw sa takot, hindi makahinga at ng biglang kinagat sya ng mananaggal at kinain ang kayang laman-loob, ayun, patay na si Matthew :sob:

Stella kept re-reading the ending. Matthew died. LOL! She wondered if her teacher will be delighted with this short story of hers. Their weekly assignment for school is to write stories of different genres. This week was suspense/sci-fi week. The thought of their driver Matthew being gay and in a relationship with matinee idol John Lloyd and Uncle Genero, her dear Uncle who couldn’t even hurt a fly!, as a mafia boss made her giggle. She continued to finish the yummy and fluffy souffle pancakes with elderberry jam.

“Ikaw na ngaaaaaa…
ang hinahanap ng puso~”

“Ate Marita! Your phone, it’s been ringing kanina pa! I think thrice na, answer it na!”

1 Like

“Hello? Hello, yes Sir John, andito po si Stella.” Inabot ni yaya ang phone kay Stella.

“Hello anak, bakit di mo sinasagot ang phone mo? Pauwi na kami ni Tita Becky mo. We want you to meet someone.”

“Oh sorry dad, I was busy with my homework. Sino siya?” excited na tanong ni Stella.

"We are here at the gate now. Salubungin mo kame sa main door, " sabi ng ama ni Stella.

Dali daling tumayo si Stella pero pinunasan muna ang elderberry jam na naiwan sa kanyang labi.

“Maam, di pa kayo tapos kumain! Yung winter melon shake niyo po with whipped cream and splenda and 2 pumps of vanilla cream ay hinde niyo pa nainom kasabay ng Aderall nyo,” paalala naman ni Ate Marita.

“Wait, Ate Marita. Dad is here. I will meet him in the front yard.”

Habang papalapit si Stella sa pintuan ay naaninag nya ang tatlong taong papalapit. Bakit mukhang pamilyar ang taong kasabay ng kanyang ama at tiyahin? Tama ba ang iniisip nya or namalik-mata siya sa nakikita niya. Bakit tila hango sa eksena ng sinulat niya ang nakikita niya ngayon? Siya na nga ba talaga yan or nililinlang lang siya ng kanyang mga mata?

“Hyun Bin?” Stella didn’t recognize him at first because of his new layered and bowl style haircut. Long hair kasi siya nung nasa Switzerland sila. Hyun Bin rarely smiled, but as he saw his dear friend, his mesmerizing dimples showed. Stella’s heart skipped a beat.

Why is he here? How did he know Daddy and Tita Becky?