Never Ending Love Story

“Anak ng tinapa!”, naisambit ni Matthew. “Bakit tsinelas ang laman nito?!” Hinalughog ni Matthew ang pinkalicious Rimowa pero wala siyang tinapang nakita pa. Inisa-isa niyang binuklat ang kanyang packing cubes, at baka doon naisingit pero wala talaga. Kinuha niya ang kanyang cellphone, pressed 4 to call home. Pero biglang may knock on the door.

Dalawang mukhang bouncer na goons ang pumasok kasama ang isang lalaki. “Sir, is this your friend? We saw him suspended on top of one of the trees at the foot of the hill. He paraglided from that peak.”, said the goon while pointing to a snow capped mountain visible from the window.

Sensing trouble, Mathew answered, “Yes, I know him. You may leave us alone. Thank you.”

“Aneong, oppa. este hello. You left this as you were leaving the airport. I tried to call your attention, but you can’t hear me. Then I ran after your car, but dropped my bag of mandarin oranges on the road. Good thing I was able to grab a cab.”, said the young man with dimples.

“Ayan pala!”, Matthew sighed with relief upon seeing the SM ecobag. Agad niyang chineck kung nandoon ang paper bag of tinapa. Hindi niya maatim na ilagay sa kanyang pinkalicious Rimowa ang tinapa. Naalala niya na nasa hand carry pala niya ito.

“Uy, Pinoy ka pala. English English pako bro.”, sagot ni Hyun Bin. “Buti pala tinapa ang laman niyan. Marami na kasing namatay na may dalang paper bag na may pansit.”

“Hyun Bin, bro.” He reached out his hand for a handshake.

Chapter 4

Natigil ang pagdaydream ni Stella sa garden nang biglang may magdoorbell. Nakita niyang nagmamadaling lumabas si Hyun Bin. Kani-kanina lang tumutugtog siya ng violin sa kanyang kuwarto. Nagulat si Stella na sa isang saglit, nasa may gate na siya at binubuksan ang kandado.

“Bro!” ang bati kay Hyun Bin ng lalaking nasa labas ng bahay nina Mrs. Yoon. Medyo pamilyar ang boses nito, at pagpasok, nakumpirma ni Stella ang kanyang hinala.

“Matthew!” Her heart skipped a beat. Nandito siya…bakit?

1 Like

Could he be here for her? Naisip ni Stella. E bakit ka naman niya pupuntahan, tange. Sabi ng kontrabida side ng isip niya.

Nasa gilid ng bahay ang garden na pinagtatambayan ni Stella, napapalibutang siya ng mga ferns kaya hindi siya masyadong visible from the front lawn. Kaya nabistahan niyang mabuti ang dalawang lalaki.
Mukhang magkaibigan ang mga ito, judging from the way they grinned at each other with matching playful fist bumps.

“BLAG!”

The ancient urn containing a huge fern plant fell from its pedestal into the cobbled garden path. Sa kaka-effort nyang mag-eavesdrop sa usapan ng dalawang gwapo, di namalayan ni Stella na she was leaning too far forward and natabig niya ang paso kaya ito nabasag.

The huge racket caused the two men to look at her direction.

“Stella”, napabulong si Matthew

“Matthew”, malumanay na nabanggit ni Stella habang saglit na may umihip na hangin sa likod ng kanyang buhok at slowmo ito na nag shine sa sinag ng araw.

Medyo amoy bagoong. Si Lola Yoon pala ang umiihip ng buhok ni Stella. “Andyan ka na pala apo.”, bati ni lola kay Matthew.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki.

Dahan-dahang lumapit si Matthew kay Lola Yoon na tila parang nag-iisip ng sasabihin. Nagmano siya sa kanya, at bumulong, “ang ganda naman ng Lola ko ngayon,” sabay kindat kay Hyun Bin. Napatawa si Lola Yoon at sinabing “Syempre naman! Ako pa? Alagang Se-ri Skin care yata 'to!”

Lahat nang ito naobserbahan ni Stella mula sa kinatatayuan niya sa tabi ng mga halaman. Hindi niya maintindihan kung bakit tinawag ni Mrs. Yoon si Matthew na apo. Imposibleng magkadugo sila, dahil malayong malayo naman ang itsura ni Matthew sa matandang Koreana. Naistorbo ang kanyang pag-iisip nang napalingon si Matthew sa kanya. His eyes gazing upon hers felt like eternity.

“Stella dahling, what are you doing here?”, asked Matthew.

“Ah, eh, ano kasi… kwan, tapos ganun…”, Stella stammered. She could not focus on the question. All she could see were Matthew’s hazel colored eyes inching their way towards her.

“I miss you…”, Stella blurted out. What the!! Bakit ko nasabi yun?, naisip niya. “Oh, I mean, I’m Mrs. Yoon’s caregiver!”, Stella clarified. Slow clap, galing mo Stella, lusot ka dun!, sabi niya sa sarili niya.

2 Likes

“Pagpasensyahan mo na and companion ng lola ko, Matthew”, sabi ni Hyun Bin, sabay kunot-noo kay Stella. “She is a little soft in the head. Alam mo na, kinulang sa gatas nung bata pa.”

Natawa si Matthew. “Really? As far as I remember, bibong-bibo yan si Stella. Laging bida kapag may dula dulaan sa plasa tuwing piyesta sa baryo namin.”

Napanganga tuloy si Stella kay Matthew. She could not believe na naalala pa nito ang mga kahihiyang sinapit niya noong elementary school siya dahil pinipilit sya lagi ng mga guro na maging bida sa mga dulaang bayan. Hindi iyon dahil maganda sya or magaling umarte kundi dahil magaling siyang mag-memorize ng linya. Samantalang ang pinakamaganda sa kanilang klase ay laging Virgin Mary kapag pasko kasi–maganda raw at kamukha ni Mama Mary.

Pero na-flatter pa rin siya kasi naalala siya ni Matthew kahit papano.

“O eh, bakit nandito kayo, bakit hindi kayo pumasok sa loob at nang makapagpalamig?” suhestyon naman ng matandang donya.

“Sounds good to me,” kibit-balikat ni Hyun Bin. “Stella, can you make us some drinks? Ano ba’ng gusto mo, Matthew?”

Parang nahihiyang napakamot ng ulo si Matthew. “Uh–I don’t really need anything, nakakahiya naman kay Stella. I can get my own drink.”

“No, she’s only too happy to serve. Diba, Stella?” pointed na sabi ni Hyun Bin sa dalaga.

She did not want to appear rude kaya tumango nalang si Stella. “A-ano ba’ng gusto mo’ng inumin, Matthew?”

“Soda is good, if you have any.”

1 Like

Hyun Bin and Matthew became the best of friends after their first meeting in Tito Ed’s place. Even though they went to different schools - Hyun Bin went to Zurich University of Arts to study Music Performance, and Matthew went to Swiss Federal Institute of Technology to study Agricultural Sciences, they always found time to meet each other. They found out that they both came from Palawan. Matthew’s family’s farm was only one village away from where Hyun Bin grew up.

“Bro, naalala mo yung nag-bar tayo sa Zurich?” Hyun Bin brought Matthew back to the present. Matthew tried to recall that one night when Hyun Bin was so wasted, he tried to hit on the bartender but came off as a little rude. Yun lang ang medyo turn off sa kanya, he gets too confident with the ladies and at times, even with some men. He knows he is good looking, and he isn’t afraid to use his looks to his advantage. His family’s wealth only made his ego skyrocket. Kung ano ang kina-humble ni Lola Yoon, yung ang kinayabang ni Hyun Bin. Nakakatawang isipin na inakala ni Matthew one time na type siya ni Hyun Bin. Pero that same week, nakipag-hook up na si Hyun Bin sa isang Swiss na nameet niya sa Tinder. Wala naman nangyari sa aming dalawa
during our stay in Zurich. We remained friends, and it’s better that way.
Naisip ni Matthew.

Bumalik si Stella dala ang tray ng souffle pancakes at Milkis soda cans. “Sajangnim, kumain muna kayo.”

“Ngapala, alam nyo ba na may Silver Play Button na si lola? 100k subscribers na yung gardening channel niya.”, pagmamalaki ni Stella. “May YouTube channel din ako. Subscribe kayo ha - @cookingstarlet.”

“Ang sarap ng pancake mo, Stella.”, sabi ni Matthew sabay kagat ng strawberry topping.

“Uy yung pancake ko with cheese. Ang sarap din!”, sabi ni Hyun Bin. Naalala ni Hyun Bin yung time na may ka hook up siya sa Switzerland, may cheese at whipped cream pa sila sa kama. :shock: Pagkagat ni Hyun Bin sa pancake ay napatingin siya kay Matthew at napatanong, “Bakit nga ba parang tahimik ka lagi pag nasa bar tayo nun? Madalas nakatingin ka lang sa akin?”

Tahimik na nginunguya ni lola ang kanyang pancake with kimchi. Naaaliw na nakikinig sa usapan ng dalawa.

1 Like

Matthew couldn’t believe it. Napansin pala ni Hyun Bin all along yung pasulyap-sulyap niya noon. “Haha, ganun ba, bro?”, he said nervously. “Teka, teka. Baka that was the time when I was doing that study on the New Cow, Old Cow dating theory? Remember? The one where bulls would prefer a new mate after mating with an old one? Man, that was crazy! I couldn’t believe that AgriSci prof would suggest that as a topic. Hahaha! And what a bull you were then! Remember Agatha…”

“Lola! Are you done na with your pancakes?” Hyun Bin suddenly asked, cutting off Matthew.

“Yes, apo.”

Hyun Bin grabbed Lola Yoon’s plate at the same time as Stella did. Nagkatinginan ang dalawa. *kru *kru sabi ng paligid.

Nalalasing sa iyong tingin
'Di malaman-laman ang gagawin
Habang lumalalim ang gabi
Ay lumalapit ang ating mga labi

Ito na ang gabing 'di malilimutan
Tayo’y naglakad ng dahan-dahan

Parang atin ang gabi

“Uy, Stella! Stella! Yung telepono mo, hindi mo ba sasagutin? Kanina ko pa naririnig yung Sugarfree ringtone mo.”, sabi ni Lola Yoon.

1 Like

Chapter 5

It felt like it was just yesterday when Stella received the phone call that changed her life forever. Pero isang taon na rin ang nakalipas nang mabawian ng buhay ang kanyang Tatay at Nanay dahil sa isang aksidente. They were transporting coconut, at matulin ang takbo ng dyip na sinasakyan nila at nahulog sa bangin. Hindi niya naisip kahit minsan na siya ay magiging ulila sa kanyang murang edad.

Ang tatlo niyang kapatid ay kinupkop ng kanyang tiyahin. Mga ilang buwan din siyang nakitira sa kanila, pero dahil ang kanyang trabaho ay sa farm nina Matthew, she was offered a small room there. Napakabait ng mga magulang ni Matthew sa kanya, na tinuring siyang parang anak din nila. At si Matthew naman, ay sobrang mapag-alaga. Dinadalhan siya nito ng mga prutas at gulay na tanim nila. Para ngang hindi siya katiwala sa farm. She found herself always looking forward to his visits. Kung meron man siyang kakaibang pagtingin kay Stella, hindi naman siya nagcross ng line. He was always a gentleman around her.
Minsan nga naisip ni Stella na baka parang kapatid lang ang turing ni Matthew sa kanya.

1 Like

Lumipas pa ang mga araw at patuloy pa rin ang pagiging “kapatid” na turing ni Matthew kay Stella.
Lumipas pa ang mga taon at patuloy pa rin ang pagiging “kapatid” na turing ni Matthew kay Stella.

At pagkalipas ng 5 taon, 17 araw, 59 minuto, at 3 segundo… nagising si Stella at nabanggit nyan, “WTF! Panaginip lang pala ang lahat ng nangyari simula chapter 1 hanggang chapter 5.” :embarasslaff:

2 Likes

“Stella, sweetie! Wake up! You’ll be late for school”, Stella’s mom said.

“Mom!” Stella exclaimed, hugging her mom tightly. Tears started to roll down her cheeks. “I had the weirdest dream! We live in a small house with no aircon, then I was a caregiver daw, then you guys died in a jeepney accident! OMG, mom, a jeepney! That was the weirdest part!! Why would you and dad be riding a jeepney, di ba?!”

“Ang crazy your dream! My gosh, haha, eew jeepney! Thank god it’s just a dream! Now come on, breakfast is ready na. Marita prepared souffle pancakes. They’re your faves di ba?”

2 Likes

“Ja, natürlich!” Stella excitedly replied. “As long as they’re gluten-free, and topped with organic elderberry jam, Mom!”

“And of course, your cruelty-free Manuka honey,” her mom says, as she pours some on Stella’s fluffiest pancakes. “I’m glad that you’re brushing up on your German, sweetie. You know where we’re off to this summer, yes?”

Stella’s heart skipped a beat (and it’s not from sugar rush from her elderberry jam).

Memories of Switzerland come rushing back to her. The crisp breeze from the Alps, and that familiar tune played on the piano-

“Ikaw na ngaaaaaa…
ang hinahanap ng puso~”

2 Likes

…ang siyang magbibigay ng saya at tamis at lambing sa buhay ko :musical_note:

Tumutunog pala ang ringtone ng phone ni Matthew, ang driver ng pamilya. “Ay sorry ma’am. Excuse me po”, sabi ni Matthew habang sinagot ang phone.

“Mamaya na tayo mag tong-its pag-alis ni ma’am”, sabi niya over the phone kay Becky, ang katulong ng kapitbahay na laging nagbabalat ng patatas.

“Ma’am ihanda ko lang po ang Alphard nyo. Sabihan nyo lang po kapag paalis na tayo.”, sabi ni Matthew kay Stella.

3 Likes

Pero hindi si Becky ang kausap ni Matthew sa kabilang linya. Si Boss Genero ang tumawag sa kanya, lider ng pinakamakapangyarihang kidnapping mafia sa Palawan. Code nila ang “tong-it’s” sa planong pag-kidnap kay Stella. Ngayon pa ba siya dadagain? Limang buwan na pinaghandaan ni Matthew ang raket na ito. Ang hirap na kayang magpagawa ng pekeng NBI clearance sa Recto.

50 Million pesos ang halaga ng buhay ni Stella. At hindi puwedeng hindi makuha ni Matthew ang parte niya na 25 million. Makakapagbagong-buhay siya. Magpapakalayo-layo siya pagkatapos nito. Mapag-aaral niya na ng Advanced Nail Technology ang mga kabataan sa kanila, sa San Sebastian. Makakapagpa-gender confirmation surgery na sa wakas ang kababata niyang si Melania (dating Utoy). At maipagpapatuloy na rin ang pag-aaral ng Medicine ng minamahal niyang si…

3 Likes

John Lloyd.

John Lloyd was his inspiration, ang nagbibigay buhay sa mga pangarap ni Matthew. Magagawa niya ang lahat para lamang maibigay kay John Lloyd ang nais nito: ang makalayo sa mapanuring tingin ng publiko. Ang mamuhay nang tahimik at simple sa isang isla. Pero gusto ang nitong isla ay isang private island with its own wifi, helipad and a spa service just for them. Para diumano malaya nitong ma attendan ang mga klase sa med school kahit sa secluded na love nest nila.

That can take a lot of money. Kaya kailangan niyang kumayod maski na ilegal.

Pero dahil sa enforced lockdown, bihirang bihira lumabas ng gated community si Stella. Online na ang mga klase nito at pinapadeliver na lahat ng mganpangangailangan sa mansyon ng mga iyon.

Matthew has to find more access into his target’s sheltered sanctum. Pero paano?
Matthew needs good ideas, and fast.

2 Likes

Chapter 6

“You had me at my best, she had me at my worst. And you chose to break my heart.”

Naaalala pa ni John Lloyd ang huli nilang pag-uusap ni Bea. Masakit pa rin sa kanya na iniwan siya ni Bea para kay Maja pagkatapos ng pitong taon nilang pagsasama. Sa sobrang sakit ng pinagdaanan niya, nalulong siya sa alak at nawalan ng career sa pagiging IG influencer. Hindi niya matanggap na iniwan sya para sa babae rin. Isang babae na 200,000 lang ang followers compared sa kanya na 1.3 million na.

Ngayon nagsisimula na siyang makakita ng pag-asa ulit mula nang makilala niya si Matthew. Noong una, wala siyang balak patulan si Matthew dahil masisira ang kanyang image. Pero sa ilang gabing paglabas-labas nila at pag-inom, naikuwento ni Matthew ang balak niya kay Stella. Naisip ni John Lloyd na ito na ang kanyang pagkakataon na ituloy ang pangarap niya na maging doctor at sa wakas magiging proud na sa kanya ang anak nila ni Bea na si Elias.

“Babe! Ano ba kanina pa kita kinakausap,” na-interrupt ni Matthew ang pag-eemote ni John Lloyd.

“Ay sorry, Babe. Iniisip ko lang kase kung ano gusto mo ulam mamaya. Adobong itlog, kalderetang hotdog, o sinigang na babe?” pilyong tanong ni John Lloyd para hindi na magtampo pa si Matthew.

2 Likes

Matthew’s reverie and thoughts on the kidnapping were interrupted by John Lloyd’s words. “Kahit ano babe, basta kasama kita kumain.” Those words made John Lloyd smile. He never knew how sweet love is until he met Matthew. Then Matthew suddenly remembered he has to go somewhere important. “Babe, alis muna ako ha.” With his sweetest smile, John Lloyd responded, “ingat!”

2 Likes