Never Ending Love Story

“Surprise!” Sabay na sinigaw ni Daddy John at Tita Becky. “Hyun Bin wanted to surprise you on your birthday!”

“Hi Stella.” Pacute na sinabi ni Hyun Bin habang palapit kay Stella para siya’y yakapin.

“Pero… akala ko ba…” Nag-aalinlangan na sagot ni Stella.

Bago pa man mabigkas ni Stella ang mga susunod na salita, biglang nanlabo ang kanyang paningin at tila nanigas ang kanyang katawan na parang nahirapan siya na huminga. “Nahi…nahihilo ako.” Mahinang sinabi ni Stella. Bakit naman kaya ako nahihilo? Tama naman ang tulog ko kagabi, hindi naman ako gutom o pagod. Bigla niyang naalala na ilang araw na pala syang delayed…

Nung isang araw pa pala ang deadline nung short story niya. Delayed na naman siya sa submission. Kung magpanggap akong may sakit, pwede akong gawan ng excuse slip ni Dr. Belo, naisip niya. Unti-unti siyang nagpalaglag, in slo-mo, mala Neo sa Matrix. Dahan-dahan rin siyang sinalo ni Hyun Bin.

Nasalo siya ni Hyun Bin pero sa may kilikili natapat ang mukha niya. Ang asim. Pinipigilang huminga ni Stella. Pero mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Hyun Bin. This is sooo kadiri to death!, naisip niya. What do I do?

“Okay na ako, Hyun Bin.” Nagpumiglas si Stella sa mahigpit na yakap.

“Are you sure? Aalalayan kita.” Sagot ni Hyun Bin. Sabay silang naglakad papasok ng bahay kung saan nakahanda na ang hapunan na gawa ni Ate Marife.

Nagsama-sama si Daddy John, Tita Becky, Stella at Hyun Bin sa hapag-kainan.

“So… anong meron, dad?” Tanong ni Stella.

“May importante kaming sasabihin sa iyo. We arranged your marriage with Hyun Bin.” Excited na tugon ng kanyang ama.

Gustong magalit ni Stella. Pero kailangan niya mag isip ng paraan para hinde matuloy ay kasal. Alam niya na kapag kokontrahin nya ang kanyang ama, lalo itong magpupumilit at baka mahirapan pa siyang makatakas o makalabas. Imbes na magpakita ng negative na reaction, ngumiti si Stella sa kanyang ama na tila excited sa narinig na balita. "Really Daddy? Oh, I can’t wait to try on a wedding dress of my dreams! Should I book an appointment tomorrow at David’s Bridal so I can say “yes” to THE Dress? " Natuwa ang ama sa kanyang narinig. Malapit na matupad ang kanyang pangarap na magka -apo. Sa gitna ng excitement na ito, tila May isa pang hinde nasisiyahan sa mga narinig na balita. Siya ay si…

Captain Barbel (with invisible cloak kaya hindi sya nakikita nila Stella).

Lumipas ang 3 buwan, 3 araw at 19 na oras… nasa harap na ng altar si Stella at Hyun Bin
Lumipas ang 3 taon, 3 buwan, 3 araw at 19 na oras… meron na silang 2 anak. Si Lee at si Heaven
Lumipas ang 30 taon, 3 buwan, 3 araw at 19 na oras… namatay si Stella at Hyun Bin sa isang aksidente.

Sad :cry:

Ito ang nakitang scenario ni Hyun Bin sa kanyang agam agam habang umiinom ng Corona beer.
“Hinde magiging masaya si Stella sa piling ko. Unfair sa kanya ang ipagkait ang buhay at kinabukasan na gusto niya.” Yun ang naisip ni Hyun Bin habang inuubos ang kanyang malamig na inumin sa isang bar sa may Antipolo.

Habang siya ay malalim na nag iisip, naramdaman niya na May tumapik sa kanyang balikat. Nakita pala siya ng kanyang matalik na kaibigan simula nung grade school …

:twak: para sayo @cute_guy di nga pwedeng patayin ang mga bida :laugh: :smash:


“Juan Miguel?” Napamaang si Hyun Bin rito. Bagay na bagay sa binata ang pangalang iyon. Matikas, matangkad at matipuno. Di kataka takang nag excel ito sa PMA. At ngayon, isa na itong 2nd lieutenant sa Army.

“Kamusta ka, pare?” Sabi nito.

4 Likes

“Kelan ka pa dumating?” Tanong ni Hyun Bin kay Juan Miguel sabay yakap sa matitipunong bisig ng matalik na kaibigan na matagal rin niyang hinde nakita. “Kanina lang, tumawag ako sa inyo at sabi ay umalis ka raw. Tumawag ako sa dati mong number pero nagpalit ka na pala ng carrier. Kaya nag baka sakali ako na hanapin ka dito sa usual nating tambayan. Nice to see you, pare!” Buti naalala niya pa ang lugar na ito, naisip ni Hyun Bin. Luma na pero maganda ang tanawin kahit gabi dahil kita mo ang mga ilaw na tila alitaptap na kumukutikutitap. Overlooking sa Manila skyline, dama mo ang malamig na hangin sa itaas ng bundok. “Oo, gusto ko dito, mas tahimik at malayo sa gulo ng Manila. Kamusta ang schooling mo dun?” Tanong ni Hyun Bin habang umoorder ng crispy calamari at Sapporo si Juan Miguel. Nag aral ng logistics course sa Naval Postgraduate School sa Monterey, California si Juan Miguel kaya namalagi siya sa US ng ilang taon. “Iba dun pare, nakakahome sick. Lalo na siguro kung May naiwan ako dito,” sabi ni Juan Miguel. “Wala ka ba nakilala dun?” Tanong naman ni Hyun Bin. "Marami akong nakilala dun pero May isang tumatak sa isipan ko na hinde ko malilimutan. Nagbakasyon lang siya dun at nagkakilala kami sa Fisherman’s Wharf sa Aquarium by the Bay. Sabi ko na nga ba na Pilipina kaya nilapitan ko na…Maganda, mahaba ang buhok, at May braces. She’s super smart kasi taga UP Diliman who took MBB (Molecular Biology and Biotech). Akalain mo May ganun palang course. Never thought that existed. Beauty and brains, Pare. She’s funny and witty and And I can’t stop thinking about her. I want to find her here. Will you help me? " sagot ni Juan Miguel. Habang tinutukoy ni Juan Miguel ang babaeng iyon, biglang kaba ang naramdaman ni Hyun Bin. Hinde kaya iisang babae lang ang naiisip nila? Hinde kaya ang tinutukoy niya ay si…

2 Likes

“Pare, will you help me?” Inulit ni Juan Miguel ang tanong sabay pakita ng picture sa phone niya. “Ito siya o.”

Nanlamig si Hyun Bin nung nakita niya ang babae sa picture. Tama nga ang kanyang hinala, ang babaeng nakilala ni Juan Miguel ay walang iba kundi si Stella. Hindi niya pwedeng tulungan si Juan Miguel dahil kapag naudlot ang kasal nila ni Stella ay hindi niya makukuha ang pamanang 150M pesos na iniwan ng kanyang lolo. Makukuha lang daw niya ito kapag sila ay nagpasakal ni Stella.

“Ah pare, ano kasi eh…” Sagot ni Hyun Bin. “Yang babaeng yan ay isang…”

1 Like