Ghost Stories and Urban Legends

Heto personal experience ng blockmate ko. Sa Sampa siya nagdodorm pero once nakitulog sya sa room ng friend nya sa Kamia. Bale sa room ng friend niya, isang roommate lang yung natira for the weekend (let’s call her ate ) so tatlo na sila. Si ate may pc sya. So nung gabing un, nagkwentuhan silang tatlo until inantok tapos natulog na sila.

Nagising yung dalawa (blockmate ko + friend nya) sa ingay ni ate . Galit daw kasi nakabukas ung pc nya at akala nya yung dalawa ang gumamit without her permission. Syempre yung dalawa naman nag explain na hindi nila ginalaw ang pc kasi nga sabay-sabay naman sila natulog.

Yung pc nakabukas sa Microsoft Word at may invisible hand na nagtatype ng MAYA… MAYA… MAYA… MAYA… (over and over again) so syempre freaked out sila. Sabi ng isa, “baka virus lang yan!” Tapos lumabas sa screen: VIRUS? HINDI NOH! Ayun, scared the hell out of them… waaaah! :horrified:

paoiiieee / September 17, 2004

2 Likes

^^^ natawa ko sa story na yan! hahaha! :laugh:

Pero yung friend ko, dito sa UPM, may sis siyang may third eye. Tapos lagi daw siyang may nakikitang lalaking pugot ang ulo na naglalakad sa CAS namin. And worse, hindi lang to nagwawander aimlessly - the reason why ayaw nung sis niya magisang naglalakad any time of the day is that lagi daw shang hinahatid nito to her classes and even pauwi papunta sa may gate.

d_2nd_jayze / September 21, 2004

2 Likes

Ako rin may kababalghan na na experience!

Kasi nga may pinuntahan akong kaibigan sa may AS, may something sa org nila kaya ginabi na sila.

Anyways… Nakipagtagpo ako sa kaniya mga 9:30 siguro ng gabi sa AS Steps…

So ayun! Kuwentuhan!

Tapos nung uuwi nako tsaka nangyari lahat.

11:00 na yun kaya wala ng ikot, eh sa Rosas lang ako nakatira kaya naglakad ako.

Galing Palma eh naglakad ako dun sa kalsada sa gitna ng NISMED tsaka MSI (Marine Science Institute)

Sa gitna ako naglalakad tapos nag ha-harmonica ako.

Opening ng kantang Love Me Do ng Beatles. (Share ko lang)

Tapos lumingon ako, may papalapit saking guard, naka bike.

Kinabahan nga ako kasi nung malayo-layo pa siya eh mukha siyang itim na bagay na pa-glide maglakad, pero nung mejo lumapit siya mejo nakita ko na yung uniporme niya.

Kaya ayun nga, nilingon ko siya at mejo mabilis ang takbo niya papunta sakin, mejo tumigil ako sa pag haharmonica kasi baka pagalitan ako at ang ingay ko eh may mga ilang boarding house dun.

Mahina nalang yung paghaharmonica ko kaya naririnig ko siyang palapit ng palapit, nilingon ko siya ulet, wala na siya, pero biglang may mabilis na dumaan sa gilid ko.

Mabilis as in alam mong bisikletang bilis kasi naririnig mo yung gulong niya!

Na overtake-an niya ako pero…

Pag tingin ko sa harap ko, tunog nalang ng gumagalaw na bisikleta ang naririnig ko, wala na siya.

Nag panic ako, tinawagan ko yung kaibigan ko, kailangan ko lang ng kausap habang naglalakad. :embarasslaff:

Azazel / September 23, 2004

1 Like

natawa ako sa kwento. may pa-h sa dulo. baklang two! :embarasslaff:

2 Likes

According to a former professor, in the early 90s, there were a number of students who committed suicide by jumping from the AS roofdeck (accessible through stairs and a door near the 3rd floor ladies’ washroom, if I recall correctly). That’s why said door is always closed. Apparently they were members of a cult or something.

Ako naman sa office namin just a few weeks ago…sheet hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako…

Kasi ganito yun, yung isang officemate ko may third eye. Lagi na siyang may nakikita sa buong office namin, dati kasing hospital ng mga sundalo yung building namin. Tapos may nakikita pa siyang black spirit dun sa cubicle ng boss namin. As in tuwing pinag-uusapan namin yung boss namin (sama kasi ng ugali eh kaya dami kaaway), nagagalit daw yung spirit. Eh nung the day before, sobrang inookray namin siya ng mga officemates ko kasi wala siya. Sabi ng third eye na officemate namin, tigilan na daw namin kasi nagagalit na. Hinayaan lang namin, todo tawanan pa kami.

Tapos the next day, pinag-ovetime kami ng boss namin para tapusin yung isang Ad na hindi naman rush… weird na dun pa lang. Tatlo kaming pinag-oovertime. Eh nung gabing yun, nag-aaya pala yung iba naming officemates na kumain sa Teriyaki Boy. Tatlong beses akong inaya ng 3 iba’t-ibang tao pero hindi ako sumama. Tapos tinext pa ako ng isa ko pang officemate at sinasabi na humabol daw kami.

Eh di yun overtime na, mga 30 minutes na rin kami nagwowork, Tatlo lang kami sa kwarto. Tapos itong may third eye sabi niya nakita daw niya daddy ko the night before. Patay na kasi tatay ko kaya medyo kinilabutan ako. Sabi ko sa kanya para maniwala ako, i-describe niya ang hitsura and na-describe niya perfectly! Never pa niya nakita yun ever! Eh di yun umiiyak na ako kasi may message sa akin. After 10 minutes biglang sabi ulit ng third eye na officemate namin, “bumaba ka sa first floor, nandyan daddy mo.” Syempre kinilabutan ako at sabi ko ayoko kasi matatakutin talaga ako. Eh pinipilit pa rin ako “pag bumaba ka mararamdaman mo presence niya.” Ayaw ko pa rin syempre. Third time sabi niya “pinapababa ka ng daddy mo now na.” Ako naman, umiiyak na ulit ko, sabi ko ayoko kasi nga takot tlga ako, kahit daddy ko yun, nakakatakot pa rin di ba?

Ang creepy, after 5minutes, biglang namumula yung third eye guy na officemate namin, sabi niya parang gusto daw siya itilapon! Sabi ko, imposible naman daddy ko yan kasi bakit naman niya gustong saktan officemate ko? Tapos bigla siyang sumigaw sabi niya “pumunta kayo sa may aircon bilis!” nung hinawakan namin siya, nanginginig na siya at sobrang lalim ng hinga. Tapos tumakbo na lang kami sa may aircon.

Super creepy, biglang natilapon officemate namin mula sa kinauupuan niya!!! As in nanbangga pa siya sa table. Tapos creepy, nung nakabalik siya sa chair, umikot siya at bigla kaming tinitigan…with his eyes na nanlilisik! tapos yung smile niya…evil grin! :shaking:

Sobrang umiiyak na kami nun at nagdadasal kasi alam namin na hindi talaga siya yun. Gustong-gusto na namin tawagin yung guard namin pero frozen kami sa spot na yun kasi yung exit malapit sa third eye guy.

After what seemed like eternity, biglang bumalik sa dati yung officemate namin pero matagal bago namin siya nilapitan ulit kasi nga baka hindi pa rin siya yun and get this, we found out na yung sumapi sa officemate namin ay yung nasa cubicle ng boss namin! Hindi siya black spirit kundi…demonyo!

Sheeet freaky talaga ang nangyari sa amin. Iremembered na 3 beses akong inaya ng officemates kong sumama sa Teriyaki Boy tapos 3 beses din ako pinapababa ng daddy ko. He was giving me a sign na pala, kasi alam niya takutin ako ata ayaw ng dad ko na makita ko ang mangyayari.

Up until now medyo creepy pa rin ang feeling dito sa office. Pero iba talaga feeling kapag first hand experience. Walang-wala ang horror movies.

Snitch / September 30, 2004

2 Likes

Ako may experience sa apartment namin near Nakpil.

Nandun kasi kame ng bf ko sa rooftop, mga 12:30 am pa nun/ eh kelangan ko nang mag-aral kasi may departmentals kame the next day. Inaantok pa naman ako, kaya sabi ko bumaba na lang kame using the stairs para magising ako. Pag dating namin sa 5th flr, sabi nung bf ko bilisan daw namin yung paglalakad kasi may sumusunod. Binilisan ko naman kasi alam kong may 6th sense siya. Pag dating namin sa 3rd flr, tinanung ko kung sumusunod pa. Tapos sabi niya oo raw, bilisan pa raw namin. Pag dating namin sa 2nd flr, pumasok na kame sa sala. Eh nakalimutan naming isara yung pinto, kaya bumalik ako dun sa door. Bago ko sinara, tinignan ko muna yung labas, walang tao. Tapos sinara ko na. As soon as nasara ko, biglang may kumatok, apat na beses.

Creepy.

Eto, meron pa. Yung roommate ko may nilagay na essential oils sa table niya, pagbalik niya nawawala. Hinanap niya sa buong 2nd flr, wala talaga. Tapos one day binisita niya yung mga people sa 3rd flr, tapos nakita niya sa taas ng ref nila, andun yung essential oils.

May nangyari rin saking something similar. Nandun kame sa sala nung bf ko, nagigitara. Yung bracelet na hiniram ko sa friend ko sumasabit dun sa strings, kaya tinanggal ko muna tapos nilagay ko sa upuan. I forgot all about it, so the next day bumalik ako sa sala. Wala na dun. I assumed may nakakuha, wala raw. I gave up looking for it. after one month, binuksan ko yung expanding envelope ko sa kwarto namin, tapos nandun nakasingit yung bracelet. :headscratch:

ouchie / September 26, 2004

2 Likes

Eto pa. This ain’t exactly from UP. Ateneo… Kasi, sa Ateneo, merong Chem building dito, PIPAC.

Periodically, may machinery or something na humihigop ng oxygen sa building para maiwasan ang accidental oxidations sa mga chemicals dito. One time raw, may naiwan na isang guard dito. Then, yun nga! Hinigop yung oxygen sa building thus naubusan ng hininga yung janitor! Di naman siya makasigaw kasi sound proof yung walls! Yun! Every now and then, may figure daw ng janitor na gumagala sa PIPAC… Nagwawalis, nagmamop… Tuwing gabi.

pseudomori / September 29, 2004

Medyo mahaba ‘to.

June 1995, madaming taga probinsya na gustong mag dorm sa Kamia pero wala ng bakante. Bago yung Dorm Head so nag decide siya na tanggapin yung mga students na yun. San nag stay? Yung Basement Lobby, nilagyan ng mga beds. Parang ward! As in 20 beds na magkakatabi. Wala man lang kaming cabinets!

So kami yung original na OB Lobby girls. 18 kami originally. Bago kami dumating doon, the OB Lobby in Kamia was the Basement study area.

On our first week sa dorm, madami kami na experience.

Like si OB Lobby Girl 1 and Girl 2, nag uusap ng madaling araw sa mga beds nila, biglang may dormer na sa likod nila — nanghihiram ng ballpen. At 1 in the morning! Nagtaka sila kasi — wala ba siyang roommate na mahihiraman ng ballpen at kailangan sa lobby pa pumunta? Pangalawa, di nila naramdaman na may lumapit, basta na lang nasa likod na nila. Pero pinahiram pa din nila si dormer. Nagsulat daw sa harap nila ng letter B tapos sinoli ang ballpen Kay Girl 1 and 2. Tapos umalis na. Sinundan nila sa hallway to check anong room si dormer — walang tao sa hallway.

Third night ko, nagising ako kasi may narinig akong umuungol sa labas ng bintana. Pag lingon ko sa bed beside me, gising din si OB Lobby Girl 3. Nanginginig sa takot. May naririnig din siyang ungol pero hindi yun ang reason bakit gising siya. She told me she felt someone was strangling her kaya siya nagising. Nakita niya — may babaeng sumasakal sa kanya. HIndi niya alam kung panaginip or totoo pero naramdaman daw niya yung sakal. Di na sya makatulog after that. She left Kamia the next day. Di na bumalik.

Si OB Lobby Girl 4, nagising ng madaling araw, may nakaupo sa bed ni Girl 5. Kinausap pa niya ito. Pero di sumagot si Girl 5. The next day, habang nagla lunch kami lahat, binanggit ni Girl 4 na di siya pinansin ni Girl 5. Sinabi ni Girl 5 na hindi siya umuwi ng dorm kagabi. So sino yung babaeng nasa kama niya? :headscratch:

Ito personal experience ko — umihi ako madaling araw sa basement CR, mga isang hallway away from our beds/ward :lol: Nasa first cubicle ako. Narinig ko may pumasok sa CR, dumaan pa yung paa sa harapan ng cubicle, nakita ko! Paglabas ko ng cubicle — OPEN lahat ng cubicles. Walang tao. :shock:

Pahabol — pina describe namin Kay Girl 1 and 2, Kay Girl 3 and Kay Girl 4 yung nanghiram ng ballpen, nanakal ng madaling araw, at nakaupo sa bed - iisang description. Parang iisang tao!

So naisip namin, baka may nagagalit kasi yung dating tahimik na basement lobby, nagkaroon bigla ng mga dormers at doon natutulog. Kaya kami ginugulo. The next semester, lahat kami, na-assign na sa totoong kuwarto. Inayos na din yung Lobby Basement para hindi na magmukhang hospital ward.

11 Likes

Ty sa first time mo mapadpad sa thread na ito. :hahaha: Kinalibutan ako dun sa iisang description!

5 Likes

Heto genuine ghost story sa EEE. Medyo may mga kuwento na rin about sa building considering na bago pa lang siya (~4 or 5 years). Hopefully makuwento ko siya ng maayos hehe:

Uso ang overnight sa EEE, especially for students that work with their theses and other projects. Students work sa resepective laboratories nila, located sa second hanggang fourth and even sa rooftop ng building.

One night, a group of students, two boys one girl, were working sa isang laboratory sa third floor.

11:30 pm: One guy decided to take a break. Nagpaalam siya na iidlip muna siya sandali. May kuwarto dun sa loob ng lab small enough para tulugan ng isang tao. Dun natulog yung isang guy, nasisilip pa nga nung dalawa yung paa nya habang nakahiga siya.

1:00 am: Nakaramdam ng pagod yung girl and thought of taking a nap. Seeing the feet of the sleeping guy, she can’t sleep dun sa room kase masikip kung sisiksik pa siya dun. Puro computers at equipment yung pinaggagawan nila kaya wala rin siyang hihigaan. She decided na ituloy na lang muna yung trabaho niya. She decided to go home ng 1:30 am.

2:30 am: yung other guy naman ung nakaramdam ng pagod. Chineck nya yung natutulog at nakita niyang andun pa nga siya. Kitang-kita pa rin yung feet and shoes niya. He decided to go home, leaving the lights and computer on in case magising yung guy.

Kinabukasan, dumating ng maaga yung girl sa EEE. Dumiretso siya sa lab and saw na bukas lahat ng ilaw at computers dun. Tinext nya yung guy (the one that left ng 2:30) kung bakit daw niya iniwan nang bukas yung lab. Sabi nung guy na andun pa nga daw si ***** (the sleeping guy) kaya hindi na niya sinara yung lab.

Nagtxt ulit yung girl: “*****, bat mo iniwang bukas yung lab kagabi? Mapapagalitan tayo ng lab head nyan!”

Nagreply si *****, “ano ka ba?! Nauna kaya akong umuwi sa inyo.mga 12 umalis na ako.” He even claimed that he was watching this TV show around 1:00 am sa bahay nila.

Hmmm sino kaya iyong natutulog…

Freaky, sana wag magparamdam sa akin yun kase napapadalas na rin overnights ko sa EEE hehe… :erm:

aDraEL / December 31, 2004

1 Like

Wala akong na-experience sa Diliman, pero sa LB meron.

2009 or 2010 ito nangyari, nag overnight kami in one of those private pools sa Laguna. Out of the 10 people present, 5 kaming UP grads. Dalawa doon, sina Kuya 1 at Kuya 2, from LB, so nagkayayaan na mag-drive around UPLB na madaling araw, mga 2-3 AM.

Kotse ko ginamit, pero pina-drive ko kay Kuya 2. The thing is, both kuyas, nakakaramdam/nakakakita talaga. So ayun, daan kami ng library, parang may rotondo part yata na may statue ng babae? Pag-ikot namin doon, nag-usap sila:

Kuya 1: Nakita mo?
Kuya 2: Oo!

Sabay nagkuwento sila about sa isang student daw na napag-saraduhan ng library isang gabi. Hindi raw napansin ng guard. Kinabukasan daw, nakita si student sa isang spot ng library na gulo gulo buhok at mga gamit, parang nabaliw daw. And then ayun nga, sa statue na malapit sa library, may something daw, shadow or whatever parang the statue itself is alive. Grabe kinikilabutan ako as I type this. :embarasslaff:

Hindi ko na maalala anong next namin napuntahan sa IRRI ba or magnetic hill pero ito ang naexperience namin:

IRRI: may tiny light orbs kaming nakita. Hindi naman scary masyado, pero impossibleng ilaw from cars or tricycles kasi steady lang sila at ayun nga, madaling araw.

Magnetic hill: ay, dito ako natakot talaga. So akyat na kami, steady lang. Habang umaakyat, nagkuwento sina Kuya 1 & 2 na mayroon daw nagpapakita doon na parang naka-Katipunero hat. That or parang guwardia sibil, basta Spanish era style. At the point na parang hirap na umakyat iyong car (manual din kasi), biglang may light orb na mas malaki kaysa doon sa IRRI, this one, mag-isa lang, and PAPALAPIT SA AMIN. Dali daling nag-maniobre si Kuya 2, kita ko natakot din kasi siya.

Akala ko tapos na pero meron pa pala… Noong pabalik kami sa private pool, may lot malapit na maraming puno ng saging. Sabi ni Kuya 2, wag daw akong titingin, ako naman tanga na ewan, tinuro ko pa, “Alin, doon?” Nagmadali si Kuya mag-drive at kagatin ko raw daliri ko, nakita niyang gumalaw daw iyong mga shadows sa puno, na parang nabulabog when I pointed at them. Grabe, sa sobrang takot ko gawa ng reaction din ni Kuya 2, napadikit ako sa kanya, palayo sa bintana ko (nasa passenger seat ako).

Bale pinagtawanan na lang namin pagkaumaga. Pero whew! Scariest experience ko ever!

3 Likes

Share ko lang to first-hand experience ko… Well 2002 ito nangyari 2nd sem mga mid-Sept.

It was already 11pm and katatapos lang ng practice namin sa choir. Since sa SEARC apartments ako nakatira sa Forestry (LB) nuon ay hinatid na ako ng section leader namin sa kotse niya kasama ang 2 members pa namin. Well yung isang kasama namin sabi niya habang papaakyat pa lang sa Forestry na nakakakita siya ng multo at nakakapagcommunicate sa mga ito.

Since nasa Forestry na kami at balitang pinamumugaran ng mga kaluluwa ang lugar na yun sinubukan ng section leader namin na i-test nga ang powers ng aming kasama so hininto niya ang kotse sa harap ng Tamesis Hall (Admin ng Forestry) para maghanap ng multo ang kasama namin.

After 10 minutes nakakaramdam na daw siya ng mga spirits na naglilibot sa puno at nakikita na daw niya ang mga ito na kumakaway sa kanya. Tumingin kami at wala naman malakas at malamig na hangin lang ang mararamdaman mo. Nagdecide na yung section leader namin na ihatid na ako at huwag na ituloy ang ghost hunting. Ibinaba nila ako sa kanto paakyat ng bahay namin at wala nang mga tao noong panahon na yun sa labas (11:30 na kasi). Hinintay ko muna sila umalis bago ako umakyat papunta sa bahay.

Noong nagsimula na ako gumilid ako sa sementadong daan dahil dati mabato pa yung daan paakyat. Habang naglalakad ako nakarining ako ng tunog ng bakya na naglalakad tumingin muna ako sa paligid ko dahil akala ko may nagpupukpok ng kahoy kaya lang wala akong makita sa dilim ng daan. Naramdaman ko na lang bigla na lumamig ang hangin sa likod ko at akala ko may dadaan na matanda na nakasuot ng bakya kaya nilingon ko muna para paunahin. Paglingon ko sa likod ko nakita ko sutana na itim (yung suot ng mga pari) na halos kasing laki ko (6′0″) na walang ulo lumulutang lang sa ere! Syet! Napamura ako pero naglakad lang ako at hindi tumakbo…

Pagakyat ko sa stairs ng apartment kumatok agad ako at swerte na pinagbuksan ako agad ng kasama namin sa bahay nun. Syet biglang nawala talaga ang lamig sa likod ko at pakiramdam ko naman ay umalis na yung nagmumultong pari. Yun ang akala ko, umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong habulin ang hininga ko. Sabi ko sa sarili ko hindi na pwede sumunod sa akin yun so nagbihis ako sa kwarto ko sa 2nd flr at nakita ko naman na nandoon ang pinsan ko kaya ok lang pumasok. Pagkatapos bumaba ulit ako para naman magsepilyo.

Yung lababo namin nasa likod ng bahay at may bintana sa labas. Hindi ko alam na nakabukas pala yun bago ako magsepilyo, basta alam ko lang nung nilalagay ko na yung toothpaste sa toothbrush ko nandun yung itim na sutana sa labas ng bintana. Lumulutang! Umakyat agad ako ng may toothpaste sa bibig ko at doon na lang ako nagmumog ng bibig.

After nun nung sembreak na napanood ko na lang sa Magandang Gabi Bayan sa Nov1 special nila na may nagmumultong pari na pugot ang ulo sa isang bahay sa Forestry sa LB, sa kapitbahay namin. Hinahanap ang ulo niyang pinugot…hanggang ngayon.

FrenzyMckenzie / January 7, 2005

2 Likes

Sa LB rin yung sabay natin na-post! :point_up:

1 Like

May experience din ako sa 2 sa mga dorms na natirhan ko sa UP.

Kalai - sa 2nd floor ang room ko, lapit sa cr. Walang tubig dun sa gabi, pag mga 12mn na. Nagrereview ako sa Math 17 nun. Mga 1 am na narinig ko me nagsha-shower, so naisip ko na mag-shower na din kasi medyo mainit nung gabing yun. So kinuha ko agad ung mga gamit na panligo ko kasi gusto mo maabutan ko yung naliligo para di ako mag-isa sa CR. Pagpasok ko balak ko mag-toothrush muna kaya lang pagbukas ko gripo walang tubig. Tapos na-realize ko na tumigil na din tubig sa shower so naisip ko naubusan tubig yung naliligo.

Tapos pagsilip ko dun sa area na me mga showers nakabukas lahat ng pinto at wala ako nakita dumaan palabas ng pinto. At eto ang weird, tuyo lahat ng tiles sa mga cubicles. Freaky.

Sampa - 2nd floor din ang room ko, 1st room from the spiral staircase. One time nagkukuwentuhan kami ng mga roommates ko, mga 10pm yun tapos biglang me kumatok. Ang lakas, sunod-sunod. Yung 1 roommate ko malapit sa pinto so binuksan nya agad. Pagbukas nya walang tao at deserted ang corridor.

Sumilip siya agad sa hagdan, walang tao. Impossible kasing me bumaba dun na di magiingay ang hagdan. Ang bilis naman nawala nung kumakatok. Unless mumu yun.

Sampa ulit - Summer yun. SA ako sa dorm so last day na kami nag-check out. Dun pa rin ung room ko sa B12 pero since wala nang tao sa 2nd floor dun na ko nakitulog sa 1st floor. Mga 11pm nagkukuwentuhan kami tapos me narinig kami na mga bote ng softdrinks na parang tino-toss paulit-ulit eh di syempre maingay yun.

Takot kami kasi since SA nga ako alam ko wala nang tao sa 2nd floor kasi naka-check out na lahat at naka-lock na ang mga pinto. Impossible din na sa corridor kasi ung ingay alam mo na galing sa part na malapit sa bintana right above us eh nasa tabi bintana yung bed ng friend ko. At eto pa, puro mga softdrink in can ang binibenta sa dorm namin. kakatakot talaga. Sorry di ako masyado marunong magkwento

Eto pa pala. Hindi ako naka-experience nito pero naikwento lang nung batchmate ko sa Kalai.

This happened December, bago mag-Christmas break. Last day na pwede mag-stay sa dorm so konti na lang ang tao. Yung 1 resident sa 3rd floor narinig nya yung pangalan nya na tinatawag so kala nya andun na sundo nya. Sobrang aga pa nun kaya nagulat sya kasi sabi tanghali pa darating sundo nya. Sigaw naman sya ng “coming”. Takbo na sya pababa tapos nung nasa 2nd flr na sya naririnig pa din nya ung nagpe-page sa kanya so sagot ulit sya.

Naiinis na nga sya kasi sobrang kulit. Pagdating nya sa baba nagulat sya kasi walang naghahanap sa kanya at naka-lock ang office sa lobby so impossibleng may gumamit ng paging system para tawagin sya. Hindi pa sya nakuntento, tinanong nya sa guard kung me nag-page ba sa kanya. Sabi ng guard wala daw kasi wala pa naman daw pumapasok na ibang tao sa dorm at wala pang pumapasok dun sa office. Astig noh? Kilala sya ng multo.

booshie / March 7, 2005

2 Likes

Just this March or April, my orgmates and I, while chatting at Sunken Garden, decided to see and experience for ourselves how haunted the College of Educ is.

8 to 8:30 na nun sa Sunken. I was telling my friends that if they see something in their peripheral view and that at the time they saw it they are not afraid or affected by any psychological thought, what they saw was for real and not just an illusion.

One of my guy friends who has just discovered that he is clairvoyant saw something black, parang shadow na mabilis na dumaan sa likod niya and ng gf niya. He asked if I saw it too. I said yes.

That’s when we decided to go to Educ. Kaibigan namin yung guard na assigned that night so he allowed us to do our little detective work. While passing the classrooms of the left corridor sa groundfloor malapit sa CR ng guys, sumarado yung door. We soon found out pinagtritripan niya kami. But that didn’t end there. What we experienced next was for real.

Alam namin na ang haunted na part ng Educ ay yung dulo ng corridor malapit sa CR ng girls. My gay friend and the gf of our guy friend went to the fountain area, malapit na sa CR to drink. My gay friend was coaxing me na sumama. Sabi ko ayoko kasi nga matatakutin ako. That’s when all of us started feeling dizzy. Hindi namin sinabi sa isa’t isa na nahihilo na kami.

Sa dulo nung corridor, naiilluminate yung madilim na part ng headlights ng mga cars na dumadaan sa Sunken. Pero may isang part na para bang ayaw talagang tamaan ng ilaw and seemed to form a shadow of a form of a lady with long black hair hiding behind a wall. And yet again, hindi namin sinabi sa isa’t isa kung ano ang nakita namin.

I told them what I also learned from paranormal expert Jaime Licauco that if you start feeling dizzy, ibig sabihin may presence malapit sa iyo. Remember, that’s how we all felt.

It was only when we left Educ that we learned what each of us saw. We all saw and felt the same thing! Kinabukasan, broad daylight siyemps, I went to Educ to see kung may tambak sa dulo ng corridor na maaaring magform ng ganoong form ng shadow. Eh wala…… :amazed:

TheNewPrecious / November 4, 2005

1 Like

nNangyari ito 3-4 years ago nung nakatira pa kami sa project 6.

Graduate na ako nun, pero wala pang trabaho kaya tambay ako sa UP nun, sa org namin.

Anyway, inabot kami ng gabi sa kuwentuhan, at bago ako umuwi, dumaan ako sa isang party sa V. Luna - birthday kasi nun ng presidente ng VW Club, so ayun, konting inom, nakita ko pa yung professor ko dun na VW fanatic din.

Medyo may tama na ako nun nung umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay, knockout ako sa kama. Tapos nanaginip ako.

Sa panaginip ko, nakahiga pa rin ako sa kama ko, pero naka-curl up daw ako, at takot na takot. Alam ko raw kasi na may nakatayong multo sa paanan ng kama, at kapag binaba ko ang mga binti ko, hihilahin daw ako nito.

Basta yun lang ang panaginip ko, walang ibang nangyayari. Naghihintay lang ako.

Tapos nagising ako, tanghali na pala. NAririnig ko yung malakas na sarcastic na boses ng lola ko mula sa dining area. Birthday nga pala ng utol ko ngayon, at nandun na ang mga bisita.

So labas ako.

BAgo pa ako makapagmano, sisi agad ang sumampal sa akin.

“Hay naku! Etong si jol siguro ang nag-uwi ng multo!” sabi ng lola ko.

Siyempre, dazed and confused ako, di ba? Putsa, umaagos-agos pa sa utak ko ang hangover ng bangungot kagabi, tapos multo agad ang usapan?

At eto pala ang nangyari kagabi, kinuwento sa akin.

Pagbagsak ko sa kama, ilang minuto lang, nagsimula na raw umiyak ang pamangkin kong 1-2 months pa lang yata nun. Iyak na malakas, hindi yung iyak ng bata kapag na-ihi sa lampin, eto yung iyak daw na talagang galit na galit. Talagang nagwawala.

di raw mapatahimik ng utol ko (yung celebrant) o ng hipag ko yung bata. Lumabas pa ng kuwarto yung nanay ko para lang i-check ang nangyayari. Eventually, tumahimik na rin ang sanggol, at natulog.

Eto ang kuwento ng utol ko.

Nung gabing yun, pagkatapos niya ako papasukin sa bahay, at pagkatapos kong ma-knockout sa kuwarto ko, tumuloy na siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Natutulog nang mahimbing ang bata, at nakasindi lang ang bedlamp nila. Gising pa ang hipag ko, at kinakausap siya.

Siya naman, pagod na pagod, nakadapa siya sa kama para makatulog.

Tapos nagsimulang magkaroon ng “buzz” sa tenga niya.

Gising ang kamalayan niya, pero di maigalaw at parang tulog ang katawan. Naririnig niya ang asawa niya, nagsasalita pa rin.

Symptom ito ng astral projection. Basta sa stage na’to, puwedeng lumabas daw ang kaluluwa sa katawan, at mas susceptible ka sa mga paranormal na experiences.

Tulad na lang kunwari ng, kuwento ng utol ko, boses ng babaing multo na narinig niya sa isip niya habang nagaganap lahat ng ito.

Malungkot daw yung boses ng babae. Kinukulit siya, kinakausap siya -”Pansinin mo ako! Kausapin mo ako! Lahat sila ayaw akong pausapin, ikaw din ba?”

Nagmamakaawa raw. Pero natakot yung utol ko. Baka nga naman ma-possess siya di ba? Ayaw niya talaga pansinin. NAisip niya, pipilitin niyang pagdikitin ang mga kamay niya. Kailangan niyang gumalaw.

Kapag nasa state ka kasi na ganito, para makawala, kailangang magalaw mo ang katawan mo, o may humawak sa’yo.

So ayun, napagdikit ng utol ko yung dalawang kamay niya. At nagising siya.

Tuloy pa rin sa pagsalita yung asawa niya.

Okay na ba lahat?

Nahihilo ang utol ko, at inaantok. Naidlip daw siya ulit.

Kaso, nandun ulit yung “buzz” sa tenga niya. Nandun ulit yung boses ng babae. Alam na niya na multo ito, sinubukan niya ulit na di pansinin.

Tuloy ang pagmamakaawa ng babae. At ngayon, parang palabas sa TV, biglang nag-play-back yung mga alaala ng babaeng multo sa utak niya!

Isang party raw, may mag-syotang nakaupo sa hapag-kainan. Nag-aaway. Biglang tumayo yung lalaki, galit. Lumayo at iniwan yung babae. Yung babae, naiwang nakaupo, humahagulgol!

May susunod pang magpe-playback, pero natakot na raw ang kapatid ko! Nagawa niya ulit pagdikitin ang mga kamay niya, at nagising siya, tapos…

…biglang umiyak nang malakas ang baby nila. Malakas! hindi parang iyak ng batang naihi sa lampin. Iyak na galit, nagwawala!

Hindi nila mapatahimik mag-asawa. Binuhat na nila, pero ayaw pa rin. Nagising na raw ang nanay ko, kumatok sa kuwarto nila. Chineck sila sa loob.

Sinindi nila ang ilaw, at ayun, tumahimik ulit ang bata.

Lumabas daw ulit ang nanay ko. Hinele-hele nila ang baby. Okay na.

Pinatay nila ulit ang ilaw, at umiyak ulit nang malakas ang pamangkin ko!

Kaya ayun, buong madaling araw na nakasindi ang ilaw sa kuwarto nila.

At eto ako, tinuturo ng lola kong sanhi ng recent haunting - na pinag-uusapan ng mga kamag-anak ko sa hapag-kainan, ngayong birthday ng utol ko.

Astig na birthday gift mula sa akin? Ayoko namang isiping ganun. Marami namang mga nagpaparamdam sa bahay namin sa Project 6, at isa ito sa mga pinakamalala.

Pero iniisip ko yung koneksyon nung nangyari, at nung panaginip ko nung gabi. Syet, masyado nga yata akong nalasing para maging oblivious sa nangyari.

At nung di na makausap ng multo yung utol ko, lumipat kaya sa kuwarto ko? Ako kaya ang pilit na kausapin?

Malas lang niya. Ako na dakilang “dense.” Ako na di agad makuha ang subtle flirting signals ng kababaihan?

Syet, so baka nga ganun. Buong magdamag na naghintay sa paanan ko yung multo, pero di niya matarok ang kamalayan kong nagsi-swimming sa Pale Pilsen…

So nakaupo na ako nun sa may salas namin habang pinag-uusapan pa rin ang nangyari kagabi. Kinuwento ko yung panaginip ko, at ayun, na-reinforce pa tuloy ang paninisi sa akin ng lola ko.

Mula sa dining area, tinuturo pa rin akong salarin. Biglang nag-text ang kabarkada ko, napanaginipan daw niya, may multo sa bahay namin.

Napamura ako nang malutong. Sabay reply.

Gumuhit bigla ang tunog ng telepono, yung kabarkada ko, tinatanong kung ano ang nangyari, so ayun, kinuwento ko.

Wala naman daw siyang naramdamang kakaiba nung umalis kami sa UP.

So sa V. Luna ko kaya napulot yung multo? O nung mag-astral projection ang utol ko, nakaramdam yung ligaw na kaluluwa ng opening para sa kanyang hinaing?

Ewan.

Basta maraming mga weirdong naganap sa ilang taong nakatira kami sa Project 6…

mechajol / January 30, 2006

4 Likes

Haha. Meron din akong kwentong kababalaghan. Taga-Ilang ako dati. Nasa pinakadulong room malapit sa may kawayan.

Ako lang mag-isa sa room. Tapos nagbed check. Nung dumungaw na yung R.A. namin, pa hi hi pa ako. Kasi mejo happy person ako. Kahit sobrang hate ko yung RA na yun at wala siyang reaction, tahimik lang. Kaya di ko na rin pinansin yung pagiging moody niya.

Tapos yun, dumating na roommates ko, kwentuhan,tulog. Paggising ko, pagbaba ko sa mess hall. Aba, ako ang pinag-uusapan! Yun pala, dalawang ‘ako’ ang nakita nung RA pero sure siya na di tao yung isa kasi transparent. Ayoko maniwala pero known kase room ko sa ganun eh…

Kaya ngayon, nasa Teacher’s Village na ako. Bye Ilang! Hahaha!

008 / February 13, 2006

2 Likes

Ghost Story ulit: Nung una kong naencounter tong thread na ‘to, nakausap ko yung isang MS na member ng lab namin. Nagkuwento siya tungkol sa dating lab nila. Madalas kasi ang overnight sa amin lalo na kapag naghahabol ng thesis.

Sabi niya, nagising na lang daw siya nang madaling araw tapos may nakita siyang babaeng nakatayo sa taas ng stairs paakyat ng mezzanine. Hindi daw niya makita yung mukha at paa. Pumikit-pikit daw siya para i-check kung panaginip pero hindi nawala. Nung lumingon siya sa kanan, pagtingin niya sa stairs, wala na.

Doon din sa lab na yon, nag-overnight yung isang babae niyang labmate. Mag-isa siya sa lab noon. Nasa phone siya, may kausap. Habang nakikinig daw siya sa kausap niya, may bumulong daw ng pangalan niya sa tenga niya.

Tumingin siya kung sino, wala naman, so salita ulit siya sa phone. Habang nagsasalita siya, may bumulong-bulong na naman ng pangalan niya. Sobrang takot nung girl, lumabas siya ng lab at tinawag yung guard.

AYAW KO NANG MAG-OVERNIGHT SA LAB!!! :shaking:

basangmedyasIII / February 14, 2006

Nung nasa Yakal ako. Nangyari around 8:30 ng gabi.

Lahat halos ng tao eh nasa lobby nanonood ng balita tungkol sa Edsa II. Nagbabasa ako ng nun. Nakaharap ako sa bintana… Tapos biglang humangin ng malakas sa me ulunan ko.

Weird kasi wala nang bintana dun at pintuan yun pero sarado naman. Tiningnan ko nga kung dumating yung roommate ko. Wala namang tao so ako deadma lang. Tapos maya maya me sumusutsot eh di lumabas na ako ng room wala pa ring tao.

Tapos eh di balik ako sa pagbabasa. Maya maya me nakita na ko. Lalaki pero hindi siya tao. Anino lang. Nakatayo sa gitna ng kama ko.

Waahh! Di ako makagalaw nun. Tapos takbo na ko sa lobby, gulat na gulat yung mga friends ko kasi bumaba ako ng naka apak at nakapantulog lang at putlang putla. Hay katakot talaga yun…

makuleht / February 19, 2006