Never ako nakaranas ng ghost sightings sa UP pero sa office namin, naniwala ako na meron talaga. Matagal ko na naririnig na may multo nga daw sa floor namin. Marami na nagkwento ng mga tables and filing cabinets (!) na gumagalaw, lights turning on or unexplained sounds. Sa dami ng kwento, pinangalanan na nila yung multo, si Junjun.
On my first year, yung mga graphic artists na kahilera ng area namin ay takot na takot kay Junjun kasi nung nag-OT sila, yung isang upuan ay gumalaw, nag-slide from
one area to another then nagrotate. Sabi ng iba baka dahil sa aircon, but the chair is too heavy plus standard na nag-ooff ang centralized aircon by 630pm. Navideohan nung isa pero ilan lang ang nakakakita then nacorrupt yung video for some reason. I saw the video, medyo malayo rin ang galaw (around 2 meters), pero hindi ako natakot masiyado kasi naisip ko baka nagtitrip lang yung 2 GA or if you don’t believe, you’re okay.
After some time, I needed to do overtime work and medyo kasarapan na ng formulas sa Excel at almost 95% done na ako so I decided magpaiwan nang magpaalam na yung katabi ko na aalis na siya. Safe naman sa office kasi may guards per floor so I said I’d be okay to be alone nung tinanong niya ako kung sure ba akong magpaiwan. That was around 9:05pm.
Less than 10 entries to compute na lang, I heard footsteps sa likod ko, BIG, HEAVY, RUNNING FOOTSTEPS! More than 10 steps yung narinig ko, matagal, malakas. Our office had an open layout na pag tumayo ka, you can see from end to end ng buong floor. Akala ko may ibang nag-OT pa kaya tumayo ako at lumingon sa likod. Walang tao - wala sa harap, wala sa likod. Kinilabutan ako kaya sinara ko laptop without saving, hinawi ko lahat ng gamit ko sa desk pashoot sa bag ko (thank God I’m the girl who always has a big bag) then ran without looking back. Pero tinigasan ko loob ko na makapag-time out before leaving the floor which meant I needed to click 6 digits on the HR-PRO PC with my shaking fingers and press my thumb on the damn biometrics machine. That was 9:15pm.
Kinikilabutan pa rin ako pagpasok ko ng elevator going down from the 7th floor. Mula noon, hindi na ako nag-overtime na lalampas ng 9pm or pag walang kasama. Sabi ng officemates, malakas daw talaga magparamdam pag past 9pm na sa office.