Ghost Stories and Urban Legends

This is one of the popular threads from the old Peyups.com. We will be posting some of the best entries here. Feel free to add more. Awoooo!

4 Likes

umpisahan ko na… sa CHE kasi…

yung spirit questors daw nagputa dito one night… during the fair, i don’t know what year… tapos ang dami nilang nakitang mumu sa tearoom and they’re wearing those dresses you’d see in the costume museum… nagpaparty daw ba. and then doon sa spiral staircase, may isang girl daw na aligaga at she’s pacing… la daw ulo… she’s waiting for her date ata and late na daw sya sa party sa tearoom. hmmm….

twixter / September 1, 2001

1 Like

Ang naabutan ko namang kwento sa kalayaan, may isang diligent at religious na babae na tuwing bago mag-exam, sinisigurado niyang makapag-samba (yep, samba, kasi sa Iglesia ni Kristo Central siya nagsasamba). Since gabi na natatapos ang pagsamba, nilalakad niya ang street ng DMST (Yllanan Road ba yun? which is crime-infested) tapos magsho-shortcut siya sa track oval patungong kalayaan. sa masamang palad, nung gabi bago mag-NATSCI 1 exam, inabangan siya, ginahasa, pinatay…

Kaya may nagmumulto raw sa isang kwarto sa girls’ wing tuwing bisperas ng NATSCI 1 exam. nagshe-shake daw ang bed nung biktima.

SPOOKY!

Le_Bread / September 6, 2001

heto, firsthand experience…

first week of december 1997

kakatapos lang ng 7-8.30pm class namin sa Arki 5th floor. past 8.45pm na nun, dalawa kami ng katropa ko ang pinakahuling bumaba mula 5th floor… pinatay na lahat ng ilaw sa 5th floor, so habang pababa kami patungong 4th floor, madilim na sa hagdanan.

kinuwento ko sa katropa ko na may pamahiin sa Chinese na kung gusto mong makakita ng multo, tumayo sa pinakamataas na step sa hagdanan, tumalikod ka sa hagdanan, tapos mag-stretching position (stretch to reach your toes), tapos tumingin ka pababa ng hagdan. sabi ng katropa ko, gawin daw namin yun, katuwaan lang. kaya, umakyat uli kami ng last step sa madilim na 5th floor… ginawa nga namin yun!

resulta… wala! wala kaming nakitang multo… tawanan kami pababa na ng 4th floor… 3rd floor… tapos, napagpasyahan namin sa 2nd floor na dumaan pauwi ng Molave. habang naglalakad kami sa kahabaan ng 2nd floor ng Melchor Hall (sige na nga, Eng’g) at nagku-kwentuhan, nagtatawanan, napansin namin, halos kami na lang pala ang tao na nasa 2nd floor. sarado na karamihan ng rooms.

habang naglalakad kami, sinenyasan ako ng katropa kong huminto. may nararamdaman siyang sumusunod sa amin. nung huminto kami, may narinig kaming tatlong footsteps sa likod namin, palapit sa amin. pagtalikod namin, wala namang tao. pagkatapos nang mahigit-kumulang tatlong segundo, may kakaibang malamig na hangin na dumaan sa gitna naming dalawa! sabay tumayo mga balahibo namin sa di naming alam na dahilan!!!

TAKBO!!!

tumakbo na kami papuntang Molave! nakuha namin ng 20 seconds mula Eng’g hanggang Molave na kadalasan 3 minutes kung ibi-brisk walk! Shock kami nung gabi na iyon at di kaagad nakatulog!

SPOOKY!

subukan niyo! pero mas okay yata ang result kung mag-isa lang kayong sumunod sa pamahiing ito!!

Le_Bread / September 18, 2001

5 Likes

sa gym marami din po…

ung frend namin na psychic e may nkita dun sa judo room, naka-judo attire pa daw…

tapos twice na ring pinaparamdaman ang pep dun…

ung first… apat lang sila nag-uusap tungkol sa multo, ung isa sabi he has to see it for himself… so un habang nag-uusap sila may nag-dribble ng bola sa may hardcourt, ang problema sarado na ung gym at walang tao sa loob.

ung next naman nung first sem lang… magkakasama ung drummers ng biglang may narinig kaming 3 beats ng bass drums… galing sa loob… pagkatapos nun nkakita ung isang kasama naming may 3rd eye ng girl na nakatingin sa min from the second floor windows… tapos after nun biglang may narinig ung 2 kasama naming girls ng ungol galing sa loob din… freaky tlaga ung gabing un… lahat kami natakot… umalis na lng kami…

un lang naman po…

boltsy / May 9, 2002

Trivia lang, do you know that UP Diliman is the second most haunted campus in NCR? And we’re talking about per square meter here, guys!

One particular story that spooked the wits out of me was this:

May isa raw girl na pababa sa Kalay. Siya na lang ang lone na pasahero ng isang Ikot jeep isang gabi. Nung nagpapapara na siya sa tapat ng Kalay, nagtaka siya kung bakit hindi inihinto nung driver. Narealize niya after awhile na iniba ng driver ang ruta at bumalik papuntang dorm niya saka siya ibinaba.

Before going down the jeep, the driver cautioned and warned her to remove all her clothing materials pagdating niya sa room niya at sunugin lahat ito.

Sensing that something was definitely wrong, she asked why. “Neng, kanina nung nagpapara ka, pagtingin ko sa salamin, wala kang ulo.”

P.S. ang first ay UST

Precious / May 23, 2002

5 Likes

dami din akong alam na scary stories sa mga dorm, yung iba kwento lang sa akin…

sa kalai, girl’s wing…

#1:nag-aaral yung girl para sa exam nya so late na sya natulog. before sya matulog, napansin nya ung manang sa window nya, binati daw siya & ask kung bakit hindi pa sya natutulog, kinausap naman daw nya sandali den natulog na sya.

the next daw, paggising nya, naalala nya ung manang…

nanindig balahibo nya kze saka lang nya narealize na nasa 3rd floor ung room nya…

#2: may malaking mirror na nakadikit sa wall ng ga, minsan napadaan kami ng friend ko dun galing sa pagru-room hop, mga past 2 na un. before kami lumampas sa mirror, sabi ng friend ko, may nagpapakita daw na white lady dun, takot tuloy kami pareho, kaya pagdaan namin bilis ng lakad namin. pagtapat namin sa mirror, nanindig balahibo namin & feeling namin nanlalaki ulo namin…

#3: medyo madilim sa may stairs kahit umaga, pag dumadaan ako dun, i got this funny feeling na may nakatingin sa akin. minsan nman biglang maninindig ang balahibo ko. basta something’s creepy dun sa part na un, lapit pa nman room namin dun

sa all-girl’s dorm…

creepy talaga ung dating ng dorm, dami ding kwento tungkol sa mga mumu. minsan nasa cr ako, narinig ko na may nag-uusap about sa creepiest room sa dorm namin, basta dami na syang nkwento, nakakapanindig balahibo talaga… ask nung kasama nya, anong room un, sabi nya “ung room na kaharap ng **, ano ba un? basta un”. before ako pumasok ng room ko, napatingin me sa kaharap na room. BINGO! room pala namin un!

mejo eerie talaga sa room na un. tapos, sa top wall sa side ng bed ko, may nakasulat na BAD GIRL or SAD GIRL. hindi nmain sure kung ano, kze parang nakapaste lang sya dun matagal na, mejo, natatanggal na nga lang. pinagtatalunan namin ng mga rum8s ko kung ano ba talaga un. minsan pag pasok ko ng room, out of nowhere, nasabi ko lang na SAD GIRL, tumili ung mga rum8s ko sabay takbo palabas ng room kase iba daw ung dating…

creepy talaga….

maya na ulit ung iba… kain muna ako

laine / May 26, 2002

More :jumpclap: :scheming:

OnT: Sa Kalay isang madaling araw, may naamoy kaming mabaho (amoy naagnas) galing sa closet pero walang laman at di siya mabaho before that. So, napa-rosary na lang kami. At saka may exam kami so walang time para matakot.

1 Like

Hmmmm UPLB stories ba ? Ay madami talaga. Idagdag mo pa ang atmosphere ng bundok, so not only spirits pati na din mga lamang-lupa.

Who would ever doubt Baker Hall na dating torture chamber ng mga hapon? (Truly, check out the historical marker) di ko nga maimagina na sa lahat ng gagwin nila dun ay bakit pinaglalaruan pa natin ng isports. Di ba parang disrespectful?? mga chains and yells of agony nadididnig dito.

Then there’s the underground tunnel which connects Baker, D.L Umali Audi, and meron din daw passage under the College of Human Eco. Hmmm, i forgot na where it leads, pero they closed it dowbn because of the spirits thathaunt it, plus madami na snakes and scorpions. Pero you can point out the sealed passage wayys if you know where to look.

The dorms… I’m not sure kung women’s or men’s dorm: pero there was this one time yung isang girl nag paalam na uuwi dun sa room mate. They chatted for a while and they said final good byes, kinuha ng girl yung stuff nya and left. After a few days, the girl’s parents showed up. Kinausap yung roomate, di pa daw umuuwi ang anak nila! They checked the cabinet to see if dumating na ba ulit sa LB girl, and the body was there, alredy decomposing! (ickgh!)

The Senior’s Social Garden, rumors has it that the statue there is possessed by spirits of students who were not able to graduate because of sudden deaths. The graduate leaves its post and wanders that particular street at nigh (they say the UPF stopped patrolling there, kasi nakikisabay graduate!)

yanna_alfa / March 17, 2002

Dito sa UPLB dami talaga ghost stories….

Last time im in the jeep. siguro mga 11 na un ng gabi at may nakita ako na isang babaeng naka-white tapos ay dumaan sa isang puno sa may SU. Inabangan ko siyang lumabas from the tree pero Hindi na sya lumabas. Ginawa ko ay tumakbo na lang…………

Takboooooooooo!!!

trebuel_kool / August 5, 2002

Sa CBA daw madalas magmulto si David Kotek, yung head ng Pan Xenia na nag-suicide nung 1989. Lagi siyang nakikitang nakaupo sa stairs in between Stat and the BA orgs.

Sa UPIS Elem yung Japanese soldier ilang generations na ng UPIS students ang nakakita during Girl Scout and Cub Scout sleepovers.

Pero yung pinakanakakatakot na Urban Legend na narinig ko happened in one of the co-ed dorms. Warning: if you’re a dormer you may not go to the CR again at night to relieve yourself. Read on at your own risk.

Anyway, there was this girl who was studying late into the night. At around 2AM she went to the CR to relieve herself. After relieving herself, she went to the sink to wash her face. When she finished splashing water on her face, she looked up and saw her reflection in the mirror smiling at her. She was too terrified to say anything, all the while her reflection continued smiling at her in a sinister way.

Grabe, when I heard this, I couldn’t look at myself in a mirror for several days without someone nearby.

Kim / August 5, 2002

1 Like

Anyway, sa NEC one time I was staying over for my paper… I shut the door close kasi late na and my prof (was working as RA dun) said our goodbyes. I getting sleepy when I heard the door gently opened… being the sleepy head that i am, binati ko pa… Tapos bigla ko naalala… NAKA-LOCK YUNG PINTO! shiyet… at hindi lang siya once nagparamdam… I was making my choco drink sa loob ng office one time ng naulit un… this time, I was sure na nilock ko un pinto… Tawag talaga ako ng guard nun sa sobrang takot.

Tapos I remember that dorm story of a “forbidden room” na hindi ginagamit kasi daw may poltergeist haunting the room… d ko lang alam kung saan e… pero definitely its one of those dorms behind AS.

And of course, who could forget the Famous “TUXEDO MASK” poltergeist of Narra… sa rm 132 ata yun… or something like that. where every August, he would haunt that rum and the bed where he used to sleep in… buti pa pa kwento na lang natin sa mga taga-run.

Sa eng’g theatre… nagtatakutan kami one night about the movie Sixth Sense ng biglang pumasok ang idea na magghost haunt kami sa lob ng theatre… so without turning on the lights (cellfone lang gamit namin to show us the way), punta kami ng stage… paglingon namin (there were 5 of us) 3 of us saw a figure sitting in one of the chairs and we all had the same descriptions… spooky

ryski / September 18, 2002

lampas 20 years na to pero lagi pa rin kasama sa kwentuhan namin ng mga ka-batch ko sa org. nangyari to sa isang compound sa UPLB campus…

umiinom kami nun tapos bigla kaming natigilan nung isa naming kasama. sabi ko may nakikita akong lalake sa corner ng mata ko nakatayo sa staircase e wala namang tao dun. sabi nya sya rin may nakikita. sabi ko “o sige para hindi bogus sabihin natin on three kung anong kulay ng damit”

“one… two… three…”

“PEACH!”

6 Likes

Sa UP Manila, at the topmost floor of the med building naka imbak lahat ng cadavers na pinag aaralan ng mga students. Yung place talaga sobrang creepy specially at night.

Kung magdadaan ka sa mga alleys ng UP Manila sa may library. Wag daw kayong tingin ng tingin kung saan lalu na sa mga itaas ng building dahil marami daw nakadungaw pababa!!!

Sa sobrang dami na ng mga nagpapakita doon, yung doorknobs ng med bldg may rosary na nakatali kasi minsan daw bigla na lang umiikot yung doorknob na parang may gustong lumabas from the morgue!!!

Sa banahaw (up extension na rin) nung nag punta kami dito para sa P.I.100 kinuwento ng guide namin nung nasa Kolehiyo kami dito nagse setup ng mga tent kapag magcamp na sa Banahaw. Meron daw loose hand (yeah…from wrist to fingers lang!!) na gumagapang dun at naghahatak ng tent!

But the scariest of all stories i heard nasa banahaw din. Meron daw independent group of 4 students na nagdecide na mag set up ng tent away from the rest. Doon pa daw sa maraming puno para daw makapag set up din sila ng hammock while they were all lounging around sa loob ng tent kasi patulog na sila… nakarinig daw sila ng mga nagtatawanan sa labas. So they thought na baka may mga lokong mananakot sa kanila kaya lumabas sila para i-check. As they scouted the perimeter, wala silang nakitang mga tao so decide silang baka na overhear lang nila yung nasa camp na malayo….nung pabalik na sila sa tent narinig nila uli yung mga nagtatawanan pero nasa loob na daw ng tent nila!!!

jpaolo / September 18, 2002

5 Likes

Sa upm marami akong first hand experiences. Istay kasi hanggang 10 pm dun for my org.

May mga “guests” kami sa LT at sa LLT pag may rehearsals.

May guy in blue na nakikiumpok sa amin nung nagkukuwentuhan kami sa may batibot near oble.

Basta upm pips, never stay sa 3rd floor ng rh ng mag-isa especially sa LLT. believe me… bigla na lang… di ka na nag-iisa…

yuri / September 25, 2002

1 Like

Nangyari sakin nung undergrad pa ko sa UPLB:

Taga first floor ako sa vet dorm nun. Pero nakiaral ako sa second floor. Lumabas yung mga kasama ko para bumili ng maiinom. Naiwan ako. Habang nagaaral ako may dumaan na tao sa bintana, di ko pinansin dahil akala ko nasa first floor parin ako. Natauhan na lang ako nung bumalik mga kasama ko, dun ko na lang naramdaman ang takot.

Arilou / October 14, 2002

2 Likes

Kwento ng roomate ko. We’re now staying sa isang all-female dorm sa likod ng AS. Galing siya sa kabilang dorm (sa likod din ng AS).

May isang room doon sa pinanggalingan niyang dorm na hindi na binubuksan. May namatay ata doon or something dati. Pero kasi, kaya di na yun pinagamit and forever na lang na naka-lock ay dahil yung mga nagse-stay daw sa room na yun ay laging ginugulo ng mga mumu. One time daw ay nagigising na lang silang palit-palit na yung mga blankets nila. Or yung pinaka-terrible ay nung nagising silang lahat in the middle of the night tapos may mga old ladies in white na tinataas baba yung mga beds nila!!! Mga mukhang galit na galit. They were all screaming their heads off, pero the next day, sabi ng mga dormates nila, wala ni isa ang nakarinig sa kanilang nagkakagulo na pala sila sa room nila! Ever since, napagpasyahang i-lock na lang yung room at hindi na pinagamit kahit kelan.

chillybean / October 25, 2002

3 Likes

:lol: my story, my old username.

7 Likes

Yung ghost story sa Educ Bldg…

That ghost with red eyes has been known to roam the Educ-UP Elem-Phan-CASAA area for years now. Supposedly casualty daw siya ng World War II.

Ako personal experience ko, it didn’t happen in UP but sa former office ko. I had already been warned by my officemates not to stay in the office by myself late into the night. Some of them had already experienced hauntings while working overtime/overnight: chairs moving by themselves, the sound of footsteps, PCs being turned on without explanation, etc.

But one time I had no choice but to go overtime. I had a paper to finish ASAP. Ghost or no ghost, I was determined to meet my deadline. So despite all these warnings, I just gathered all my courage and typed away at my keyboard deep into the night.

What made my situation even more uncomfortable was the fact that my cubicle was rather isolated from the rest of the office. I was sort of tucked away in one corner. The only light on was the one near my cubicle. The rest of the office was dark. And I was all by my lonesome.

So, inevitably, at around 9PM the ghost made his presence felt. But since I was totally expecting it to make some noise, I blocked out what I was hearing and continued typing. But the sound of someone moving around and shuffling papers persisted.

Then it sounded like some cabinet or heavy thing was being moved. Since my cubicle was isolated, I couldn’t see what was going on. Nor did I have any intention of looking up. Baka ano pang makita ko.

Then came the footsteps. Pucha, ito hindi ko na talaga kaya. My courage has its limits too. I saved my work, shut down my PC and ran to the exit. Dahil malayo nga ang cubicle ko, I had to walk some way before getting to the door. I didn’t look anywhere but at the door, because I felt that if I looked in the direction of the footsteps, I would see something. Parang medyo may figure nga, pero I chose to ignore it.

I shut off all the lights, locked the door and ran like crazy to the elevator. The following day, I told my officemates about it. They laughed and said, “welcome to the club.”

I never went OT again in that office by myself. Akala ko kaya ko yung multo, hindi pala.

Kim / November 5, 2002

3 Likes