Ghost Stories and Urban Legends

May kwento rin ako!

Dati, sa Kalai, (eh insomniac na talaga ako nun pa). Naglalakad ako ng ganyan sa corridor, tapos narinig ko yun isang floormate ko na friend ko rin tapos parang she’s back-biting me. Basta, saying something negative about me. Pabulong siya pero malakas pa rin kaya dinig na dinig ko talaga…

Eh palaban rin ako so kinatok ko yun room niya and cinonfront ko siya na kesho, akala ko magkaibigan kami and all that drama. Tapos for more effect, sinaraduhan ko siya ng pinto while she was defending herself.

Kinabukasan, kinausap ko na siya tapos parang walang nangyari. We were in her room (the same room I heard her talking) and I jokingly mimicked what I heard her saying.

Tapos parang naguluhan siya. Hindi daw sila nagku-kwentuhan ng roommate niya. Tulog na daw yun roommate niya nung nagwawala ako nun plus nagdadasal daw siya ng rosaryo nun. Akala ko joke-time but no, she was dead serious and I was dead pale.

Later, we learned from the RA na may nanggagaya daw talaga ng boses sa floor namin.

:amazed:

messedup_mousique / April 22, 2006

2 Likes

Hala dami rin akong ghost stories sa Kalai! Eto:

Lunchtime nun, tinatawag na ako ng mga friends ko para bumababa at kumain. I got inside my room, B306, and fetched my spoon and fork. Paglabas ko, parang naisip ko na may nakalimutan ko yung spoon, pero dala ko na pala, so lumingon ako’t tumakbo pababa.

Pero, upon my first step napansin kong may babaeng nakaputi sa harap ko at sinubukan kong umiwas. Napa- sorry nga ako eh. Nakita ako ng kaibigan ko tapos nagtaka siya. “Ano ung sayaw na ‘yon?” Hala, sayaw daw. Sabi ko iniwasan ko lang ung babae on my first step to run… “Anong babae? Wala namang babae ah” Napa- teka ako nun’. Oo, bawal nga ang babae sa boys wing. But I could’ve sworn, may babaeng nakaputi… na may mahabang buhok… na naka- face-to-face ko… Oooo… goosebumps. :sulkoff:

Isa pa:

May ka-floor ako (let’s name him A), habang umiinom sa water dispenser, nakita niya yung isa pang ka-floor namin (let’s name him B) na pumasok sa CR two consecutive times — nang hindi man lang nakitang lumabas.

Alam ni A na hindi pa lumabas si B sa CR dahil katabi ng pintuan ng CR ang water dispenser. Grabe. Doppelganger.

:embarasslaff:

F1rstP3rs0n / April 30, 2006

2 Likes

Here’s something about my room sa favorite dorm ko -Yakal.

It’s been 4 years since I graduated.

Sa Yakal, men’s wing. East Wing 2. 4 per room kasi dun. Nagkataon na yung isang room mate ko nakakakita din. Ang pagkakaiba namin nakakakita sya agad, ako nararamdaman ko muna bago ko makita. Ang masama pa nito, minsan pati yung emotion/s nung entity nararamdaman ko. Madalas pareho namin nakikita yung nagpapakita sa room.

Isang beses nag-aaral ako sa room, may nakikita akong dumadaan sa tapat ng bintana namin. Remember nasa East Wing 2 po ang room namin, 2ng floor yun.Di ko makita ng malinaw yung dumadaan, basta puti sya. Ang ginawa ko, tumayo ako, isinara ko yung bintana tapos bumalik na ulit sa pag-aaral. Pagdating nung room mate ko, sabi nya bakit daw nakasarado yung bintana, ang init init daw. Sabi ko may nakikita ako, bahala sya kung bubuksan nya.

Binuksan pa rin nya yung bintana.

Ang ginawa ko, tumalikod ako sa bintana. Diretso pa rin ako sa pagrereview. Sya naman naglabas ng mga libro nya sa MetEng at nagaral na rin.

Maya maya nagulat ako kasi nagsalita sya, sabi nya “oo nga ano”, tapos isinara nya yung bintana. Nakita rin nya yung dumadaan sa may bintana!.

May nakatira din sa room na yun. Isang lalaki na laging naka-white. Sa lahat ng entities na nakita ko, sya yung pinakamalinaw. Nakasalubong ko pa sya sa loob ng room tapos iniwasan ko kasi mababangga ko sya. Akala ko yung isang room mate ko kaya ko iniwasan. Nakita na rin sya ng room mate ko, pag nagigising sya sa madaling araw nakikita nya naka-upo sa table namin.

Minsan nangangamoy bulaklak ng patay yung room. Minsan naman amoy kandila. Minsan may pumipihit nung doorknob.

Marami pang nangyari at nagpakita sa room na yun. Dumating na sa point na nasanay na kami, palibhasa nakakakita at nakakaramdam na kami before pa kami tumira sa room na yun. Imagine, I stayed there for 3 years. Yung room mate ko two years plus yata.

Wanna know which room it is? Its at EW2, one of the rooms facing the girl’s wing.

Kelan open house sa Yakal? :laugh:

cardinalus / May 4, 2006

2 Likes

Sa bahay namin dati may malaking “lalaki” daw na “naka-bantay”. Nung nagpahilot minsan nanay ko, sabi nung hilot bago daw siya pumasok, may humarang daw sa kanya sandali at “inistima” at kinindatan daw siya sandali bago pinapasok. Sabi naman niya, mabait naman daw at nagbabantay lang ng bahay. Dun daw sa puno ng mangga sa likod ng bahay nakatira. Minsan din ng nakitulog pinsan ko na nakakakita ng mga ganyang bagay sa bahay, lumabas siya sa likod ng gabi para umigib ng tubig. Pagpasok niya kinuwento niya na may mama daw na nakasilip sa puno ng mangga, sa mga sanga. DI naman daw masama, mukhang tumtingin lang sa bagong mukha.

Then yung sister in law ko din nung bagong kasal sila ng kapatid ko, at mga unang linggo nila sa bahay, nagising minsan isang gabi. May malaking lalaki daw nakatayo sa may pinto ng kwarto nila ngumiti daw at nilagay yung daliri sa may bibig na parang signal na wag maingay. Ginising niya kapatid ko pero bigla daw nawala. Chineck nila lahat ng pinto, bintana at gate, locked naman. Kinabukasan, pinapunta namin yung hilot, kinausap niya yung “lalaki” na wag naman manakot. Nag-sorry naman daw at curious lang daw siya sa bagong mukha.

Nung pinagiba yung bahay at pinutol yung puno, kinausap muna ulit para di daw magalit.

5 Likes

Hindi ko alam if I should freak out or not but may isang araw, my son looked like he was reaching out to someone tall eh kami lang ng yaya nya sa apartment tapos bigla siya nagsalita: “Daddy!!!” eh hindi naman daddy tawag nya sa tatay niya at nasa work tatay niya.

Yung isang hinala ko baka nagpaparamdam yung tatay ko. Eh nung buhay pa sya lahat sa bahay tawag sa kanya eh daddy. Ayun, we started na at least may background noise sa apartment. Baka sino pa biglang kausap ng anak ko. :horrified:

4 Likes

I had a classmate with the same experience. He was studying habang nasa harap niya yung bintana. Of course, tuon na tuon yung concentration niya sa pag- aaral. May dumaan sa harap niya, tumigil tapos sinabi, “Boy, ang sipag mo naman! Tulog ka na! Masamang magsunog ng kilay!” He ignored the guy at tapos umalis yung dumaan. After 15 minutes, na realize niya na nasa 3rd floor pala siya.

Isa pa, sa Vinzons.

There are rumors na may white lady sa men’s room bandang 1st floor. Two of my classmates went there to find out. Pumasok sila at late na nun. May late- permit kami para lang dito. May hawak silang cellphone w/ camera. Nang nasa loob na, yung isa nasa harap ng salamin. Behind him is my other friend na nakaupo sa cubicle. They were all in view of the mirror in front of them. Tapos nung kinlik na nila yung capture…

Nasa shed ako nun ng sunken garden, awaiting for their arrival. Bigla na lang akong nakarinig ng napakalakas na tili. Tapos lumabas silang tumatakbo. Akala pa nga ng mga tao sa mga tabing sakayan may gulo eh. Then they showed the captured picture to me. There was a white lady staring down on my classmate — the one sitting on the cubicle. One can clearly see the long hair at obvious na naka- side yung white lady habang tinititigan niya yung kaibigan ko.

Isang urband legend.

Ever heard of the UPD student who levitated in front of two professors inside FC? May urban legend na two professors approached this student and asked him / her kung siya nga raw ba yung marunong mag- levitation. They asked him to levitate inside FC para raw walang ibang makakita… :amazed:

F1rstP3rs0n / May 5, 2006

2 Likes

Sa Kalayaan first floor boys wing. One resident has taken a picture of an old man in white with his cellphone. Then he shared it with his floormates. Siya ‘ata yung nangangalampag ng pinto pag tulog na ang mga tao. And get this, hindi siya mangangalampag sa labas ng kwarto mo… No, no. Sa loob ng kwarto. At kung sino man ang nakatira dun sa kwartong iyon, sila lang ang makakarinig sa ingay. Kaya hindi naalarma ang buong floor.

Dyip Toki. A friend of mine was riding a Toki Jeepney and then this other passenger kept yelling to the driver “Mama! PARA PO!!”. The driver wouldn’t stop though, and so did the other passenger. At last when the jeepney arrived at Math Building, of course, the driver had no choice but to stop. Hindi rin nakababa yung kaibigan ko. So tinanong niya dun sa driver. “Mama? Hayun po galit na galit yung estudyante sa inyo. Sa Vinzons pa po siya nagpapara, bakit ayaw niyo pong itigil yung dyip?”

“… Kanina wala siyang ulo.”

Dude sa Betaway. May naglalakad ba sa betaway tuwing midnight?

My floormates came late after watching a play at pinili nilang dumaan sa betaway. Wala pang mga nagbabantay noon. Nang umapak na sila sa mismong concrete ng Betaway, the three of them saw a teenager holding a candle that is slowly walking towards them from the opposite end. Akala nga nila initiation of some sort eh. But when the guy started running very fast towards them and noticing that hindi namamatay yung kandila, nagiba na sila ng direksyon.

F1rstP3rs0n / June 14, 2006

2 Likes

Parang same kwento nito. :point_down:


May class was 7 am tapos yung susunod hapon na. So yung natapos na yung 7am class ko, dumerecho ako sa tambayan namin sa CSSP-SC, natulog muna ako kasi inaantok pa ko.

When I heard a girl voice na nagtatanong tapos bigla siyang napasigaw ng konti at umalis. Napaupo ako to see kung anong kelangan nung girl. When she came back, tinawag nya ako at hinatak palabas ng council.

Sabi nya nung nasa labas na kami, nung pumasok siya to see kung may tao, nakita nya na may malaking mabalahibong tao na maitim daw na nakatitig sa akin habang nakahiga ako sa loob.

So naghintay ako sa labas ng makakasama na papasok uli sa loob ng council kasi natakot ako sa sinabi nung girl. Hindi naman siguro siya gagawa ng kwento kasi di ko naman kilala yung girl at talagang takot na takot yung expression niya. Tagal na nito, first year pa ako sa CSSP.

Another kwento about my experience sa CSSP-SC. One volcorp had her bday. We planned a surprise party for her sa council. So isa sa kasama namin ang magdadala sa kanya sa council while yung iba magtatago

Apat kami na nagtago sa ilalim ng stairs sa loob ng council. Meron kameng candle para pag pasok nung may birthday, kakanta nalang kame.

Napansin ko na may naka-akbay sa akin na malaking kamay. Eh napapagitnaan ako ng dalawang babae so hindi naman siguro ganoon kalaki kamay nila. Yung isang lalaki na kasama namin medyo malayo, so sinabi ko nalang na “ang bigat ng kamay mo ha”.

After saying that dumating na yung birthday celebrant, binuksan na namin yung ilaw and we ate na the food. After that I confronted the three persons with me duon sa ilalim ng stairs. Sabi nila na di daw nila kayang umakbay sa akin kasi yung candle nasa isang hand at yung gift naman nasa isa.

So titigan nalang kami. I really swear na mabigat talaga yung kamay kung sino man yun. Sana hindi siya yung nakita nung girl na nakatitig sa akin nung nakahiga ako sa bench.

Another incident…eto naman sa work place namin, our graphic artist is doing her work while listening to an mp3 player, bigla syang napasigaw tapos lahat kame napalapit sa kanya. Sabi niya. may narinig daw sya boses na tinatawag pangalan niya habang tumutugtog yung player niya. Tanungan tuloy kame kung may kuwento ba yung office namin kasi karamihan sa amin bago pa lang, kahit yung graphic artist namin.

junjon / August 6, 2006

1 Like

Heto naman sa CS Audi nung Natsci class namen, it was 4 to 5:30 yata. Habang busy ang prof namin sa kakadiscuss ng mga bagay na ayaw kong intindihin. Bigla siyang natigilan at nagtanong sa aming lahat, “Sino ba sa inyo nagdala ng bata dito?” Sabay turo sa rear part ng audi.

Lahat kami napalingon, wala namang bata duon. Kinilabutan kami lahat kasi pagharap namin sa Prof parang natulala siya bigla. We never knew kung ano pa nakita niya pero soooo creepy yung pakiramdam duon sa likod ng CS audi. Simula nuon naguunahan na kami sa harap.

And there’s this one time na nagdala ako ng chicks sa campus for some late night in-car loving (hehehehehe).

Habang nagdadrive ako sa harap ng AS (I was giving the girl a quick UP tour.) Tinuro ko yung top floor ng AS west wing kasi duon kami pag Spanish 1.

As I looked napansin kong may puting figure na tumatakbo from the CSSP side papunta sa center stairs. When I blinked, nasa third floor na yung tumatakbo running in the same direction.

Kinilabutan ako grabe! Hanggang ngayon kinikilabutan ako pag naaalala ko yun!

Pero natuloy pa rin sa likod ng Vinzon’s yung balak namin. Hehe.

jello0310 / August 7, 2006

2 Likes

Don’t know if this could be categorized as a ghost story. But when I was based in the US, I would wake up around 3:00 am everyday. I would always feel something inside the room, looking at me. Mag-isa lang ako kasi.

Later on, it became so regular na hindi na ako tumitingin sa clock pag nagigising. Nagtatalukbong na lang ako ng kumot and then I try to sleep again.

When it did not stop, I moved out of the bedroom and slept on the sofa. Kalaunan dinala ko yung bed sa sala lol

2 Likes

This happened on the same area/ tambayan ng 4th floor Eng’g building sa kwento ni sis @AvA. :blush:

Saturday nun, naka-lock yung gate na may vertical railing (parang rehas) kaya walang direct access sa hallway kung nasan ang lockers. Nauna ako dumating sa 2 groupmates na kasama ko gagawa ng project. Pagdating ni grpmate A, sabi ko pakibantayan yung bag ko and ibang gamit namin at may kukunin lang ako sa locker.

So bumaba ako sa left wing stairs, naglakad sa 3rd flr hallway at umakyat sa main stairs, tapos lakad ulit palapit sa tambayan na may gate kasi malapit dun ang locker ko. Habang kumukuha ako gamit sa locker, nakita ko si grpmate B nakatayo sa gate na may vertical railing. Nakahawak yung dalawang kamay nya sa rehas, nakadikit yung noo nya sa bakal. So okay. Complete na kami!

Dahil marami akong bibitbitin kung lahat dala ko pa pabalik sa 4th flr, dinala ko yung iba sa may gate para dun na nila abutin. Pag dating ko sa gate, nakita ko nakaupo si grpmate A sa tambayan nagcecelfone.

So sabi ko, “paki abot naman nito para konti na lang hahakutin ko. Nasan na ba si grpmate B?”
Sagot nya sakin “ito nga nagtext eh, traffic daw pero malapit na daw sya” :horrified:
So sino yung nakatayo dun sa gate, same spot kung san kami nag aabutan ng materials :shaking:

5 Likes

^ @arwen Witching hour starts at 3 am.
Wala ako detalyadong ghost story sa UP. Pero sa pamilyar sa Men’s cr sa Benitez, yung sa baba. Laging nananayo buhok ko sa batok pag jumijingle dun after a 5:30-7 class. Creepy pati tiles dirty white na matte. Kaya laging first urinal nearest the door, no looking from side to side, tas sibat ng mabilis.

2 Likes

Yup, kaya nung tumagal I stopped sleeping in that room and just moved to the sofa where I get uninterrupted zzzssss.

2 Likes

May nagkuwento sa akin about sa isang mural ng hell sa basement ng Vargas Museum na pinagawa sa FA students.

Pero di mo na makikita yun ngayon kasi nagpatong sila ng isa pang layer ng wall just to seal the thing off.

Weird daw kasi yung aura sa lugar na yun nung natapos yun mural, may mga ungol sa basement pag gabi.

Tapos yung nagpepaint ng face ni satan…nag-faint habang ginagawa niya. Biglang nag-iba yung facial expression nung ginawa nya…

They tried to put white paint on it pero ang bilis magwear off. Parang lumalabas yung face ng devil sa white paint.

Sinubukan din nilang takpan ng mga board pero may kumakatok sa boards galing dun sa wall. Kaya yun pinatungan na lang ng isa pang wall…

Sabi sabi pa nga… na yung mga FA students na nagpaint nun, may nagsuicide, may nabaliw, may naging sobrang depressed.

Pero urban legend lang naman ata 'to but it’s freaky. I’m gonna check it out kung may extra wall nga sa basement ng Vargas.

palamuti / August 12, 2006

2 Likes

Hi palamuti. I had my MA class diyan sa basement ng Vargas. I think there might have been an extra wall pero di po confirmed. I was pretty scared with Vargas.

Heto ang pinaka-weird when I was feeling something creepy with CSSP or just passing by all the buildings ng malapot sa academic oval i consulted my old guide map nun (para sa UPCAT nun).

True to my suspicions, pentagram ang lumilitaw sa placements ng buildings paligid ng oval… lahat na points ng star pointing to the most haunted buildings and street : Eng, Educ, CSSP, CP Roxas Street at Music.

Pinakaworse is yung kwento na narining ko about nung night nanood kami sa little theater sa CSSP 2nd floor. May nag-CR nun at gabing-gabi na umupo siya sa bowl and then something irritated his forehead.

Something cold and sharp is tapping on his forehead until he looked up and saw a lady in white supposedly hanged herself on that cubicle and looking straight into his eyes deadpan and her rotting long finger nails is the one that is tapping on his forehead creepy! Sobra!!! :amazed:

wiccan_hottie / August 13, 2006

3 Likes

Nung nagmed ako sa UST, I stayed in the España area on weekdays, tapos umuuwi lang ako sa house namin sa Antipolo during weekends. Wala na pala parents ko nun (nasa U.S. na sila), kaya imagine kung gaano katahimik sa bahay namin. May kasambahay lang sa kabilang room.

So, one night I was home in my bedroom. I was still awake at 3 am, but getting ready to sleep. I sat on my bed with the lights turned off, and I faced the window (with blinds closed), and I decided to pray. I prayed especially for my lolo, my lolo’s sister, and my sister, who passed away. Tapos nung pagtingin ko sa bintana, may silhouette na dumaan. Nung una isa lang, then another one followed. Then a third one. Kinabahaan ako, kasi akala ko akyat bahay. I immediately reached for the phone and called the security guard ng village namin. Sabi ko, may mga tao dito umakyat ata sa bakod namin. In a few minutes, two security guards came. Pinapasok ko sila, at pumunta sila sa likod ng bahay namin. One of them said, “Ma’am saan nyo po nakita? Kasi wala namang tao dito.” I told them sa tapat ng bintana mismo dumaan yung 3 tao. Tapos sabi nya, dadaan po ako ha, tingnan nyo. Nung dumaan sya, yung ulo nya mababa sa bintana. Tapos tinry din nya sumampa dun sa bakod, pag naglakad sya dun, lagpas naman sa bintana. Kaya ibig sabihin lang nun, yung 3 silhouette, nakalutang nung dumaan sa tapat ng room ko. Saktong 3 tao pa naman ang pinagdadasal ko.

5 Likes

@kayish na experience mo din ba yung may namamato sa landing between 4th and 5th floor pag gabi. Isa sa arki urban legends ata to ng melchor.

1 Like

Narinig ko yang kwento na yan pero di ko naexperience. Hirap pa naman tumakbo pababa sa hagdan :rotflmao:

1 Like

Marami na pala natatakot, so let me tone it down a notch.

So I spent some time abroad for grad studies. I lived alone in a small “manshon”, well its actually what we mght call a studio-type apartment (but probably even smaller) locally but in Japan thats what they call them. Since space is small and I will be going home sooner or later I have to be minimalist in my stuff. I would sleep on the floor in a roll-up futon. I have an electrically heated carpet and a electric space heater in winter. One time I spent the Christmas holidays in the Philippines. I came back just after New Year. I was still a bit cold as I got acclimatized in the Philippines already. The room was quite cold as I turned off the refrigerator, ventilator and even the main power switch para tipid sa kuryente. So when I arrived it was afternoon, I turned on the power, the ref, the heater and the AC to heat the room. I hung my trench coat at the window. It was still winter so it got dark pretty quickly (as early as 4PM). Outside my room a batchmate of mine who graduated over the holidays left me his old kerosene-type heater with extra fuel inside (yeah he left it outside for a month and no one stole it, honest Japan). So I though I tested it out as these were supposed to be better at heating, but dangerous (fire and asphyxiation). Still a bit tired from the flight and the 4 hour commute from the airport so I thought I took a nap facing the window. I woke up around 11PM feeling someone, a shadow watching me through the window. I immediately threw a pillow at window and ran to the light switch, it was my coat! The room was also hot, and muggy and smelled of kerosene. I forgot to turn on the ventilator in the toilet/bathroom! I turned off the heater, turned on the exhaust fans in the toilet and the kitchen, opened the windows and even the maindoor, even though it was -5C outside. Also went out the veranda get some fresh air.

My guess was most of these “ghosts” we see are likely due to symptoms of CO2 poisoning causing hallucinations. Me sleeping on the floor means I was breathing in lots of CO2 (being heavier than oxygen) from the kerosene heater. That was the last time I used one, I dumped it at the university dorm early morning the next day,

Are you sure? Eto yata yung room ko dati pero wala naman akong nararamdaman…Heto ba yung room na may painting? Yung may balcony?

keepingthefight / September 15, 2006


cardinalus and keepingthefight,

Taga-EW2 din ako. Actually naging CorRep nga ako ng panahon ko.

Sa pagkakaalam ko, may mga weird na nangyayari dun sa room na tinutukoy mo keepingthefight. pero baka yung sinasabi ni cardinalus ay yung nasa kabilang dulo ng EW2. Yung pinakadulo. Yung malapit sa dating cafeteria ng Yakal pero sarado na ngayon at ginawa nang tambayan complex ang harapan.

Dun ang room ko dati. Marami akong mga weird na naramdaman, narinig at mga nakita.

Kami ng mga room mates ko, lalo na yung mga mas matatanda sa akin, halos lahat may naexperience. Hindi naman ako naniniwala sa mga ethereal na bagay pero grabe iba yung room na yun.

Nasa pinakadulo ng corridor yung room namin. Palaging madilim kaya sobrang shaded ng mga puno yung bintana. Masukal kasi yung sa may bintana pero madalas may malakas na draft kang mararamdaman kahit imposibleng mangyari yun doon. Weird.

Noong panahon ko, madalas kaming mapagalitan ng mga tao sa wing dahil maingay daw kami. dahil nasa dulo yung room, nagreresonate yung sound namin sa buong wing kahit kong tawa lang.

There was one instance na kwento ng isa kong room mate na mas matanda sa akin. Tatlo yung pc noon sa mga room nila. Tapos nakalink lahat para makapagstarcraft silang lahat. (Ganun na katanda no?). May araw daw na lahat sila may class ng umaga. Tapos sabay lahat silang dumarating sa room for lunch. One time, nagkasabay silang lahat sa cart para bumili ng lunch. Sabay na rin sila lahat umakyat. pagdating nila sa wing nasa pinto ng room yung dorm manager noon at yung guard.

Sinalubong sila ng guard at ng dorm manager. Pinagalitan sila at bakit daw ang lakas daw nilang magpatugtog ng songs. Lalo na daw nung umaga kasi marami pang natutulog. Ang dami daw nabulabog kasi nakafullblast yung volume ng tatlong pc. Sabog yung tunog sa buong wing.

Ang daming bumababa sa lobby para magreklamo. Kaya inakyat sila ng guard pero walang sumasagot at nakalock yung door. Dahil sa inis nung guard kasi ang lakas nung volume, nagsumbong siya sa dorm manager at pareho silang umakyat. Pag dating nila dun, patay na ang sounds.

Sabi ng magruroom mate na walang tao sa room nung panahon na iyon. Pinatay nila yung tatlong PC bago sila umalis sila ng umaga for their classes.

Walang tao sa room nang buong umaga. iniwang nakapatay ang mga pc kaya imposibleng tumutugtog yun.

Pero sabi ng isang taga-EW2, talaga daw ang lakas ng patugtog. Iba-iba pa yung kanta pero bigla na lang nawala nung dumating yung dorm manager sa wing.

Di binuksan na nila yung room. Patay ang ilaw. Patay din ang mga pc at walang tao.

Talagang weird.

daytripper / September 16, 2006

2 Likes