I’m from UP Manila nga pala. Masmaraming multo sa amin kaysa sa ibang campus, kaya yung mga may third eye dyan, visit UP Manila and see them for yourselves, at tiyak you’ll meet them on the eye.
Ok ito na…
Story1. Rizal Hall (RH) sa CAS
One of UP’s oldest building. dito nakatayo yung original Oble dati before the war. By the way, sa Ermita pinakamaraming namatay nung WWII, as in nagkalat daw talaga yung bodies.
Sa 3rd floor ng RH is yung LLT (Little Little Theater). Marami nang nakaexperience nito. 9pm ang curfew sa AS, kasi may mga class na 8:30 pa natatapos and sa totoo lang talaga, you wouldn’t want to be left out all alone sa RH, dahil kahit wala kang third eye, hindi talaga maganda yung feeling; at nakakadagdag pa yung spooky structure ng RH building, big doors, hallways, at madilim talaga pag walang ilaw (natural!) Kapag daw gabi, may mga nakakarinig na tumutunog mag-isa yung piano sa LLT, tapos para rin daw may nagpeperform sa loob. Dun naman sa hallway ng 3rd floor, one can hear chains being dragged sa floor.
1st part-play sa LT. Tapos dun naman sa LT, may nagpakamatay daw dun, kaya may mga/nagmumulto. Kasi may isa akong friend, nagpra-practice sila sa LT for their play. Tapos may nakita siyang image dun sa butas malapit sa ceiling. So inignore lang niya. Yun pala, lahat na sila nakikita iyon, na andun yung image tapos pag tinitigan mo, dahan-dahang magtatago dun sa butas. Akala nila may tao dun sa itaas, so tinawag nila yung janitor to check it out. Nung inakyat na nung janitor yung taas, wala naman daw tao dun, pero habang sinasabi nung janitor yun, nakikita nila sa baba na andun yung image sa butas sa tapat nung janitor.
2nd part. Same people. While practicing, patay lahat ng ilaw so madilim sa audience area. tapos lalo pang nabubulag yung mga nasa stage dahil sa dami ng ilaw. So akala nila sa stage, ang daming nagpraractice ng rehearsals nila kasi medyo puno yung mga seats although form lang ng tao yung nakikita nila dahil nga madilim. So nung tapos na, sabi nung friend ko sa director, “uy nakakaconscious, ang daming taong nanood kanina.” then the director answered, ” e tatlo lang kaming nakaupo dito kanina, ako, yung scriptwriter and yung asst director.”
3rd part. showing na. May part dun sa play na tatalon sa stage at tatakbo sa middle aisle yung mga japanese soldiers. Nung tumatakbo na dun sa aisle yung mga co-actors nila, nagtaka yung mga nasa stage, dahil parang ang dami-dami nilang tumatakbo dun sa dilim, pero apat lang naman talaga sila.
Sa LT walk naman, kasama ko yung kaibigan kong may third eye. Nasa tambayan kami sa may quadrangle then bigla na lang siyang tumahimik. Maraming naglalakad sa walk nun. Tapos after a few seconds nagsalita niya. One student caught his attention, kakaiba ang aura nito, nakalutang, pero para daw talagang student lang, ang nung tumapat na sa lugar niya, tumingin sa kanya tapos naglakad na uli.
Dun naman sa kabilang tambayan, may dalawang naglolokohan. Napatingin din dun yung friend ko. Sabi ni girl1: hala ka may katabi ka dyan (siguro they were also talking about ghost stories)
Tawa lang sila ng tawa. Tapos binulong niya sa akin, “may katabi naman talaga siya, nakayukong lalaki, nakaupo sa oppposite direction.” Grabe kinaladkad ko talaga siya palayo sa quadrangle.
Anyways, napapalibutan yata talaga ako ng mga taong may third eye! advice lang, kung may kasama kayong ganito, kapag tumahimik na sila, yun na yun.
Eto pang malupit. Nasa kalagitnaan kami ng isang napakasiglang tawanan nung kadorm ko, tapos bigla na lang tumahimik siya. i asked her bakit siya tumahimik, She refused to answer my question tapos iniba na lang yung topic. E di dedma na lang ako. Tapos nung tumingin siya sa bintana, tumahimik na naman siya. Kinulit ko na siya na sabihin sa akin yun. “Kasi kanina, may dumaan na babae sa harap mo at ngayon andun naman siya sa kabilang building, nakatingin sa atin ngayon. Shemps, tilian at takbuhan na after.
The next night kasama na namin yung ibang kadorm namin. Bumili kasi kami ng toma ng 11pm ng gabi. Naglakad kami sa Faura. Alam din nila na may third eye yung isa naming kasama, so naglolokohan sila. Nung natapat kami sa Cancer Institute tumakbo siya. Tapos napatigil naman siya sa tapat nung kalsada sa tabi ng out-patient dept. Tahimik na lang siya hanggang sa dorm. Nung nasa dorm na kami saka na lang niya sinabi na may nakita siyang paring pugot dun sa may malaking Acacia sa tapat ng CI. Tapos dun sa may kalsada sa tabi ng OPD papuntang PGH main block, ang tingin daw niya ay napakaraming tao, gayong yung magsyota lang yung naglalakad dun. para daw yung eksena kapag umaga sa OPD.
Sorry ha, na-carried away ako. Marami pa actually…
jihad / April 26, 2003