Urban Gardening

Sino sa inyo ang nagtatanim tanim sa tabi-tabi? Gusto ko sana kaso mataas mortality rate ng mga plants sa akin. Nakapatay na ako ng sili, rosemary at cactus :hihi: Any tips on easy, no fail plants?

3 Likes

Frustration ko to. Dati pati succulents at snake plant namamatay sa akin. Naka ilang lavender plant ako, deds lahat (though mabango pa din yung dried leaves).

So far, success story ako sa pothos. Naka 1yr na at napropagate ko na din. Spider plant is also hard to kill :joy: peace lily is very forgiving. Malalanta pero babalik sa dati pag nadiligan na.
Ang medyo maselan na meron ako now is selloum.

After ECQ, gusto ko mag calamansi. Basta potted lang kasi balcony lang ang meron kami.

3 Likes

+1 sa napaka-hardy na pothos!

Dahil condo dweller ako, nasa tubig lang ang mga plants. Every few days or so, dinadadagan ko lang ng tubig, and drops or plant vitamins. Nabuhay naman sila, kahit nawawala ako ng several weeks din dahil sa mga paglayas.

4 Likes

ZZ plant. Mahirap patayin. :lol:

Basil medyo hardy, kahit na akala mo mamatay na pwede pa buhayin. Madali rin ipropagate sa cuttings kaya mas madami na cuttings more chance may mabuhay. :hahaha:

Malunggay rin parang weed na puno.

6 Likes

+1 sa basil. And also mint! Puwede pa for cocktails.

3 Likes

Basil! Old condo had a planter so marami-rami basil namin. Ang saya gumawa ng pesto. For a while, halos lahat ng food nilalagyan namin ng basil :joy: was also able to grow bell pepper at green onions.

After a while, namatay yung mga basil namin though. Some kind of fungi. Inatake naman ng aphids yung green onions (I don’t know how they got to the 10th floor :sweat_smile:)

2 Likes

Green thumb here :twothumbs:

Basil is easy to grow. You can avail grow kits online. Loves the sun. Be sure to trim so the stem doesn’t become woody, and the leaves bitter. Best to harvest in the morning!

Calamansi - buy a grafting because starting from seed will take a long time, and then transfer directly sa ground. If that’s not possible, place in a large container and feed it regularly with compost. It loves full sun. Regular watering.

8 Likes

Hi! I’ve been doing urban gardening since circa 2014. Dati sa windowsill and balcony lang (andami kong lupain. sa paso) but since 2018, may small terrace and micro-vegetable patch na (kakatanim ko lang ng mga seeds–broccoli, radish, carrots, cucumber, squash) pero wait and see kung may tutubo).

So far my hardiest herbs:

  1. basil
  2. thyme
  3. mint
  4. coriander (from cuttings then sa tubig lang. nung nilagay ko sa soil, namamatay e)
  5. dill (masarap pa with salmon!)
  6. parsely

Then for veggies:

  1. spinach
  2. Japanese greens (4 different kinds)
  3. Kohlrabi (hindi ko pinansin o hinarvest last year. So I ended up with thousands of seeds :shock: )

Nagsili and kamatis ako noon. pero after giving me 2 rounds of harvest, ala na. Deads.

6 Likes

If you want free webinars for growing vegetables at home, here is a good source:

They actually have a few last week you can still watch.

5 Likes

Itong lockdown, I started my urban garden. Yung isang co-member ko sa aming women’s club eh may sobrang cherry tomato plants. Eh naisip ko laging tomatoes, basil, mint, parsley yung ginagamit ko kakaluto ng pasta so I told that lady I’m interested. I asked for 4 pots, she gave me 6.

Ito na sila now. This weekend, nadagdagan ng basil at calamansi at mga succulents. May halamanan ilang tumbling lang mula sa amin so madali na dumagdag.

So far buhay pa yung mga kamatis. Waiting for it na mamunga na.

Dati din we had some house plants when one of my friends moved back to the US. They died after I gave birth. !

Before and after
image
Nilipat yung mga halaman
image

7 Likes

87041350_2956462541077570_4544178448318332928_n
Summer kaya ang dami naming napipitas from our calamansi plants though masipag sila mamunga year round. Half-way pa lang ako sa pag-harvest niyan at malapit na mapuno yung timba. This photo was taken late Feb, at naka-ilang harvest na uli kami since then. As I mentioned up there^^^ best to start with grafted ones :smile:

F9C8DCC6-B11C-43F5-99D6-2FA27227CE9D-2206-0000007FB3E111D7
We also have atis trees, namumunga rin ngayong summer. Again, binili rin namin as grafting then lipat sa lupa. Mas ok kung napu-prune siya para di masyadong tumangkad yung puno at para mas umusbong yung branches sa lower parts ng trunk, pero di ko na naasikaso :embarasslaff:

48B03736-5F5D-4362-B402-458E2D163E86
Guyabano, also a grafting. Never pa kami nakakuha ng successful fruit dito. Maybe there’s someone who can give me tips?

21C31710-10F4-4BC7-8862-200E5C3E0F3E-2146-0000007E7B944DB7
Yung dati kong basil genovese. Tinanggal ng tatay ko kasi akala niya damo :sob: Tried to plant again pero di na viable yung seeds ko. Hope to plant basil again soon after we are liberated from this pestilence.

67313670_2381837668528405_3638590576846176256_n 82960204_2600183410050997_8044316132993138688_n
Pag avocado season na, try mo rin i-germinate yung seed using the tusok-toothpick-babad-sa-tubig scientific method as pictured above. Ilang beses ako nag-fail diyan, pero ayun, nagwagi rin eventually. Medyo mas malaki na yung avocado plant namin ngayon compared to photo on the right.

10 Likes

Ang ganda ng basil mo! So far, my basil has started to sprout na.

I added a new succulent in the collection. Yung dating mug ni hubby (nasira yung handle) ginamit kong pot. Cute siya in fairness.

3 Likes

Ini-imagine ko lang pero nakukyutan na ko! Never tried taking care of a succulent before. Has any of yours flowered na?

2 Likes

Bago pa lang mga succulents ko so wala pa. Si madam @gugs po expert on succulents.

Tempted na ako take yung offer ng auntie sa halamanan na kunin ko na yung tomato plants na may bunga na. It kind of goes against my plan to wait for the ones I’m growing eh.

2 Likes

@lidochka.kuznetsova Matakaw sa sun kasi ang ibang succulents, then ayaw na laging basa ang soil. I leave my plants outside and water once a month (every wk or bi-monthly pag summer, depende kung kelan tuyo na ang lupa). Basta general rule is water only when the soil is dry. Depende pa rin siyempre don sa ibang medyo matakaw sa water. Iba-iba rin kasi personalities and needs ng iba-ibang species.

Kami fave namin arugula kaya hindi kami nauubusan sa house ng seeds, seedling at plants at home. May tanglad din na tanim (mahilig kasi kami gumawa ng Hainanese/Ginger Chicken pero wala kaming ginger pa), malunggay, papaya, saging, sili at alugbati. Namatay na yung basil namin. Gusto ko more herbs pa pero andaming inaayos pa sa garden kaya di pa kami makatanim.

5 Likes

Mahilig naman kami mag-roast ng chicken kaya lang bumibili pa kami ng tanglad. Never actually thought of planting it until now. Pano nga ba?
Yung ginger I’ve read na antagal-tagal daw bago maka-harvest, pero I guess it’s worth the wait! :laugh:

Yung yaya namin nagtanim non, tanungin ko mamayang paggising niya. Sakto kasi kakatanim lang niya ng bago dahil malapit na daw mamatay yung dati. :wink:

1 Like

Gising na si yaya? :rotfl:

On topic - try ko yun libre seeds sa BPI Visayas Ave :grin:

1 Like

I want you guys to see my urban gardening helpers below! Mukha akong ewan yesterday afternoon: staring at our calamansi trees (which are in full bloom right now!), standing still and waiting for the right moment to snap a pic of the jolly bees :embarasslaff:
94259250_694153484653765_4678908033340801024_n
94231232_2922017924559572_1930763536728850432_n
94483883_2559043960866533_7828148857027428352_n2
Nagkaron ng scale insects yung ilang leaves/branches (as seen in the background), but I’m trying to stop it’s further spread.

7 Likes