TV and Movie Clichés

Lahat ng kalaban sa Pinoy TV & movies, talagang masama. Walang gray area. Black sya, white si bida.

Wala ring kalaban na mas gwapo or mas maganda sa bida.

Love teams.

1 Like

Yung bidang babae laging may makeover pag panget siya sa umpisa

1 Like

Ang daming mga cliches. The top that gets me :headscratch: are airport scenes - yung mga farewell, habulan ng couples, yung turnaround ng planes, glamor na pormahan sa airport and I can go on. Like, pwede medyo realistic naman.

1 Like

Nung bata ako sarap na sarap ako sa kanin sa TV. Shempre grainy at hindi HD yung TV namin kaya mukhang powdered milk yung nasa bandehado tas nilalagay nila sa plato nil. takam na takam ako. Naisip ko nun na iba ang kanin ng mayaman… buhaghag sya at parang relatively dry… hindi buo buo gaya nung kanin namin :rotfl:

Another thing din about food sa teleserye pag yung scene nagpeprepare ng food, palagi gulay na hinihiwa. Never pa naghuhugas ng isda or nagtatadtad ng buto buto :laugh:

Outfit ng mahirap na bidang babae ay loose t shirt at mahabang palda. Ive literally never seen mahirap na teenagers in Jesus Is Lord skirts. Naka fasyon din sila kahit tiangge knock offs lang.

Pag mayaman, nakabihis lahat kahit nasa bahay lang at kakain. Nakapustura lalo na ang kontrabidang madam kahit mag aalmusal lang naman. Ang mga maids laging pangit ang pangalan puro nagtatapos sa -ing (Petring, Metring, Ising)

Sa mga run of the mill pinoy rom coms or drama movies there seem to be only 2 types of female leads: (A) yung sobrang hinhin, put together, sensible and (B) yung sobrang quirky, loud and mali-mali. Walang middle ground. Lagi ring fresh tingnan never pawisin or hulas look kahit nasa pinas at paggising naka make up. Lagi ring breadwinner at inaasahan ng buong angkan ang babae. Na parang ano ba silbi ng mga magulang at mga kapatid mo na kelangan mo magpabayad sa lalaking masama ugali to pretend na mag asawa kayo etc. Pero kahit “mahirap”, di sila mukhang mahirap… makikinis ang mga kutis walang tigyawat at magaganda mga suot. Never nag uulit ng outfit. At nakarebond and kulay din.

Natatawa ako sa character na nasa US… laging winter pag videocall :rofl::rofl: at nasa tabi ng bintanang sarado ang blinds. Speaking of, pag mayaman lagi ipapatapon ang character sa US. Tas pag uwi kulot na ang buhok makapal ang make up “liberated” na.

After mag sex ng mga artista, yung kumot biglang nagiging L shaped. Nasa dibdib ni girl pero nasa hips ni guy.

I could write a whole book about this.

5 Likes

Basta wag kalilimutan ang:

Dance number sa beach :balloon: :hyper: :balloon::hyper::balloon:

2 Likes

pag magpapameryenda sa bisita, parating cake.

to imply na may malalang sakit, parati inuubo muna.

1 Like

Sa mga kdrama laging kasama ang first snow sa scenes. At diko magkakainlaban ang mga bida.

1 Like

Nauuso na din yung mga drone/wide shots these days.

I guess part na ng new normal yung mga scenes na ka-chat mo via video yung ka-eksena mo, tapos ang crisp ng video at parang katabi mo lang sila. Considering na crappy ang internet dito sa atin hehehe.

Although like ko ito, pero madalas kong makita sa mga Jose Javier Reyes movies yung mga eksenang may food involved–kesehodang restaurant, dinner table, coffee shop, buffet, parties. Tapos may food shots, nakakagutom.

1 Like