TV and Movie Clichés

Airport rush - pag nainlab si bida sa isang taong paalis na hahabulin niya sa airport. Buti nakakalusot kahit walang ticket. :grin:

Pag may scene na nasa dining table, ang daming food pero di naman nila kinakain. Inggit ako nung bata ako kasi kumpleto pag almusal ang eksena (hotdog, tasty, egg, rice at fruits) :joy:

Anong napapansin niyo? :crazy_face:

5 Likes

May bestfriend na beki, mataba or pangit.

Dati may narinig ako podcast, yun daw disney princesses laging orphaned dapat.:face_with_hand_over_mouth:

2 Likes

• May cute na quirks si Ate leading lady. Something that sets her apart from other girls na ikaiinlab ni Kuya leading man. Pwedeng hobby, way ng pananamit, o ugali.

• (Dagdag sa binanggit ni @arwen) May kaibigan o barkada ang mga bida na ang buhay lang ata ay nagrerevolve sa lovelife nila. Laging available para sa mga bida.

• Palaging may parking :lol:

2 Likes

Magpapalitan muna ng mabubulaklak na salita ang magkalaban bago magbarilan.

Walang palitan ng magazine. Di sila mauubusan ng bala.

Syempre pag tapos na ang barilan lagi ang dating ng pulis.

Sa comedy films, laging may dance number…sa beach :joy:

3 Likes

Laging may sikretong mabubunyag :rotfl:

1 Like

Pag ibubunyag na, maaaksidente yung may alam ng sikreto. LOL

Tapos laging orange juice na nasa glass pitcher ang inumin. :lol:

2 Likes

Same! Tapos nakatanggal pa talaga sa plastic yung tasty, naisip ko, kung di nila kakainin, di ba titigas yun? Binabalik ba nila sa plastic? :embarasslaff:

Kulot ang kontrabidang babae! Tapos makapal make up. Always. :joy:

2 Likes

Dadating ang tatay may dalang…pancit!

^tapos di na aabutang buhay. Masasayang ang pansit :joy:

Pag si FPJ ito, raratratin na ang bahay pag kumain na sila ng hapunan.

1 Like

Tapos yung mga alta sociedad laging naka gown. Bakit???

1 Like

Korek. Nanonood ako nung Prima Donnas tapos si Aiko laging pustura pero nasa bahay lang naman.

@Skela96c tanong ko rin yung tungkol sa tasty! Hahaha ang ganda pa ng pagkakalatag eh pero di naman nila kinakain

May nagkapalit na baby. Malalaman ng isang mayaman na medyo masamang character na ‘yung inaapi niya pala ay tunay niyang anak.

Kailangan iiyak nang padausdos sa wall or pader

2 Likes

Bwahahaha o kaya sa shower.

Meron din yung scene na sisigaw ang bida over a loved one’s dead body tapos bird’s eye view shot

May enough material na ata para gumawa ng Pinoy TV tropes :laugh:

1 Like

• Required ang out of town/the country montage ng lovers set to the film’s theme song (usually the film title as well).

• Nagagamot ng bulak at alcohol ang lahat ng sugat, including tama ng bala. Atsaka masakit lang siya kapag inaasikaso na ng partner na babae.

• May isang character na magsasabi ng title ng pelikula (“I’m just a stranger…”)

• Kapag nasa US, laging naka-sweater/turtleneck ang character or malapit sa fireplace kasi winter all-year doon. (Asahan din na kapag may character from the US eh liberated. Kapag ang bidang conservative na nag-abroad naman ay bumalik sa Pinas, naka-blow dry na ang buhok at mega sunglasses paglapag ng airport.)

• Mahilig mag-LQ sa ulan. Tapos maghahalikan na din sa ulan. Pero walang nagkaka-pulmonya.

• Hindi mamamatay hanggat hindi kumpleto ang huling habilin.

Maraming-marami pa mag-iisip pa ako. :grin:

2 Likes

True!!! :rotfl:

Laging nakamuk ap ng pang party kahit nakaratay sa deathbed

Pag teen movie laging may house party or homecoming/prom night.

1 Like