TV and Movie Clichés

Pag teen movie laging may cliques, I.e. mean girls and mean jocks

2 Likes

Gah. Manic pixie dreamgirl!

OnT:

  • Pag mayamang familia, laging nag-e-Español ang matriarch/lola, at siya si Abuelita.
  • Kung galing abroad, pagdating sa 'Pinas, naka-winter clothes pa rin? Putraguese, anong ipinaglalaban ng patong-patong na parqa??! Hihimatayin ka niyan, baccla.
  • 'Yong basta nagsusuka, 'matic - buntis na 'yan.
  • Nakikita na ngang magkasama sa kama at walang saplot, tatanungin pa ng - “ANONG GINAGAWA NINYO??!” Erm, nag-je-Jenga…of the genitals?
4 Likes

^:rotfl: sa Jenga :lol:

Saka pag kumita na sa takilya, pahahabain ng 20 years.

1 Like

Yung magpapanggap na mag-asawa/magjowa to get something

Kissing scene either as distraction sa pasaway na girl or para magtago

Kahit anong banggaan, di nagkaka-whiplash ang mga nakasakay

Yung dalawang bida nagkita na sila sometime before. Tapos serendipity ang peg

Kapag nahihire yung bida sa trabaho, mayroong galit na galit sa kanya for no reason

Kapag breakup/namatay si ex-jowa scenes, may bedroom scene na umiiyak nang bongga. Tapos magpa-pan sa photo nila ni jowa.

Yung naglalakad sa beach, thinking about the meaning of life

3 Likes

Yung mag-aaway, sasakay ng kotse, iiyak habang nagda-drive tapos may makaksalubong na kotse at maaksidente siya.

4 Likes

Hindi lang ito sa Pinoy TV/movies, pero pag may stressful situation, yung buntis biglang duduguin, at magpremature labor o magkaka miscarriage.

3 Likes

Sa mga coming-of-age, teenage romance flicks, si girl may glow up transformation, puputi siya, magiging unat ang buhok at madi-discover ang contact lens :laugh:

3 Likes

Pag horror, laging may bathroom scene kung saan naghihilamos ang bida. Pagtingin sa salamin may lilitaw na multo. Titingin siya sa likod tapos wala namang makikita :joy:

3 Likes

Mga kontrabida at mga goons hindi mawawala ang mga staple na: bigote, balbas, may ponytail, all black attire, shades, leather jackets, silver jewelry, “machong halakhak/tawa” at cowboy boots pili na lang ng combo sa mga nabanggit

1 Like

^Kadalasan tulisan din sila. Bababa ng bundok, may madadaanang sapa na may mga naglalabang dalaga. Tapos maguumpisa na ang “habulang gahasa” target yung pinakamaganda at seksi.

1 Like

OA na bugbugan, todo maka react yung kalaban kahit hindi naman dumidikit yung kamao ng bida. Tapos may sequence yung bugbugan combo - jab, jab, right hook, left hook, tapos mag pause yung kalaban na tuliro, tapos final right hook.

2 Likes

May sayawan na nagaganap sa ending

1 Like

Tapos kahit anong aksidente or pambubugbog, sa ulo lagi ang benda. :wow:

1 Like

At mas nag-aray pa si bida sa paglinis ng sugat ng leading lady kahit kinaya na previously ang matinding bugbugan :laugh:

5 Likes

Kapag FPJ o Lito Lapid (or wannabes) pompyang ang finishing move

2 Likes

Endings that I sometimes like:

Lalakad si bida mag-isa (sa parke, sa tulay, o sa gitna ng crowd)… titingin sa kaliwa, titingin sa kanan, medyo mapapatigil, titingin sa harap, tutungong kaunti na tila may naaalala, ngingiti, bubuntong-hininga, looking ahead bigla, rarampa crane shot, fade away

2 Likes

Nagpapakita ng abs si bidang lalake.

1 Like

Kapag taga-rural area/magsasaka si girl, laging off-shoulder, flowy skirt, nakalugay at pa-wavy hair ang styling. Sobrang impractical sa setting, pero pretty! :sparkle:

2 Likes

Pag habulan sa gubat, 100% laging madadapa ang bida.

1 Like

Sa afternoon or evening teleseryes, kapag yumaman na yung bida, iba-buy out niya yung shares ng kompanya ni kontabida. Tapos magagalit si kontrabida sa assistant niya kasi hindi ni-research maigi kung sino yung tunay na owner nung company buying their shares :laugh:

1 Like