Kuwentong Sunken Garden

Sabi nila, every year nag sink ang Sunken Garden (as the name implies). Pero ang mga kwento natin ay hinde kailanman malulubog sa limot! We will always reminisce our unforgettable moment be it funny, cheesy, scary, etc.

Kaklase ko si crush football player sa isang GE subject. Sabi niya, may practice daw sila kahit umuulan nung araw na yun. Sabi ko ok. So kahit may klase, pinilit ko tanawin sya from the windows sa classroom. Nasulyapan ko sya palakad papunta sa Sunken. Dahil umuulan noon, wet look si crush. :wink:

6 Likes

Yung nagdadrama ka at self-pity sa Sunken dahil mukhang malabo ang pink slip mo, tapos may lumapit na Korean para magpapicture.

Di pa umaabot ang hallyu sa atin nun at ang mga Koreans ay stereotyped as a tourist group; laging magkakasama at nagkokodakan. Wala pang KPOP at Kdrama

6 Likes

Nag-inuman kami sa Sunken tapos paggising namin umaga na at may Ikot ng bumibiyahe. :smash:

Wala pang ronda boys noon.

4 Likes

May group study kami nun tapos may isang mama lumapit at pinakita pototoy nya. Nagsigawan mga kasama ako, ako sinigawan ko si manong. Liit eh. :tongue:

7 Likes

:face_with_hand_over_mouth:

Bumisita ako sa mga kaibigan ko noong high school (taga UPM kasi ako) para maglaro ng football, at niyaya namin ang mga random foreigners na naglalaro sa tabi. Ako yung nakapagbigay ng assist sa striker namin, pero 5-1 yung score. Kami yung 1. HAHA.

1 Like

Dahil sa sunken ang UP Fair… same answer lang…
Dito ako natutong magkiss, at nagka first kiss :blush:

1 Like

Naranasan kong matulog under the moonlight dito

1 Like

ronda boys?

Nakalimutan ko na ang tawag sa kanila. :hide:

SBT something. Basta may S sa pangalan nila. Yung nagroronda para tulungan ang Campus Police.

OnT: kapag nagmomoment ako, paborito kong spot sa sunken yung manhole malapit sa Beachhouse/tapat ng PHAn at Eduk.

SSB :biggrin:

2 Likes

Inuman sa Sunken kasama ang mga taga-Miriam! :grin:

Second or third year college, not sure na. This guy from Ateneo. Who brought me breakfast food and played the guitar and sang for me. While we talked about politics and philosophy in between. Ng umaga! :rofl: Good times.

1 Like

madami akong memories sa sunken garden/lagoon. nag-away, nagkabati, nagspend ng anniv habang nagbibilang lang ng stars at alitaptap. dito kami nagbuo ng pangarap. sadly, dito rin kami naghiwalay.

those were the days.

Meteor shower watching with Peyups peeps. :star2:

3 Likes

naaalala ko yung mga nilalagay na messages in big letters malapit sa part ng college of law. kita sa buong campus lalo pag galing ka sa bandang Educ. nakakakilig lalo na kung yung message e “I love you ___”

me gumagawa pa ba nun hanggang ngayon?

2 Likes

Dati napapark ko yung vw beetle ko sa baba…
Detachable yung back seat so pwede mag camping kuning,
Matching gitara + tanduay-sunkist punch…

1 Like

Minemeasure nga pala ito ng mga Geodetic Engineering students year after year for a class. Walang significant change daw sa elevation ng Sunken Garden :joy:

2 Likes

One Jan 1st night, umubos ng isang boteng red wine with a then crush.

2 Likes

First breakup, sophomore. Dun sa me tapat ng PHAN overlooking Beach House/Main Lib. :broken_heart:

3 Likes