Ang "Ano naiambag mo sa Society?" Thread

Idol ka! Beauty and brains talaga! :heart:

1 Like

Salamat pero ano behhh. Often hindi ko alam kung tama ba mga pinaggagawa ko. :rofl:

On-topic: nanganak ako. My baby received her Tax ID less than a week after she was born. Nanigurado ang gubyerno na magbabayad sha ng taxes nya. Ambag ko din yun ha.

1 Like

Nung nanganak ako, ayaw pa ibigay SSN niya (hindi ko pinili na mag-apply for Pinoy citizenship sa dami ng paperwork at tagal ng processing madedeport si baby at kailangan ni baby agad ng residence permit, hindi ko kaya lakarin agaran dahil sa C-section recovery). Ayaw ng gobyerno nya mag contribute yung anak ko. Ambag ko lahat ng mga fees sa consulate nila. Hindi joke yung $50/page for notarization ha! :lol:

1 Like

Naging classmate ata kita sa Chem 40 noon but I never had a chance to interact with you pero fanboy din ako. Haha!

nagpatawa. ngayon isa na akong malaking joke.

2 Likes

isa ako sa mga tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Worked as a Software Engineer for different DOST projects (Project NOAH at PHL-Microsat). Now working for an international non-profit organization.

3 Likes

Worked in local media, produced documentaries on social issues naks. :laugh:

OFW ngayon pero nasa media pa rin. Babalik at gagawa pa ng mga makabuluhang dokumentaryo. :philippines:

1 Like

Nagreklamo sa social media. Nag-ambag sa pagproduce ng PPE. Nagtuturo din ako sa mga iskolar ng bayan. Naghandle ng mga national and international events both academic and outside the academe. Feeling ko di pa sapat pero kahit papaano may ambag.

2 Likes

Naging bangkera, tagapag-ingat at taga-bilang ng pera ng iba. Nagbenta ng makina panggawa ng bote ng softdrinks. Nag callgirl. Kasalukuyang myembro ng sapilitang trabaho.

At syempre, nagbabayad ng tax.

1 Like

Presence. :smash:

2 Likes

I do public service. I pay taxes. Never missed voting sa elections (kahit barangay and SK). And I give constructive criticism vs current administration

2 Likes

After UP, corporate, corporate, business, corporate = taxes, taxes, taxes, taxes. :lol:

From Clothing Tech in UP, napunta ako sa mundo ng merchandising ng children’s wear intended for Europe, UK at US markets, then naging mommy at housewife a year after. Bumalik sa merchandising matapos magpakananay ng isang taon. Tumalon-talon sa iba’t-ibang kumpanya (hello, if it’s not a fit, wag ipilit). Natry ko working for a local brand ng children’s wear, then for an exporter ng garments for US, tapos home accessories naman for a US brand. Napirata ng isang mabait na Chinese businessman kadikit ng SM, nagpunta ng China halos 4-5 beses sa isang taon for almost 10 years. Napagod at dahil may ipon na, nag-semi retire at age 32. Nagdriver para sa mga bata at nag-gardening. Bumenta ang mga halamang inalagaan, naging negosyo. Nagbukas ng tindahan sa Centennial Dorm sa UPD, nagbenta ng mga halaman, damit at gamit pang-skate at surf na negosyo ng asawa ko. Nahanap ng isang local appliance store na magbubukas ng Home store, pinag-apply, natanggap at bumalik sa corporate after 2 years na nasa bahay. After 2.5 years, nandito pa rin sa corporate pero no work, no pay dahil sa COVID-19 (naubos ko na leaves ko). :hahaha:

3 Likes

@gugs Miss ko na mga Canton Fair shenanigans (aka the usual foot massage) natin ba.

Ito, expat life pa rin. Dahil sa COVID-19 at hindi umabot sa minimum income kita namin Q1, no income tax yung company dito. Sa HQ naman, naka swerte kami ng bid dahil isa kami sa subcontractor sa ginagawang COVID hospital sa city. Ni-rush kong edit yung bid document nung isang araw. I’m happy to be part of the team kahit edit document Lang.

1 Like

Nagturo sa isang state university. Applied and taught UP values. Sana na-achieve ko naman. I am still hoping makabalik sa academe. Kahit mababa ang sweldo very fulfilling makapag- share ng knowledge sa future generation (gosh I feel old). Masarap din ang feeling that your students look up to you and see you as a friend afterwards. Kahit di na kayo nagkikita… aww the feels! :charing:

4 Likes

nag asst preschool teacher, guidance counselor

naligaw sa fiscal’s office, taga summarize ng mga for Reso and Info… kaya nagawi sa private firm, nangalkal ng mga sampol sa SCRA pambala sa mga pleadings

tapos napadpad sa mundo ng market research ( :wave2: mga ka- MR!) una sa isang maliit na ahensya, bago nag work sa isang global firm.

grumadweyt rin ako sa ahensya; client side naman. naka ilang industriya na rin…
ngayon, kasalukuyang nagbabalasa ng baraha, habang fino forecast ang kahihinatnan ng mundo :grin:

3 Likes

After UP, nagpa alipin sa corporate ng halos 1 year tapos lumipat ng NGO; napirata ng corporate foundation tapos lumipat sa isang maliit na social enterprise. Lumipat ulit ako sa corporate foundation bago nag migrate sa ibang bansa.

Ngayon, hospital social worker ako under ng gobyerno ng bansang nilipatan (but currently on maternity leave so nag-ambag din sa population growth ng mundo). :wave:

3 Likes

Naghanapbuhay sa industriya ng BPO, nagbayad ng buwis at naging opisyal Ng isang non profit professional organization na naglalayong isulong ang quality at productivity sa Pinas.

2 Likes

Ang bigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko. Mahirap kami at ang makatapos sa pag-aaral ang ipinamana ng mga magulang namin sa amin. Kaya pinatapos ko ang mga kapatid ko at hinikayat silang magbalik sa bayan.

Wala sa laki o liit ang maaaring maiambag sa lipunan.

5 Likes

Idol po kayo.

ont: naging mabuting kawani ng pamahalaan.

1 Like