Ang "Ano naiambag mo sa Society?" Thread

Or in other words, saan ka napadpad after mo grumaduate sa UP at after mo tumambay sa Peyups.com all those years ago? :wave:

11 Likes

Gobyerno. Private sector. Development. Humanitarian. May naiambag na din I guess :shrug:

3 Likes

Been everywhere β€” media, government, NGO, academe, OFW, corporate. From left to right across the spectrum. I do community service and volunteer whenever I can. I abide by the laws (afaik) and pay full taxes regularly. I take part in the government through suffrage. I strive to reduce my carbon footprint. I shape the future and educate the next generation (my son) to be decent, kind, and productive. I tip respectably. I love well and forgive easily (chos!).

15 Likes

Naglaw. Nagvolunteer. At na-hire sa private sector dahil sa pagvovolunteer. Tinry dalhin sa palasyo. Nasuka at lumayas. Na-recruit muli ng private sector. Corporate law. Litigation. Bumalik sa pagkerengkeng (ergo, nag aral ulit). Law dun, law dito. Master dun, doctorate dito. Public law. Nuclear law. Ganyan. Napadpad kung saan saan at nagturo ng mga kababalaghan sa mga estudyante na mula kung saan saan (pwera Pilipinas). White collar and corporate crimes. Environmental law. Ganyan. Bumalik sa private sector at nagmarunong. Paliparan. Power plants. Ganyan. Nagpublish ng mga ka ek ekan sa mga journals. Nasa ika21 na pahina palang sa dinadraft na law book sa wikang Aleman na due na sa Oktubre.

Nagtatanim ng mga gulay sa gitna ng malaking ciudad (urban gardening ika nga) at nagpopost ng mga litrato ng mga halaman atbp sa Instagram. Spreading good vibes? Colour? Plants for world peace? Ganyan lang.

19 Likes

Natapos ng BS CN sa Diliman, nagmed school, pumasa sa Nutritionist-Dietitian board exam nung first year med, natapos ng med, pumasa ng Physician Licensure exam. Nagtrabaho sa private companies ng 4 years, at 1 year sa government. Nagpakasal, nagka 2 anak, pumunta sa Amerika kasama ang pamilya. Hindi man ako frontliner ngayon, ang asawa ko ay healthcare worker pa rin. Ang contribution ko siguro ngayon sa society ay pagpapalaki ng maayos sa 2 anak namin, molding them into good citizens and God fearing individuals as a stay-at-home mom. Trabaho ko rin pala ngayon homeschool teacher at tumutulong gumawa ng face masks. :sweat_smile: In my free time, I make oil paintings (nature a la Bob Ross and also Oble paintings) and geode resin art. :smile:

3 Likes

Hindi ako naka graduate eh :joy:

Pero proud ako sa naiaambag ko daily - carbon dioxide :rotflmao:

9 Likes

Magbayad ng tax

9 Likes

Nakapag-Peyups ako after na ng college. Uso pa noon ang chat sa mIRC, sa undernet. #UP yung channel na tinatambayan ko. Doon ko nadiscover ang peyups.com.

I was already working in a BPO then. My journey was Hellocorp > Sykes > West Contact Services > Dell.

I am now in Teleperformance. :wave:

2 Likes

Nag-PT boards; di tumuloy ng med school. Nag-preschool teacher. Lumipat sa IT. Nasa IT pa rin, pero sa travel industry na. Ngayong may COVID, our clients are not in the best shape. Sana matapos na to para mas may mai-ambag pa ako maliban sa tax (ika nga ni Chinito) at carbon dioxide (ika nga ni Arwen). Methane din pala, come to think of it. :rotflmao:

7 Likes

Was in media for most of my career, now I’m still creating content but for a non-media company. After sorta changing worlds I realized that creatives are much more appreciated if the company is not really a creative one. I don’t think I will ever have a drastic change in my career. Nasulit naman ang Journ degree, haha!

TL;DR I guess ang ambag ko ay (hopefully) nakapagpasaya ako ng ibang mga readers. Haha.

2 Likes

Worked in corporate and in government. Paid taxes.
Tagalibre ngayon ng mga resident members ng org ko, pambawi sa mga nanlibre sakin noon.

Naimbag sa society - nagtrabaho sa gobyerno mostly on public health, health policy and research. Nag-masters para makapag-travel, este, para lumawak ang kaalaman. Then, nagtrabaho sa international organization - on tropical diseases and research. :smiley:

2 Likes

Napunta sa disyerto. From a Journ major now working as a Purchasing officer slash accounts assistant - napunta sa numbers, di ko rin naintidihan ano nangyare. lelz

1 Like

Napadpad sa advertising. Tapos ngayon medyo pinagsisisihan ko. Hindi ko kaya yung politika nung industriya. Saka ano, hindi ako magaling. HAHAHA

1 Like

sa gobyerno sa loob ng sampung taon. bilang pagtanaw ng utang na loob sa pag-aaral ko sa UP. lumipat nang MDB, hanggang ngayon andito pa rin.

Now I am finishing my PhD.

Puro English/education-related work ko, but I also did social media management and admin work. Ngayon, I work as an English teacher online. Mostly Japanese students ko. So ngayong ECQ, parang walang nagbago kasi sa bahay naman na talaga ako nagwowork for 8 years na. :sweat_smile: (pero miss ko na lumabas :frowning: )

5 Likes

Malapit na ako mag-15 years sa first job ko. Maraming beses din ako nagbalak umalis. Pero etong Covid-19 Pandemic ang nag remind sa akin kung bakit ako naging iskolar ng at para sa bayan. Challenging maging alagad ng agham sa Pilipinas, pero lagi ko pinapaalalahanan ang sarili ko na I am where I’m needed most.

9 Likes

Call center. Sabi namin ng orgmates ko temporary lang. Ayun 17yrs after client na ako ng mga callgirls/boys. If I do my job well, we create more jobs for the BPOs.

1 Like

Ano nga ba?

Dumagdag sa population, nagturo at nanaliksik sa Academia. Not in order.