UP Manila Peeps

Hello mga tanders (at millennials) ng UP Manila! :wave:
Sino pa nakaabot kay Conan the Librarian, sa Gary’s Restaurant, Midtown Hotel?

3 Likes

Yay, UPM! Yes naabutan ko pa yan. Miss ko na yung palabok sa GAB caf (Makel’s nga ba yun) at nutri!

Sa mga nabanggit above, GAB caf at nutrilicious na lang naabutan ko. Nababalitaan ko lang si Conan, pero di kasi talaga ako mahilig tumambay sa library noon. :laughing:

Nalipat sa Dent Lib si Conan (na malamang retired na).
Mercury Drug na ang Gary’s.
Robinson’s na ang Midtown.
Student Center (na temporary SSWC) na ang GAB Caf.
Napatunayan ng BS Bio na may salmonella ang Nutrilicious :sweat_smile:

2 Likes

Luh seryoso yung salmonella? Favorite ko pa naman yun nung nagaaral pa ako. :sweat_smile:

Yun yung nabanggit nung mga kakilala kong BS Bio nung mga panahong yun.
Umiinom pa rin naman ako pagkatapos nila sabihin yun :sweat_smile:

:wave2: UPM folks. Ano nga bang nangyari sa McDo sa may OUR/Student Center (Rob Faura entrance) - andun pa ba?

And yes, inabutan ko si Conan. Napagalitan pa nga ako kasi nakalimutan ko mag-silent ng phone. :embarasslaff:

Travel/Recruitment agency na yung McDo na yun. Pinakamalapit na McDo s UPM yung sa Faura corner Bocobo (malapit sa Ibarra’s).

Inabutan ko si Conan at may time na halos araw araw ako kumakain ng 1 pc Chicken sa Mcdo.

Inabutan ko si Conan, halos hindi niya pinirmahan clearance ko nung naglilipat ako sa Diliman kasi hindi ko alam real name niyan. Ma’am Conan tawag ko. It’s Revatoris ata.

Another Conan moment, hindi ba siya yung tumatakbo kasabayan ng mga nasa Oblation run?

Daming nagbago last time I was in UPM in 2018 when we were in Manila for a short visit. We stayed in a hotel Manila area so inikot ko yung husband and son ko.

2 Likes

Naabutan ko pa si Lola Yosi sa CAS brickwall at si Gino Ginintuan along Faura.

Naabutan niyo ba yung bomb threat? Between 2004 to 2007 siguro yun, tanders na haha

1 Like

Elena Revatoris. I should know kasi nainterview ko sya during my (brief) stint in MKule. Baka nga naman daw Ma’am Conan ang itawag ko sabi ng mga editors ko :sweat_smile:

Bawal na magyosi sa brickwall na puti na ngayon.

Andun pa rin si Manong Gino.

As far as I can recall, yung bomb threat na yan bago mag DepEx ng Math 17. Coincidence? :sweat_smile:

2 Likes

Ah, yang brick wall na yan ang saksi sa lahat ng tinuruan kong mag-yosi nung freshie and sophomore years ko.

Nagm-MA na ako sa Diliman nung maganap ang bomb threat. :oldie:

Yang brick wall din ang saksi sa madaming rumble :sweat_smile:

1 Like

Hello Ate Nutri

received_10208123748144151

3 Likes

Naabutan niyo pa Smokey’s sa AS canteen?

2 Likes

Di ko maalala kung Smokeys pero may hotdog stand nga doon. Binibili ko yung footlong nila

Lagi ako nadadapa malapit sa brick wall :sweat:

Yeah! AS Canteen 2.0 sa tapat ng GAB (GAB Caf), hindi yung dating AS Canteen (yung building na eventually giniba sa tabi ng GAB).

Until recently, ang AS Canteen 3.0 ay nasa Student Center (not old NEDA) na itinayo sa ruins nung unang AS Canteen.

Sumali ba kayo sa FB group na “a group where we pretend that we’re in up manila”? Ang saya haha

2 Likes