UP Fair Nostalgia

Parte ng buhay isko at iska ang UP Fair.
Food trip, tiangge, rides, concerts, atbp.
Ano kwentong UP Fair mo?

1 Like

Binigyan ako ng brownies nung mga sisses ko. Sobrang saya ko after and gutom.
Dami ko nakain.

3 Likes

Sa UP Fair ako natutong mag kiss, at nagka first kiss :blush:

3 Likes

Di ko makakalimutan yung sinugod yung UP Fair ng mga :headbang: :face_with_hand_over_mouth:
Sumampa sila sa bakod para makapasok sila sa loob, nagiba ang bakod, at nagkagulo ang mga tao sa loob.

Vivid sa memory namin yung eksena kasi nakaupo kami nun sa mga benches sa paligid ng Sunken.

1 Like

May times na hindi kami papasok mismo sa Fair pero nandoon lang kami sa may Sunken Garden, nakaupo o nakahiga sa grass at kumakain, nakikinig sa tugtugan at nakikikanta.

May isang beses na nakapila kami pa-entrance tapos may lalaking lumapit sa amin at nagtanong, “Uhm, excuse me, is this the pila?” Nakatitig lang kaming magkakaibigan sa kanya. Hindi pa kasi uso ang Taglish-Taglish sa UP noon, e. May mga nag-i-English talaga pero Taglish, not so much. :wink:

Totoo kahit alam na hindi na makakapasok sugod pa rin sa UP Fair. Kaya dame memories sa Sunken Garden.

1 Like

Nanakaw Nokia cellphone ko habang nagsla-slam dance sa Sandwich. :headbang:

Last moshpit ko na yon and ayoko rin naririnig yung kantang Selos.

2 Likes

Orcs!

Basta pag may Slapshock, Cheese, or Greyhoundz sure na andun sila!

Ito ba yung nandun sa Bamboo? Naalala ko lang kasi na ang haba ng pila nung araw na yun. Tapos biglang rowdy na ng mga JJs. Tapos nung nakapasok na kami, biglang may announcement na titigil na yung fair for that day. Also, flying rocks. :joy:

Wow, I was there too. Rambol!

1 Like

Yung mga gumigiba ng barricade, tawag sa kanila dati orcs. Hehe

2 Likes

oo parang yung attack of the orcs nga ang eksena. hahaha. for sure! kahit nga Kamikazee eh, present sila.

1 Like

the JJs! i think sa UP Fair na-coin ang term na yon. mga all black ang suot and naka-backpack na kabaong :rofl:

1 Like

Nakakamiss yung UP Fair noon na kasama mo ang mga tropa mo, paikotikot lang sa loob ng Fair grounds. Tapos astig yung pakulo ng mga orgs sa mga booths nila.

Ngayon mula tanghali hanggang paguwi nasa backstage na lang.

Mga bandang kupaw ku-kupaw

1 Like

Sidewalk slammer at stop light booths! Jan nauubos pera ko inside fair grounds at syempre hindi nakakauwi ng hindi lasing. May time na gumagapang nako sa slope ng sunken para makarating sa road dahil ilang beses akong natutumba at gumulong pabalik sa baba when I tried walking, kahit na may nagaakay sa akin. There’s another time nakatulog na ko sa sunken sa kalasingan, nagising ako dahil mainit na, may araw na. Buti a couple of friends were with me, mga lasing din. :grin:

1 Like

May booth ang org namin for 2 consecutive years, yosi ata and softdrinks nung 1st year pero nakatago sa ilalim ng coolers ang beer.

Di ko na maalala bakit namin tinatago na nagtitinda kami ng beer, pero pasimple ang pagbenta at wag daw papahuli sa mga fair officers na nagr-rounds to inspect booths. So tipsy kaming mga nagbabantay pero kailangan alert pa rin lol!

Nung 2nd year nag add kami ng nachos, yun nalang inatupag ko kasi nakaka-stress yung “illegal” beer peddling :biglaugh:

2 Likes

May photobooth (photo studio tent) nga pala Peyups dati sa fair! May mga nagpapic ba sa inyo dun?

1 Like

Isa ako sa mga organizer neto. Huhuhu

Nakakamiss yung may legit na ka-date sa UP fair. Ngayon yung UP fair ay di na masyaod dinadayo ng mga JJs.

2 Likes

Eto ba yung 3 shots na red, yellow, and green?