The 'Late ECQ Nights with Rody' Thread

Disclaimer: hindi po ako DDS. More like the opposite.

Nanood pa ba kayo nung daily evening updates ng presidente? Kwento nyo na lang dito reactions and frustrations nyo.

I stopped watching after the first few briefings; feeling ko high-blood ang mas malaking risk pag pinanood ko sya eh. Eh meron din namang clarifications yung iba the following day, so what’s the point?

PS. When reacting to a new briefing, pa-indicate na lang yung date. As if nagbabago yung reactions natin.

PPS. Bakit dilaw yung background color ng banner sa Current Events? Honestly di ko alam rason. :wink:

5 Likes

Nakow diko sasayangin ang precious data ko dito. Mahighblood lang ako lalo. Saka meron akong real time blow by blow account courtesy of my brother, na mas entertaining :hahaha:

4 Likes

Nakakapagod yung laging late night siya nagpapapresscon

Isa lang napansin ko, Duts love baitcasting. Tapos ang daming kumakagat. Waste of time ang mga presscon nya. Parang usapang lasing lang. Can’t wait to have the leader we truly deserve.

Waste of time.

Kailangang manood dahil sa trabaho. Pero after the second (or third. can’t remember), mas pinili ko na lang pong matulog and abangan ang summaries somewhere the next day.

I have an FB friend who summarizes it, at may color commentary pa. Mas masarap basahin hehehe

2 Likes

Sino yung nagsummarize?

Ang pinagtataka ko lang talaga e bakit kasi nakanight shift duty si Tito Digs. Anubeh? Takot sa umaga?

Hindi na ako nagpupuyat manood. Naghahanap na lang din ako ng summarized post kasi nakakaasar lang e. Kung minsan, parang walang konek sa realidad yung mga sinasabi nya. Siya na nga ang bida pero magsiside comments pa.

hindi na man ito rant, observation lang :biglaugh:

1 Like

Live ba yun or recorded? Baka kaya late

Bawal pa kasi maarawan kasi kakakagat lang sa kanya ni Enrile. Kaya kada gabi lang labas.

1 Like

Late night, kasi late na rin natatapos yung meetings ng IATF, so late na rin napapasa sa kanya yung babasahin nya.

Di rin ako nanunuod, nagrerequest nalang ako copy ng resolutions, dami nya kasing adlib, saka ang bagal magsalita. nakakainip.

2 Likes

Ako din, naisip ko maraming better use of time. Kahit mag-jebs sa CR mas entertaining pa.

Yung mga adlib nya nung 2016 elections may macho-gago effect pa eh. Ngayon inuubos na lang nya kung ano pa yung natitirang credibility nya sa followers nya.