Researchers of UP, ano pinakamahabang delay sa sahod niyo?

Samin ay six months. Happened twice, 2018 and 2019. We stopped working after the sixth month until they fixed it. Masaya naman magresearch pero minsan nakakatempt na umalis and get a corporate job or something. Masyadong stressful ang uncertainty and its not like we’re getting any younger.

Project based na ra ako dati. Yung unang sweldo namin delayed ng 3 months.

1 Like

Pero kumusta after? Ganyan din kadelayed yung first salary namin usually. Tapos nauulit every time nagrerenew ng contracts at nagsisimula ang bagong project year :joy:

Oh my god mga katropa. Haha.

Ako yata longest ay 2 months lang? Habang nagre-renew ng contract. System kasi ako? Except nitong Feb/March. Kasalanan ko 'yung Feb, di ako naka-submit ng DV kaagad kasi daming ginagawa tapos biglang nagka-lockdown.

Di ko maintindihan din bakit hinihingan tayo ng contract etc every time sasahod. :headshake: Matagal ko nang kine-question kasi nung nasa private ako, hindi naman kami ganun magbayad ng contractors. Basta nabigay ang deliverables, tapos.

Uhm pa-5 years na ako kaya iniisip ko na umalis. Kailangan ko lang talaga tapusin thesis ko. Haha.

1 Like

Oh, good for you. Ang nakakatawa ay ngayon pang may pandemic na on time sahod namin (thank you Chancy Fidel!).

Malas din kasi kami last year. Una, may mali sa signatories ng MOA between UP and DOST (someone messed up at DOST and cost us at least a month). Tapos hinold funds sa department namin kasi may mga previous projects daw na hindi pa nagliquidate. So inayos muna yun. Feeling namin nagdadahilan lang sila at sa totoo ay wala talagang funds ang DOST that time (hindi pa napapass ang national budget nun). I just wish they’d be transparent with us. Nakakagalit talaga yun. :fire:

I think kasi UP wants to treat us like employees (for more control, so they can set working hours, etc) but don’t want to give us benefits. Kaya din every six months yung contracts. Kung tutuusin, this is what SM does to their contractual employees. Hahahuhu

Tapusin mo na yun. Bawas stress din yan. Took me four years to finish my thesis too :crying_cat_face: Your thesis doesn’t have to be perfect, it just has to be done :laughing:

1 Like

Pero minsan totoo yang mga administrative mishaps eh. Haha. Basta. Madaming horror stories ang admin. But anyway, kahit delayed yung budget noon, kaya naman dapat gawan ng paraan ng UP 'yan eh. Kung creative 'yung mga boss, puwedeng UP savings muna bubunot tapos sisingilin na lang DOST kasi they can’t retract the MOA naman.

Inaway ko yung admin officer namin dito. Sabi ko sa kanya, “Bakit ba ipinipilit ang employee rules sa mga naka-contract of service eh di naman employee benefits ang binibigay sa amin?” Yung work hours ang pinag-awayan namin eh kasi ang alam ko talaga ang consultants, certificate of service lang ang binibigay dapat pero hinihingian ako ng DTR. May different rules kasi ang CSC sa mga Individual Contract of Service. Kung gusto nila mag-set ng work hours, dapat UP Contractual ang kinukuha nila (yung 1-year renewable with employee benefits).

Anyway na-resolve ko 'yun kasi malakas na loob ko mang-away dahil tagal ko na sa UP. Ininsist ko na dapat deliverables-based ako. Pumayag naman kasi pumayag 'yung mga boss hahahaha.

:crying: Dami ngang nagsasabi sa akin nito pati yung adviser ko. Haha. Saka na lang daw ako magmaka-OC kapag PhD na kinukuha ko.

1 Like

Oo nga eh. Nademonstrate naman siya ngayon during the COVID quarantine. Maaga nga yung April salaries eh. Yung monthly burn rate kasi ng project namin sa salaries ay a little over 1M. Not sure UP would be willing to foot 6M (or may precedent na ba?). Though ilalaban talaga namin next time, though sana hindi na nga maulit. Demoralizing din kaya sa team yun. Buti nga walang nagquit samin eh :frowning:

Hindi ata ito alam ng karamihan ng mga project leaders. Nakaka-inis talaga yung gusto nilang pumasok ka ng 9-5 at mag-DTR etc. Yung mga boss din ata hindi aware sa mga labor laws. Buti nalang matino yung boss namin.

You can save the world after you graduate. :laughing:

2 Likes

True yang COVID note. Marami tayong nadiskubre na kaya naman palang gawin pero ayaw lang gawin.

1 Like

Same, 2 months lang din longest sa akin way back 2017 nung nagwork ako sa elbi thru DV. Minsan ipapafollow up mo pa sa Accounting kung naprocess na ba or hindi pa. Madalas hindi pa napaprocess ang akin then yung mga kasama ko sa department naprocess na. Mas okay pa magwork sa ibang office outside the campus. Well, parehong way naman makakaipon dahil sa sahod, delayed lang talaga sa campus.

2 Likes

Yes, buti matino rin yung boss ko. Nakatulong para di ma-demoralize kahit late yung sahod :stuck_out_tongue:

2 Likes

May mga kilala ako na 6 months. Ako parang 4 months, usually pag renewal or pag year-end. Literal na walang pera pag Pasko, tas #blessed sa January.

Minsan nag phophoto-synthesis nalang kami pag lunch break LOL

Dapat may dedicated attached office si UP for projects and stuff, yung maghahandle ng payroll, procurement, etc.

2 Likes

@ISKObot roll 1d6

Para sa kasagutan :sweat_smile:

2 Likes

:game_die: 3

Husay!

More or less 3months nga ako nung project based yung work ko

2 Likes

Hi! To find out what I can do, say @ISKObot display help.

Sad to say, lower bound yan sa experience namin :laugh: It’s really funny na ngayong ECQ pa kami on time sumahod (thank you Chancy Nemenzo).

1 Like

Pinakamalala ko ay 1-ish year delayed na sahod :roll_eyes:

2 Likes

Damn. That sucks. Ba’t umabot sa ganun? :sob: