Pinoy Food Item na Mahirap Mahanap Abroad

Or kahit outside of your own province/hometown lang.

For me, eto:

  1. unfrozen saba and plantains na masarap sa banana cue/turon
  2. Philippine yellow mangoes na kailangan sa mango float/mango royal
  3. Certain cuts of meat like sa baboy: yung liempo cut, or pang barbecue na may little bit of taba
  4. yung mga kakanin from my province: muron, suman latik, matamis na bao, cassava suman
  5. good buko for buko pandan and fruit salad - yung mga frozen dito hindi sila soft flesh, matitigas parang pinatuyong kopra.
1 Like

Bagoong at yung mga pang halo halo like kaong, nata de coco, etc. Galing Pinas lahat or sa countries where there are Pinoy supermarkets like Dubai or the US.

Edit to add: yung mga Sinigang mixes, saka tamarind wala talaga dito

1 Like

Nung based ako sa Malaysia, walang pulang hotdog, yknow Purefoods Tender Juicy hotdogs. Also, hindi uso ang liver spread doon. And dahil Muslim-majority, mahaaal ang pork products.

Eto, hindi food related pero SKL na wala akong mabiling rubbing alcohol doon–ang kwento sa akin ng mga tao, dahil nga daw alcohol at nasa Muslim majority country ako. Mayroon akong nakita sa Filipino stores doon, pero mga 3x ang presyo. Ang ginawa ko, everytime na may bibisita sa akin from Pinas, nagpapabili ako ng rubbing alcohol.

2 Likes

Pork cuts na may balat (skin). Yung pwedeng gawing lechon kawali.