Personal Thoughts: Bakit Wala Akong Boyfriend?

Bakit ba wala pa rin akong boyfriend?

Twenty-five years old na ako at wala pa ring bf. At never pa nagkaruon ng boyfriend.

Di naman ako panget. Di rin naman sobrang ganda. Exotic beauty ba. Kahit di ako maputi, maganda naman ang kulay ko…morena. Black is beauty, di ba?Maganda naman ang mata at ilong ko. Di man ako slim, di rin naman mataba. Hindi pa naman ako lumalagpas sa overweight limit ng height ko.

Bakit nga ba wala pa rin akong boyfriend?

Lagi na lang ako tinatanong ng mga magulang, kapatid, kaibigan, kaibigan ng kaibigan ko, ng tricycle driver, ng tindera ng tinapang bangus na paborito ko, ng aming plantsadora…kelan daw ba ako magkakaruon ng bf? Pero wala pa ring tatalo sa tanong ng tatay ko… “Kelan ka ba mag-aasawa?” Betcha By Golly Wow! E boyfriend nga wala, asawa pa kaya? Di kaya nababaliw ang tatay ko?

Matalino naman ako. Nasa top 20 naman ako ng batch namin sa engineering. At lalong di naman ako boring. I have a very good sense of humor, minsan nga iniisip ko pwede ko na karirin ang pagiging stand-up comedian. Napaka outgoing ko. Hindi ako yung introvert type of person. Kaya ganun na lang ang pagtataka ng mga family at friends ko. Talented pa nga ako eh. I play the piano, the guitar, the flute and most of all, I sing very well, modesty aside.

Pero bakit nga ba wala akong boyfriend?

Mabait naman ako. Minsan nagtatampo pero madaling magpatawad. Marami naman akong alam sa buhay. Madaling kausap. Sangkatutak nga yung humihingi ng advice sa kin eh. Sobrang friendly ako sa lahat. Hindi ako marunong mamili ng kaibigan. Religious din naman ako. Pero bakit wala nga ba akong boyfriend?

Matagal ko rin pinag-isipan itong tanong na ito, simula pa ng high school kung saan ang karamihan ay nagkakaruon ng kanilang “puppy loves”. At nalaman ko rin sa wakas ang sagot…

Bakit nga ba ang tanda ko na at wala pa ring boyfriend?

Wala akong boyfriend dahil ayaw ko talaga magkaboyfriend. Hindi lalaki ang gusto ko. Hindi ako magkaboyfriend dahil in the first place, hindi rin naman ako nagkagusto sa lalaki. Siguro lumalabas din ang kawalan ko ng interes sa mga lalaki sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko.

Wala man akong boyfriend, masaya ako. Kasi may minamahal ako at may nagmamahal rin sa akin. Ang girlfriend ko. Higit sa lahat, masaya ako dahil marunong ako magmahal at tanggap ko ang buo kong pagkatao. Di ko lang alam kung matatanggap nila ang mga sagot ko sa tanong nila. Mahaba-habang usapan to.

5 Likes