Tinder. Nag-usap kami for a month before kami nagkita sa personal. Hindi pa kami estudyante sa UP noon pero parehas namin gustong makapasok. Kaya ang una naming date ay around UPD. Nilibot namin yung buong Academic Oval mula hapon hanggang mag-gabi tapos nag-foodtrip sa Cubao, kung saan siya malapit nakatira noon.
After no’n, nagtuloy naman kaso it was short-lived. Two months lang, then I ended it. She was mad at me. Feeling ko hanggang ngayon. Pero nagpapansinan pa rin naman kami kahit papano kapag nagkakasalubong sa mga pasilyo ng AS at may paminsan-minsang kumustahan tungkol sa acads.
Oks naman, feeling ko, yung online dating since magkasundo talaga kami sa maraming bagay. Yun nga lang, baka hindi talaga kami para sa isa’t isa. Hahaha!
So ewan kung it is still that effective ngayon hehe