Love Letters from the Heart

Nagbabalik ang isa sa paborito kong thread sa lumang Peyups. Simulan na natin :hyper:

L,

Kailan kaya tayo magkikita? Kailan kita makakasama? Excited na ko kargahin ka at bigyan kita ng belly rub hehehe

J

2 Likes

CM,

Miss na miss na kita. Excited na akong makita ka after ng ECQ na 'to. Tara sa Eat Fresh?

Yours,
BP

Did you miss me?
I know you did.
Do you think about me?
I know you do.

Yes, you saw me.
Not directly me but through a reflection of me.
Or maybe you saw me through what others saw in me.

Yes, I miss you too.
I miss being real with you.
You taught me to find my inner fire.
You opened my senses
To my deepest desires.

Will I see you again?
I hope so.
One day, one time
When you are mine.

C,

Ikaw pa rin…

Tsaka patawad, kasi di ko mapanindigan yung pangakong di ako bibitaw…
Patawad dahil mahina ako, dahil susuko ako.

Hanggang sa muli…
Wala ng tatawag saken ng Grasha…

Baket ang sakit? Bakit ang hirap?

1 Like

J,

Ikaw ba talaga? Kung hindi ikaw, maghihintay pa rin ako. Kahit hindi ikaw. Kahit masakit. Kahit mahirap.

'yon naman ang sinabi ko sayo noong una bago ka pa dumating. Handa ako kung bibitaw ka man.

R

C,

Gusto kong itanong kung mahal mo ba ako? Kung minahal mo ba ako… Pero natatakot akong malaman yung sagot. Because either way, it doesn’t change right? And either way it breaks my heart.

Turuan mo naman ako palayain ang sarili ko…

Grasha

I,

Mag grocery na naman ako mamaya. Tapos bigla ko naalala nung minsan nag Landers tayo. Magka holding hands habang naglalakad sa parking lot.

Hindi naman kita miss masyado. Sakto lang.

J

Naisip kita kanina. Ano kaya ang ginagawa mo? Okay ka lang kaya.

Sana naisip mo rin ako.

Friend,

Uy wala na akong balita sayo since we last spoke on Whatsapp. Sorry about the breakup, mahirap talaga ang LDR. Namiss ko lang may ka exchange ako ng 2-second “my day” vid bago pa ito nauso. Hope you’re doing well. Ingats

Your W.W.

Nabati naman na kita. Happy for how you are now. God bless you always.