Library Stories

Saang Library Kayo Tumatambay

Share your interesting library stories here.

Nakakamiss yung microfilm at index cards!

Pinuntahan ko yung totoong Oble sa Main Lib (7th floor yata) :slightly_smiling_face:

1 Like

Kapag may malalang exams noon, magdamag ako sa Law Lib kasi malamig at masarap matulog. :sweat_smile:

Noong freshie ako, tambay naman ako sa basement ng Main Lib para magbasa ng diyaryo at saka manood ng mga kung ano ano dun sa audiovisual section. Iyong may mga microfilm.

2 Likes

May time na madalas akong nakatambay sa Film section ng main library. Yung tapat ng Filipiniana. Hindi ko na matandaan anong tawag. Ang ginagawa ko, mag-binge watch ako ng movies and documentaries dun. :laugh:

3 Likes

Ginawa ko rin ito dati. :oldie:

1 Like

Sa may stairs pa-entrance ng Main Lib ako unang-unang nakakita nga dalawang babae (parehong femme) na naghahalikan. Siempre, shookt ako! Alam ko na, by then na hindi ako straight, pero hindi ko kinaya ‘yung ganu’n kalantaran. At that time, ha? I was young and innocent. :laughing:

3 Likes

1st yr to 2nd yr sa MainLib
3rd yr sa CS Lib
4th yr sa NIGS Lib
5thyr sa CS Lib

1 Like

Nakakapasok ako dati sa Social Science Stacks section! Ang daming rare books na gusto kong hiramin doon.

3 Likes

Main Lib:
+1 sa microfilm
Takot ako dun sa madilim pero malamig na area

2 Likes

I wonder kung nandon pa si Chaka Doll sa BA Lib. Kahit bulungan bawal namin gawin, pero pag nagchismisan sila dinig sa buong floor.

2 Likes

AS Library sa UP Manila. Andun pa noon si Conan. Napalabas ako kasi nagsosort ako ng mga photocopied stuff, di raw sa library ginagawa yun