Lantern Parade Memories

Para sa mga lagi uma-attend ng Lantern Parade bilang spectator or participant, balikan natin ang masasayang alaala nung tayo’y mga bata pa. Ako naalala ko yung pinaka huling punta ko, yung centennial celebration sa UP. Pinaganda nila at pinaghandaan. Nakaka proud !

1 Like

Freshie ako, pinagbahag ako agad para sa Lantern Parade. Buti nalang wala pang nakakakilala masyado sa akin noon. BAHAHA.

1 Like

All-nighters sa paggawa ng lanterns noong nasa Student Council ako. :embarasslaff:

Maraming EB ang nagaganap sa Lantern Parade - both Peyups and mIRC :embarasslaff:

2 Likes

Sumasali sa college delegation during Lantern Parade since freshman year. Minsan, tagabuhat pa ng banner ng course or ng org.

Off topic pero medyo related na din. Maskipaps (sa harap pa ng Engg steps dati) una kong napanood ang Eheads. Mga Molave kids pa sila nun si Ely nagwawala sa stage.

2 Likes

2009 yung unang Lantern Parade ko. Pinaka naaalala ko dun e yung blockmate ko na nanggaling sa org party nila may bote ng The Bar. Pinauwi niya sa akin kasi pagagalitan daw siya ng nanay niya pag nakita yon. Bilang mabait ako, inuwi ko. Tas pinagalitan ako ng nanay ko (freshman ako nun, sheltered pa tas strict magulang ko) :joy:

2012 Lantern Parade tas may pa-party APB! Dami beer at pagkain hahaha! Imbang Gabi ata yun? Locked na AS tapos ihing-ihi na kami nung mga kasama ko. Sabi nung guard pwede pumasok through the opening (yung sa may tambayan ng APB; akyat bahay gang feelz hahahahaha) sobrang dilim sa AS tas tatawid pa ng lobby to get to the side kung san ladies’ cr!

1 Like

Yan time ba yung pinatayan sila ng ikaw kasi nag-extend ng set?

Yup! Pinaalis na sila sa stage kasi super kulit na ni Ely