Jollibee Philcoa Closing Down

Madalas akong tumambay dito dati, from freshman year to senior. Up to now, kapag nagagawi ako ng Philcoa, dito ako kumakain usually. Got the news na hanggang January 31 na lang daw sila. Medyo nakakalungkot lang.

Anong kwentong Jollibee Philcoa niyo?

Noong college ako, nagrereview ako jan na mag-isa o may kasamang classmates. May times na inaabot ako ng 12am tapos wala na ako masakyan pauwi. Super broke pa ako noon. Either sundae lang inorder ko o kaya yung kape galing Mcdo.
Around 2017, nagtatrabaho na ako. Yan ang tagpuan namin ng ex-date ko. Noong nagmo-move on ako sa kanya, kapag nadadaan ako sa Jollibee ay hinahanap ko siya pero hindi ko na siya nakita ulit.