Home Workout Setup / Hacks

Care to share paano nyo natutuloy ang home workout nyo sa bahay, especially ngayong may ECQ? Bawal mag-exercise sa labas, much less go to the gym these days.

To start – I have a couple of free weights na bigay ng kaibigan ko. At least exercises sa loob ng bahay pwede pa rin gawin. Problema lang nakakabitin na minsan. Di makapagdagdag ng weight dahil sarado mga sports shop. Bawi na lang sa push-up challenges na nauuso ngayon.

Minsan tinitingnan ko kung pwede gawing pull-up bar yung sanga ng puno sa labas ng bahay. :lol:

1 Like

Sakin kettlebell and yoga mat lang okay na. I use body weight most of the time.

Bilib ako sa mga masisipag mag-exercise. Grabe tamad na tamad ako :unamused:

I downloaded Les Mills On Demand. It has a 2-week free period for your body attack/body combat fix.

Walking cardio and zumba on YT. I can’t find my weights and yoga mat :hide:

I have mini bands, foam roller, yoga mat, pull up resistance bands, and valslide alternatives (aka basahan).

Check nyo valslide exercises. Yun ang challenging gawin sa bahay kahit halos body weight lang gagamitin kasi it’s about control of movement. :slight_smile:

2 Likes

I follow HIIT work-outs by emi wong sa you tube. Matt lang gamit. Minsan kahit wala. Okay naman…

Pwede maghanap ng mga gamit sa bahay na pwedeng alternative kung walang gym equipment. :hihi:

  • Mga lalagyan ng tubig/panlinis sa bahay na may hawakan - pwede as dumbbells
  • Kumot/bedsheet - sabit sa kung saan pwede (pinto? hehe basta safe) nang maayos, pwede as TRX/suspension workout
  • Anything heavy na pwedeng yakapin o buhatin - as weights
  • Backpack, na lalagyang ng mabigat sa loob - adjust to desired weight, tapos isuot sa likod. Instant weights din hehe!
  • Basahan as sliders

Although may ilang gamit sa bahay (dbs, kbs, mat, trx, bands), mas madalas ako mag body weight exercises. Marami kasing pwedeng gawin kahit walang equipment, saka may variations din kaya so far hindi pa naman ako nauubusan. Nagiging motivation ko minsan yung gusto ko mag progress sa isang simple exercise sa ibang variation niya kaya sinisipag ako magpapawis. :laugh:

3 Likes

I have my stationary bike nearby which I ride while thinking or waiting for clearance on inputs. There’s also this home gym set that I got a few years back na naka-hook sa door for weight training.