High School o College?

Napanood ko iyong Senior Year ni Jerrold Tarog kagabi, tapos na-realize ko na tama iyong isang linya dun sa pelikula kung saan sinabi nung character na masyado pa tayong mga bata noong high school, kaya hindi pa natin nakilala nang lubusan ang isa’t isa. Which made me think na, oo nga ano? Kaya siguro mas tumatak sa akin ang college at until now mas close ako sa college friends ko.

(Sidenote: Andami kong DDS at Marcos apologists na high school classmates, kaya lalo akong napalalayo at lumalayo sa marami sa kanila. :hahaha:)

Mas naging close ba kayo ng mga high school o college friends? Mas memorable? Mas maraming challenges?

3 Likes

I know a lot of people who’d prefer HS life to college life. But I share exactly the same thoughts and feels as yours.
I’m avoiding my HS friends (keeping very very few ones) and sticking closely with my college friends. And I must say, I was more myself during my college life, I was more free. HS life has more pretensions and trying to prove oneself. But anyway, we still have to be grateful about all those experiences - definitely taught us what we are and what we’re not.

2 Likes

College. I’ve built more meaningful friendships in my college years than in HS. I mean, i still have my old HS friends but other than that, wala na. Siguro dahil traumatic ang HS sa akin haha, ganun yata talaga kapag science high :embarasslaff:

3 Likes

Sabi ng kaibigan ko, ang college kasi, thats where you create networks that will help you in your professional life/career, yung talagang nakakatulong sa iyo. Yung sa highschool, nakakatulong din naman sila, pero mas nakakatulong yung college friends mo.

2 Likes

Ako din most of my HS friends DDS, so ako na din umiiwas kasi ang bastos nila makipag usap. Meron kaming FB group sa batch where we normally talk about our projects pero other than that, nawala na yung closeness. Feeling ko kung nag stay ako sa probinsya, I would marry early, at baka ganun din mentality ko. I keep in touch with my three best friends and a cousin, that’s it.

Sa college, I have been friends with the friends I made since 1994. Pero yung barkada ko since 95 naman, and we are still close to this day. :heart:

3 Likes

Same lang. Parehong HS barkada & college barkada, parehong mga kaibigan at mahahalaga pa rin sa akin hanggang ngayon.

May plus point lang sa college kasi ka-tropa rin si hubby. :joy: :sparkling_heart:

2 Likes

Magkaiba yung dynamics eh. Yung HS friends ko kasi some are even from gradeschool. So magkakababata din kami, magkakakilala pati magulang namin, buong pamilya. Iba yung kulit. Iba yung asaran; minsan walang finesse na nakakabwisit na din kasi wala kang maitatago :joy: pero i love them for that.

College, iba din. Mas matured na ng slight. Sila yung mostly kabatuhan ko ngayon sa industry, at sa mga mas seryosong bagay.

2 Likes

College din for me. Though to be fair, I never really had close high friends to begin with. Was too focused on academics then. Sobrang iba din ng school at house persona ko nun so I never really gave them the chance to know me. :joy:

Didn’t help na nag-UPD ako for college. Most of my high school friends went to Marawi/Iligan or Cebu. So I steadily drifted from them. I did have some good enough ties with high school friends until recently though. Kaya lang, halos lahat ng Surigao based high school friends ko ngayon ay DDS na so I had to cut them loose. Only have a handful I still consider friends.

College friends were a different story. Most of my closest friends now are from my time at Kalai and Yakal. I can be myself with these people. Also, I think iba lang seguro dynamic when you live with them for extended periods. Heh. The few friends I have na hindi from the dorm are my GE groupmates. All those fieldwork hours must’ve forged those bonds. Shared adversity. :rofl:

1 Like

College din for me. Though di madaling mag-survive sa UP, mas na-toxican ako nung HS kesa sa college. Taga-Science HS ako so may maintaining grades. I enjoyed my stay in UP. Nawala yung inferiority complex ko at natuto akong maging outspoken.

Ewan ko ba parang mas nahirapan ako nung high school. Saka wala din akong naging friends nun. Thank God kasi karamihan sa kanila ay DDS. :hahaha:

2 Likes

Oh, sa UP naman ako nagkaroon nito :laugh: Grad school na ako nakarecover from my inferiority complex.

Mahirap rin naman high school pero I don’t know why ang confident ko nun na magaling ako :laughing: First sem pa lang sa UP, nawala lahat ng angas ko kasi bumagsak ako ng Math 17. Hahuhu

Ito ata common sa karamihan sa atin :laugh: It would be so funny if it weren’t so sad too.

3 Likes

Yung inferiority complex ko nun ay dahil mayaman mga kaklase ko. Tapos nasa bottom 20 ako ng batch namin. Ewan ko ba siguro dahil di uso ang class ranking nun (top 10 ng klase) kasi matic na CS at US ka basta maabot mo yung average sa UP. :hahaha:

Ako nahihiya para sa mga kaklase ko nung HS. Maturingan mga graduate ng Ateneo, DLSU at universities sa ibang bansa pero DDS. Kakaloka! :woman_facepalming:

1 Like

I’m thankful for the privilege na my HS barkada went to UP din. Ang napansin ko lang na drawback ng ganito eh na-limit yung circle ko within my actual college/department. I have HS blockmates/batchmates in the same programme but very few outside that circle. One regret that I have is I didn’t take the effort of getting to know yung other batchmates ko from my undergrad course.

Medyo off-topic - pero may HS batchmate din kami na hardcore DDS

2 Likes

College friends. Iba yung usapan and life experiences you shared kaya yung transition to current life, smoother over high school friends. Weirdo daw ako nung high school so I only kept in touch with half my barkada.

1 Like