Dreams

Do you have weird dreams? Ano ang huling bagay na napanaginipan mo?

Do you dream in color? Or sepia?

Parang movie na nanonood ka lang? Or kasama ka sa eksena?

1 Like

When I was pregnant, I would dream in color -all lucid dreams, as in parang totoo lang lagi. Maybe due to hormones? But now, di nako nanaginip. Or baka hinde ko lang maalala?

Mas madalas ang dreams ko para akong nanonood ng sine, flashback style, medyo blurred. Tapos parang out of body experience, at nag-oobserve lang ako.

The few times na they would be in color at vivid, they end up being real.

Parang action movies dreams ko. Yung may mga sindikato na naghahabulan, barilan, parang eksena sa Ang probinsyano :lol: kaya akala ko talaga nung bata ako, magiging membro ako ng sindikato paglaki :embarasslaff: pero magigising ako na umiiyak :headscratch:

1 Like

Ever since, parang third person perspective ang panaginip ko. Observer din ako. Pero yung emotion ramdam ko.

Like yung panaginip ko just now, nasa tuktok daw ako ng isang malumot na limestone formation na pagkataas-taas overlooking a turquoise ocean. Tapos very little to no room for movement. konting galaw, pwede ako mahulog. Lulang-lula na ako at lakas na ng kaba ko. Confused ako how I got there and how to get out. Resolved na ako sa panaginip ko na magpapatihulog na lang ako and die. Tapos nagising ako na sobrang kabado. Kahit hanggang ngayon as I share this.

Awful feeling kapag dala mo paggising yung di magandang feeling from your dream. I hope you feel better soon!

2 Likes

Around 10-12 years ago, I used to have recurring dreams that leave me feeling anxious when I wake up:

  • seeing dark, apocalyptic clouds
  • realizing that our house is decaying

Buti na lang nag stop na. Maybe I’ve resolved whatever issue I had that time. Nowadays yung recurring dreams ko usually…

  • may nakasilip sa bintana ko na strangers (we live on the 12th floor) :amazed:
  • nadidiscover ko na ang laki pala ng space sa bahay namin that I never noticed before - and this makes me happy. Sobrang kabaliktran nung decaying house dreams before. I think of this as symbolic of opportunities, hindi ko pa lang ma-uncover in waking life kung ano yun.
1 Like

My dreams are wild. Full color, may amoy at lasa (if eating in the dream). May tactile sensation pa pag dreaming na nakakadikit or yumayakap sa ibang tao. I am both spectator and actor in my dreams… ive had dreams na parang detalyadong movie or an actual book na im reading.

1 Like

^ Same with @abbymaria, kita, ramdam, at amoy, lahat nasa panaginip!

Laging strange ang panaginip pag about papa though i don’t have those often. Siguro about 2-3x a year lang. Present- day lagi. The last one i had a few months ago was nag grocery daw kami sa Hitop in Proj. 4 (sa Quezon Ave kami lagi dati), eto malaki na ako (i was 11 when i last saw him), tapos sobrang chill lang niya sa grocery, kinakausap ako tas todo lagay ng kung anu-ano sa cart. Even in my dream nagtataka daw ako kasi bakit parang di siya informed na dedz na siya (nung 2004 pa). Di naman siya invisible sa ibang tao sa dream ko pero di ko rin siya madirecho itanong bakit kami nasa grocery o bakit nakakapag drive pa siya eh matagal na siyang wala. Di naman ako nalulungkot o natatakot pagising. Laging weird lang nung feeling kasi parang di talaga siya aware na he ain’t among the living anymore :crazy_face:

Sobrang weird ng panaginip ko kanina at pagod na pagod ako pagkagising.

Ipinakidnap daw ako ni Vina Morales. Weird. :headscratch:

1 Like

sorry, tumawa ako ng malakas sa Vina Morales at na-imagine ko syang kumakanta pa ng Pangako Sa’yo. :rotflmao:

onT: kadalasan ang panaginip ko ay tumatakbo ako (para may ma-onT).

2 Likes

Lumindol daw ng magnitude 8.3. Tapos nabiyak yung mga daan tapos may mga lumabas na dinosaurs.

May buhawi daw na dumaan sa bahay (pero more on neighborhood yung dating sakin ng “bahay”) tapos tinangay na yung katawan ko pero buti na lang at may humawak sa kamay ko. Hawak niya ako habang may buhawi. Pagkalipas ng buhawi inabutan niya ako ng Safeguard na pink para maghugas ng kamay kasi pandemic pa din. :wow:

1 Like