Childhood ambition

Anong pangarap mong trabaho nung bata ka?

Sa akin maging magtataho or construction worker (yung taga-sala ng buhangin at taga-halo ng semento na mukhang small volcano).

4 Likes

doctor. or maging si MacGyver

kids, google nyo na lang.hahaha.

5 Likes

Gusto kong maging piloto. :slight_smile:

1 Like

Maging doktor.

Maging si Ida sa Shaider.
(Kids, this is your 80s-born tita saying din na i-Google niyo na lang.)

7 Likes

Gusto ko nun maging sundalo. Mas gusto ko yung laruang baril nun kesa sa dolls. Sinuportahan naman ako ng parents ko. Puro panlalaki ang laruan ko nun. :smash:

Pinangarap ko maging Astronaut. :sweat_smile:

2 Likes

Gusto ko maging art director ng isang ad agency parang mommy ko.

Nung mas aware na ako sa work ng nanay ko and I worked with ad agencies in the production side, wag na.

1 Like

pangarap ko rin maging McGyver. :hahaha:

Well, pinangarap ko rin maging magical girl (e.g. SAILOR MOON fan girl ako, okay?) pero sige, hanggang ordinaryo lang talaga keri ko. :embarass:

1 Like

Maging ninja…

Maging bumbero o di kaya ay tiga-luto ng spaghetti :embarasslaff:

1 Like

:man_health_worker: Kinder
:man_scientist: Elementary school

May kilala ako gusto daw niya maging leader ng sindikato kasi mayaman daw :joy:

Journalist (dahill sa 5&up)
Boss na may office with a view sa isang mataas na building

Ang kapatid ko dati gusto maging janitor kasi palakad lakad at papunas punas lang daw.

1 Like

Presidente ng Pilipinas
Astronaut

Pangarap ko ring maging MacGyver :hahaha:

Siraniko pa nga tawag sa akin ng mga Tita ko kasi binubuksan ko mga laruan ko for parts ala MacGyver!

2 Likes

Pangarap ko nung una maging madre. Pero mabilis na nawala yun.

Tapos pianista. Kaso tinamad ako.

Tapos piloto - kasi piloto lolo ko. Kaso kelangan pala dun magaling sa Math. Eh ang hirap ng calculus :lol:

So BA na lang :hahaha:

1 Like

Maging Darna :rotflmao:

3 Likes

^pwede pa! :grin:

I wanted to be a farmer. As in gradeschool pa lang ako gusto ko mag aral sa UPLB dahil gusto ko mag agriculture. Yung kuya kasi ng classmate ko nag agri sa UPLB kaya nalaman ko yung course.
Kaso nung UPCAT, the Eileen Sarmenta case happened, so di ako pinayagan mag LB. I took the (what i thought) closest course in UPD.

2 Likes

Nung bata kami, ang pangarap ng younger sister ko ay maging tagatinda ng siopao. Kasi lagi raw busog :rofl:

5 Likes