Not sure really if this merits a separate thread. Let’s see
Anyone here who’s experiencing some level of anxiety because of being holed-up in your place the whole ECQ? How do you manage? Any tips and suggestions?
Na realize ko lang how I miss talking when I was lined up at Robinsons last week. Dinadaldal ko lahat ng katabi ko
Kuya Karl, naka mask naman kasi haha. After the ECQ di na nila ako maaalala
Edit: Alam ko na pala ginagawa ko. When I do food runs, I just drive paikot-ikot (Mindanao Ave to Congressional to Visayas Ave and back). Tapos I sing while driving. Ayun, medyo nakaka relieve Buti na lang mura gas.
+1 sa journaling na malalang very detailed. Para “nakalatag” ang thoughts at hindi ma-overwhelm.
I feel the same sense of melancholy and despair. Well. Depressive naman ako to begin with. I’ve always had this pervasive drowning-on-land feeling, only, now it makes sense because most of humanity is under water.
Sure, I feel recharged, being holed up, here. It’s the uncertainty that is getting to me. Not quite knowing what kind of reset timelines prevail for life, career plans.
I’ve been trying self-hypnosis to relax. And deep breathing (inhalation through the nose that rolls in the upper palate/throat; learned from doing Bikram before). Those help, too.
+1 din sa journaling. I do it with actual pen and paper. Therapeutic din na kailangan bagalan ang utak para makasunod ang kamay. At ibang release din yung mismong act ng pagsulat sa papel.
Pag feeling ko nasusuffocate na ko, lalabas ako sandali to breathe fresh air. Minsan sasakay lang sa kotse para lang mafeel ko na nasa “ibang lugar” naman ako.
Tapos sa gabi, magpapahangin ulit at papanoorin ang mga stars at ang moon.
Kanina, nagpickup ako ng medicine, imbes na dun sa pharmacy na malapit lang sa amin - sabi ko kay doc, dun sa pharmacy na naka-attach sa clinic niya ko na lang kunin ‘yung nireseta niyang gamot. Hindi na rin ako nag-avail ng delivery. So I drove to another part of the city para lang maiba yung scenery.
I remember doing drives (kahit medyo ma late sa office) nuon pag winter tapos may araw. Kasi di ba the sun daw affects your mood. Meron din ako nung ilaw sa bahay (parang itlog may pailaw )
On topic: I want to walk our dogs pero takot na may ma pick up silang germs.
Kating-kati na akong mag-dagat! [Insert: pangit na tantrum]
OnT: Dumudungaw ako sa bintana. I watch kites being flown, marami pag hapon. I just fixate on one. Ini-imagine ko ang nakikita ng kite. Mga batang madungis. Kariton na may mga gulay. Mga rider ng Lalamove o Grab. It’s a way to get distracted from the confinement, I guess.