Apps for Delivery Service

What’s your go-to delivery service app for food and non-food deliveries? Why?

image

My top 2 are Grab and Lalamove for non-food.

Okay naman si Grab Express kasi marami silang riders kaya ang bilis makabook usually than Lalamove, mas mahal lang sila in general ng P20-50. Malinis at presentable din usually manamit ang mga Grab motorcycle drivers. Medyo marami lang yung nagdadahilan this ECQ ng “Naputukan po ako ng gulong kaya hindi po ako makakapunta. Pakicancel na lang po.” (This got me once or twice lang, then when I noticed how often it happened and saw one driver who said “nagtutulak siya ng motor dahil naputukan ng gulong” but got from Fairview to Montalban by “walking” in 27 mins, I learned my lesson na. I politely tell them that if they can’t get to me for whatever reason, they should cancel the booking themselves.)

I’m QC-based and mostly Lalamove ang ginagamit ko for South deliveries of non-food items. Napansin ko lang though, mga Lalamove drivers na nakamotor sometimes medyo dugyot, I dunno why. Though very reliable sila for big packages. Mahilig lang magpadagdag and they’re not afraid to ask.:hihi:

This ECQ, I use Angkas for Rizal deliveries. For some reason, ang dali makakuha ng Angkas drivers for packages going there.

For food deliveries, I used to love Grab Food but since nakita ko na ang laki ng patong nila sa menu price (Hanako price via Grab Food was jacked up to 30% than the menu price) + delivery fee pa + I give tip usually sa driver, I tend to order direct with the restos as much as possible. Though these days, mas nagluluto kami than deliveries, unless hindi na kaya ang cravings. Hihi!

Last na lang, pansin ninyo ba na hindi mahilig magdoorbell ang mga delivery boys? They’ll just text or call to say, “Nandito na po ako.” This is even though kaharap lang nila yung doorbell when they see the huge house number namin.:nye:

2 Likes

I think yung Lalamove kasi mas pang-harabas/other items, vs. Grab na mas concentrated sa food. I also see Grab riders waiting for bookings near restos, so they have a bit of rest and can prettify a bit :lol:

Feeling ko lang kung ako rin nag d drive buong araw with this heat, baka dugyot na rin ako :lol: (naalala ko classmate ko pag nag e enlist dati, circa 90’s: I need to go home muna, so amoy araw na :stuck_out_tongue_closed_eyes:)

2 Likes

:laugh: Troot! Andami nga nila near restos, lalo na sa mga milk tea shops.

Ang sosyal ng classmate mo, Ate @Arwen! Grabehan naman kasi pag enlistment talaga. :hahaha:

OnT, natry ko si Mr Speedy and ang ayos din ng driver nila at motorcycle. Baka dahil bago pa lang sila. Maganda rin system nila kasi may ETA updates going to the recipient once mapick up na from the sender.

3 Likes

Grab. sayang ang points. haha. Mas gamay ko na kasi. Kahit mas mahal ng slight ang charges, ok na din kase reliable naman so far.

Food panda, ilang beses na uminit ulo ko sa service nila. either namuti mata ko sa kaka intay (dahil hindi pala naforward ang order ko!) or ibang pagkain ang dineliver sa akin (i ordered for yellowcab, Max’s ang dumating na same ng order ko some two months ago). i deleted the app na kase di ako masaya.

Lalamove - for deliveries na kailangan ng muscle power :sweat_smile:

Lalafood - naguguluhan ako so hindi na lang din

2 Likes

True. Pero naisip ko, baka hassle lang for them to dismount from motorcyle, off/on engine, put out stand… or baka para makapahinga rin sila while waiting ng nakupo sa motor hehe :dunno:

For packages, I go with Lalamove out of habit. Lagi ko kasi siya ginagamit before, dahil nag-uubos ako ng wallet load. Minimum nila dati was 3000, buti ngayon may 300 na sila.

For food, Grab naman.

2 Likes

Batang Ayala Heights kasi eh - likod lang ng CBA :slight_smile:

On topic: Shopee I think uses a lot of TJ (tama ba?) which is only P45/trip. Imagine that!

2 Likes

Nakakainis magpadeliver ng food kapag angkas. Parang “kuya di po ba sinabi sa inyo na pagkain laman nyan?” Either nahulog or natalembwang, or sinuksok lang bigla sa backpack.

Grab food kasi subok na, grab delivery or lalamove kapag non-food.

1 Like