Saang Library Kayo Tumatambay

Main Lib, I forgot what area that was yung to the left pagpasok mo ng main gate and the one na bababa ka ng isang set of stairs also on the left side?

AS Lib kasi malamig
Triple E lib, underground, pinaka sosyal na lib na napuntahan ko

Eduk Lib also, andaming resources

CEAT library. Masyado malayo yung Main Lib.

Halos lahat ng punta ko sa lib non para lang matulog, puwera nung kailangan nang igapang yung thesis! :stuck_out_tongue_winking_eye:
Third World- malamig haha saka wala masyado tao
CSWCD- sakto kasi pag majejebs ka rin wala masyado gumagamit ng banyo
CHE- lagi ako nabe-bellan nung librarian kasi madaldal kami ng mga kasama ko :sweat_smile:
Econ & GT Toyota- sarap magtago at matulog

Love your own kaya sa 2nd floor ako ng UP School of Econ library ako nag-stay. Ang refreshing lang kasi may maluwag ang mga tables, malamig ang aircon, maayos ang CR tapos may view pa ng mga puno sa sunken garden.

Kung gusto mo mapag-isa eh merong mga individual study table sa may gilid-gilid ng library na reserved for graduate students pero madalas naman eh hindi nila ginagamit so pwede mong gamiting tulugan para di ka kita ng lahat. Hahaha

2 Likes

Main Lib, CMC Lib

Yung Third World library ate mims?

1 Like

Dahil malaki yung UPZS Owl’s Nest tambayan, may sarili kaming library at may Libcom pati.

Sa Eng’g Lib pag nasa Eng’g.

I like yun basement ng Main Lib. Kasi, favorite kong basahin yun compilation nila ng mga magazines and that’s where I do my journalling :writing_hand: nung time na nasa UP Diliman ako…

… Shempre Mass Comm lib. Taga-doon ako eh. Pero andami palaging tao. kinailangan din nung nag-thesis ako for Broad Comm.
… One time while writing a research paper, natambay din ako sa library ng Fine Arts.
… since galing din ako ng UP Manila, natambay din ako sa AS library dun. Which is more like the place to be/ meeting place so ang nangyayari I end up makipagkwentuhan tapos mayayaya ka na tumambay kaysa mag-aral. :biglaugh:

CMC - AV Library. Nood nood or makinig ng mga CDs. Tapos pupuslit ng tulog lol.
Main Lib - Archives saka Filipiniana

The best ang Third World Lib! Ok tumambay dito kapag sobrang init na sa AS. Ok rin magaral since di rin naman din siya sobrang napupuno ng tao.