Matagal ata talaga sa Watsons, sabi rin ni @slaine.
Oo mahalia sa minimart, pero sila lang may spam (na sold out na ata ngayon ) kaya pinatos ko rin.
Yung Puregold app, nag offline sila for a few days to complete pending orders. When they came back naka-order ako and naprocess after 3 days yung order ko. Madaming out of stock though, but they update you naman. Can be settled by credit card or gcash, tapos pickup by grab or lalamove.
Luckily 'yung marami kaming stock eh Spam kasi bago mag-lockdown may umuwi kaming balikbayan
Update, dumating naman complete 'yung Minimart order ko. Mabilis din sila, ayun nga lang ang mahal. Panay RAM din ang brand na meron sila haha!
Nagpapasalamat ako sa kalawakan kasi may mobile palengke nang dumadaan sa bahay namin. Doon na kami bumibili ng prutas, gulay and eggs. For the rest, nagtitingiin pa ako ng bibilhan na iba bukod sa Minimart. Apparently resume operations na ang Lazada sa Fairview haha.
Na-try niyo na ba 'yung The Feta? Medyo natakot lang ako na repackaged 'yung marami sa items. And natatawa ako sa butter kasi kailangan 2.5kgs yung bibilhin mo. Di puwedeng mas kaunti. Ang dami nun, pang-stress baking! Kahit 'yung patatas nila, 2kgs per order.
Na-try ko yung Feta, minimum order nila is 2500, pero same day or next day so pwede sa mga kailangan na talagang items. I got from them eggs (na mahal at maliit pa), rice (na hindi masarap), and milk – ito talaga yung gusto ko lang orderin pero kasi nga min 2500 eh.
Napa 2nd order ako sa kanila kasi naubusan kami ng sibuyas tapos needed sila asap kaya yun naman kasama ng sangkaterbang milk ang inorder ko from them haha.
For butter, I got it from grocery.thesixpackchef.ph mahalia nga rin compared sa usual butter sa grocery. Isang recommendation na nakuha ko is to try to get butter from WonderBake or All About Baking pero di ko na muna sinubukan.
Though we do physical grocery shopping now, we still mostly buy online pa din. Puregold and Metromart mas manageable na ang leadtime. Ang hassle lang hindi nila iisaisahin alin ang hindi available. So minsan nalilito ako ano na pala ang wala ako sa pantry.
Anyway, nagkasuki na din ako sa Farmer’s market delivery. Supposedly seafoods lang tinda nila pero pumapayag sila na makisabay ng meat, veggies and fruits. I order the night before, the following morning ang delivery. COD. Very convenient. So far, wala pang palpak na quality.
Suki ako sa sessiongroceries - veggies and meat stuff
I tried metromart last weekend, ok naman, nainis lang ako kasi yung tinapay na kinuha eh yung mag expire na in 2 days haha.