Watching Memories of the Alhambra starring Park Shin Hye and Hyun Bin. Si Baby Chanyeol lang gusto ko sana panoorin since infatuated aki sa kanya for a month now, pero maganda rin yung series itself. Taas din ng ratings at ganda ng SFX.
thank you sa heads up! di ako natuloy manood last thur ng ep 10. naunahan ako ng takot sa dagis kaya nagantay ulit ako ng kasamang manonood ![]()
waahh naisip ko nga na baka maging dragging na ang mga susunod na eps pero sana wag sayang e, gandang ganda ako sa simula!
@bambeeeeta marami ba silang kilig moments nung weekend? diko na rin maantay na magkaaminan sila weeehhhh
isa pa yang Vincenzo na hahabulin ko this week.
final cast of Money Heist Korea according to Netflix:
Yoo Ji Tae - Professor
Park Hae Soo - Berlin
Jeon Jong Seo - Tokyo
Lee Won Jong - Moscow
Kim Ji Hoon - Denver
Jang Yoon Joo - Nairobi
Park Jung Woo - Rio
Kim Ji Hoon (1979) - Helsinki
Lee Kyu Ho - Oslo
Park Myung Hoon - Arturo
Lee Joo Bin - Monica
Kim Yun Jin - Raquel
Park Myung Hoon - Angel or Suarez (di ko sure sino siya dun hehe)
Excited na ulit sa Mouse !!
Si Helsinki kamukha 
^ kapatid bumawi nga sa ep10 pero distracting talaga ang mga dagis! kahit na baka CGI lang sila diko pa rin kayang panoorin ![]()
at sana ok pa rin ang episodes ngayong week.
sa May 13 na pala ang 57th Baeksang Awards at sa Apr 12 ang announcement ng nominees. ![]()
next week na rin (14/04) ang premiere ng Law School starring Kim Bum, Ryu Hye Young (si ateng Bora) and Kim Myung Min. happy ako na meron siya sa Netflix!
Law School “sounds” a bit like Skycastle. Same ba ang producers nila?
different prod ata unnie pero sana ok din siya tulad ng SC.
Happy 4th Anniversary to my favourite hidden masterpiece, CHICAGO TYPEWRITER!!! 
you will always hold a special place in my heart. 


my most fave drama trio 





Excited sa Baeksang!!!
Sino mga pambato nyo?
Basta OJS sa OTNBO and KSH sa SU 
Paano yung eps ng Mouse
Ep 11 nga lang pala meron huhu, sa mejo off na yung next eps like Ep 12-13, tapos finale Ep20 e Wed?
lahat ng shows nung Wednesday waley gawa ng by-elections coverage.
malamang ganun nga ang mangyayari unless magkaron ulit ng special ep para mas maayos ang flow until finale. kamusta pala ep 11 sayo?
postponed din ang episodes ng Vincenzo next week pero may ilalabas silang special eklavu sa 16 Apr. baka may delay sa filming schedules. yun naman usually ang dahilan kapag nagbebreak e lalo na at di siya pre-produced at sankatutak ang CGIs.
same tayo ng major pambato kapatid syempre
Kim Seon Ho - SU
Oh Jung Se - IOTNBO - sure na nomination nito sa Best Supporting Actor pero parang mas deserve niya mapunta sa Best Actor category hehe.
eto pa ilang bet ko rin:
Lee Do Hyun - 18 Again
Lee Joon Gi - FOE
Namgoong Min - Awaken
Kim Jung Hyun - Mr Queen
Shin Hye Sun - Mr Queen
sana manominate ang cast/prod ng The Uncanny Counter pati ng Run On at gusto ko rin makapasok si Shin Ha Kyun ng Beyond Evil na matatapos na this week. dramas from 01 May 2020 to 11 Apr 2021 naman daw kaya sana pwede siya.
nagalingan ako sa kanya kahit 4 eps palang natapos ko hehe. actually gusto ko tong BE kaso di kaya ng brain cells ko pagsabayin sila ng Mouse ![]()
edit: Law School’s official netflix trailer
lakas maka How to Get Away with Murder
at andito yung assistant ni Han Ji Pyeong ![]()
Subrang nagugulumihanan ako sa Ep 11 haha pero I still like it, gusto ko na malaman ang tunay na nangyayari!
Wow mukhang aabangan ko yang Law School, lakas nga maka-HTGAWM! Great to see again Sun bo-ra, and then yung financial bestie ni Park Saeroyi, and yung asst nga ni HJP 
Mukhang malakas nga lavan ni LDH 18 Again, sabi mg SO ko na gandang-ganda sa show, naunahan pako haha
Si Mr. Queen actor naman ang nasa spotlight now sa attitude issues haruuu jusko
Yes to Uncanny Counter!
Edit: Vincenzo Ep 16, next to the pilot, this is the best ep!!!
ang solid ng episode na to! at ang galing nila umarte.
to bebeboi Lee Do Hyun! 

wish ko na ikaw ang maguwi ng Best New Actor award sa Baeksang next month!


@aero naku habulin mo na si SO haha. maganda at magaan siya pramis!
nagulumihanan din ako sa ep 11 haha. pati notes ko ang gulo gulo na hahaha.
edit: waah! ETO NAAA!!!
57th Baeksang Arts Awards list of nominees for TV and Film categories




pasok pala ang Vincenzo at Mouse kala ko dapat tapos by 11 Apr! yay nakapasok si SJK! and of course Lee Hee Joon!!!
matindi ang labanan para sa Best Supporting Actor!


super happy for Kim Seon Ho’s Baeksang nomination!!! expected ko naman na pero iba pa rin yung feeling na makita yung name niya sa list. i’m very proud of him!!!
para sa Best Actor (Film) mahusay si Byun Yo Han sa TBOF, pero tingin ko si my precious jows Yoo Ah In na sobrang galing sa VOS ang maguuwi ng Best Actor (Film) award.
napadaan din!
Team JP!!!
ang galing!!
Rooting for IOTNBO and cast na masweep ang awards pero torn sa Best Supporting Actor 
Nabigla ako sa agarang nominasyon ni Signore Cassano
pero ang husay nya sa episode 16 
Now watching Hospital Playlist ang ganda kasi ni Jeon Mi-do
girl crush.
^ love that episode! ang galing nga ni SJK dun! ![]()
gulat din ako na pwede pala ang ongoing dramas.
girl crush ko rin yan!!! at may good news ako sayo! baka magkasama sila ni SYJ sa new drama ng JTBC na tungkol sa love and life of three friends who are in their 40s. Thirty Nine ang working title. role ni SYJ ay 39 y/o actress and si Mido 39 y/o acting teacher naman. ![]()
re Baeksang: bet ko ang Extracurricular bilang Best Drama pero mukang mapapalitan ng Beyond Evil soon. diko pa kasi tapos pero episode 7 nako at super gandaaa niya! sana matapos ko bago mag Baeksang! pwede ring maging surprise winner ang My Unfamiliar Family na gusto ko rin haha! halos lahat sila ok haha pero dun ako sa underdog.
for Best Actor, Shin Ha Kyun pa rin! number 2 ko si Lee Joon Gi. Best Actress ko si SHS for Mr Queen!
at sana ibigay ang Daesang kay Oh Jung Se para magkaron ng mas malaking chance si KSH and LHJ sa Best Supporting Actor hehe.
baka parang Lee Sung Min (Misaeng) lang nung 2015 Baeksang. ![]()
nalipat na pala kay Seo YJ ang spotlight gawa ng recent controversies (manipulation, academic background, bullying, swindling etc) niya! kakaloka ang articles na naglabasan.
edit: done with Seobok!
husay ni oppa GY and ni PBG! ![]()
![]()
ang softie ni Seobok gusto ko iuwi!!! at naalala ko si Taek sa kanya dito hehe
(upload://6XEivJJiAyRyfH2iMRUIQlo60xu.jpeg)
edit: watching Vincenzo’s finale episode. omg bakit ganire writer-nim?!?
hindi ako handa huhu. lingkot galore na naman sa mga susunod na araw ![]()
hindi ako masyado na
sa ending ng Vincenzo. Parang biglang naging Pinoy serye 
Best sa shock factor yung episode 16.
Oh well, hanap na ulit ng mapapanood na iba.
^ Ang sweet ng message kay KSH ha! Hahahahaha. Ang pogi niya talaga! 


Anyways, after Vincenzo eh Youth of May na pinapanood ko. Gusto ko talaga si Go Min Si. Hehe. Ship ko sila ni Song Kang sa Sweet Home. Pero sa Youth of May, may chemistry din pala sila ni LDH na brother naman niya sa Sweet Home! Lol
Nabuhay to say, now watching Baeksang Awards!!!
Magbabackread ako later hahahaha
Andami ganap!!! But my highlights:
-Congrats Oh Jung Se and ahjumma Kim Sunyoung back to back Best Supporting Actor and Actress of 2020 and 2021 ha! Sila sila lang talaga e no hahaha When The Camellia Blooms reunion silang 3 ni Hyeran sa stage
-And ahjumma Hyeran of Uncanny Counter, Supporting Actress deserve!!! Namiss ko tuloy si Byung-gu 
-Pareho sila ni Seo Ye Ji affected ng bullying scandal hay
-Congrats Lee Seung Gi, di na na nisnub ng Baeksang this time 
-Cuteness overload sina Kang Ha Neul and Dr. Ji, di ako makagetover ampogi ni KHN tonite! 
-Congrats pa rin sa Tiktok Popularity Kim Seon Ho, next time acting award na iyan hehe
-Well done pa rin naman Kim Soo Hyun and Song Joong Ki. Ang paiyak ni KSH for OJS, kakatouch.
-Naiintriga na talaga ako sa Beyond Evil!!! And Penthouse
-Tapusin ko na rin 18 Again bilang nanalo na nga po si Lee Do Hyun
-Nanalo rin pala si Oh Bong Yi of Mouse pero for Extracurricular, supportive sina Moochi and LSG baReum syempre. Congrats pa rin Moochi!
-Running Man reunion ni SJK and Daesang winner Jaesuk
-Gusto ko na rin mapanood si Yoo Ah In bilang nagBest film Actor sya, so baka magstart ako sa Chicago Typewriter
-Nanalo rin pala effects ng Space Sweeper, diko pa napanood
-Nanalo rin The Call, mahusay nga yun si girl
-No Jung Hae In tonight, pero marami sya entries in 2022, I’m claiming it!! And si PSJ baka lang magtampo lol
Sana next year wala na Covid, wala na masks, sayang ang mga kapogian!
Tiningnan ko na lang results ng Baeksang Awards. Naintriga ako sa mga humakot ng awards kasi rooting pa ako for IOTNBO hahahaha, sayang si KSH at SYJ
Edit to add: Episode 3 na ako sa Vincenzo pero nauumay na ako sa characters lalo na si female lead at mga extra. Kalerki.
Ep4 na ako ng Beyond Evil. Maganda nga!
18Again ako ngayon. Akalain mong kinikilig ako kay LDH at kay Kim Ha-neul! Hahahahaha!!!
congratulations sa lahat ng winners sa 57th Baeksang Arts Awards! halos tama predictions natin hehe! Beyond Evil - Best Drama, Best Screenplay at Best Actor! i hope marami pang makanood nito dahil maganda talaga. bandang umpisa palang alam ko ng malaki laban ni Shin Ha Kyun as Best Actor. ginalit, tinakot, pinakaba, pinagalala, pinaisip, pinalungkot, pinagigil, pinaiyak, pinaluha, pinangiti, pinaantig etc ako ni SHK dito. sulit na tinapos kahit kagulo pa utak ko sa Mouse. 
sa Best Actress kala ko talaga si Hye Sun mananalo. pero deserving naman si Kim So Yeon based sa clips na napanood ko. diko pa ulit nabalikan Penthouse. tinigil ko after 2 episodes nun at masyado ko nabigatan. to the highest level makjang kasi.
happy ako nanalo The Uncanny Counter. i love Yeom Hye Ran and of course ang pambansang ahjumma Kim Sun Young congrats din sa back to back panalo! 


nakakatuwa rin makitang manalo pareho si my precious Yoo Ah In (Best Actor Film - Ouce of Silence) at Jeon Jong Seo (Best Actress Film - The Call). check ninyo sila sa Burning. husay nila pareho dun.
2nd Baeksang Best Actor for YAI. next time Daesang (Grand Prize) na yan! at feeling ko marami pa syang hahakuting awards this year for VOS. 
aliw yung si Oh Jung Se nagpresent ng award sa sarili niya hehe. i love him too! well-deserved award!
naiyak ako sa speech niya at sa kanila ni Soo Hyun
pati sa speech ni Yoo Ah In at Seonho. teary-eyed din ako nung kay LDH, Shin Ha Kyun at Yoo Jae Suk. kay LSG finally may Baeksang na hehe.
iba yung meaning ng panalo ni Seonho ng Popularity Award sakin bilang fan. sulit lahat ng pagod, puyat, pagstrategise, brainstorming sessions with peeps na karamihan nasa kabilang ibayo ng mundo, pagsakit ng kamay at mga daliri kapipindot dahil ansagwa ng system ng tiktok, pagbribe sa fam, friends, kapitbahay at co-workers para magtiktok at bumoto for 8 days, etc. ramdam mo rin yung sincerity at pasasalamat sa speech at interview niya nun. Good Boy talaga. 


@bambeeta -hahaha galing din kasi talaga umarte ni Lee Do Hyun ano? at kinikilig ako sa kanila ni Min Si sa YOM! jusko ang husay magdala ng retro outfit ni bebeboi! 
at ang cutie niya at aliw na aliw ako sa kanya nung Baeksang! mula nung red carpet, namali ng lakad papunta stage
, acceptance speech niya na pati si puppy di niya nakalimutan banggitin hanggang sa performace nya sa special stage!
tumatak sakin yung interview niya dati about his family. dream niya dumating yung time na siya na lang ang kailangan magwork para sa kanila. yung mom nya na nagdedeliver pa rin ng newspapers nung mga panahon na yun tinanong niya bat di pa nagstop e nagwowork naman na siya. sabi ni mama lee kasi may debt pa raw sila.
super love niya rin yung disabled brother niya. and yung doggy niya. i’m really rooting for him to be more successful at super duper rich.
he reminds me so much of Kang Haneul (OG good boy/moving story vending machine na MIA sa red carpet at super dorky nung nagpresent ng award pero very dashing in black) and Kim Seonho (nation’s good boy na equally handsome at very polite - the way he bowed 90 degrees ng ilang beses. siya lang nakita ko sa red carpet at stage na consistent sa ganun PERO muntik na niyang mawasak yung trophy niya at inaantok na ata
). wish ko magkasama yung tatlo sa isang project. 


bigla kong namarathon yung Move to Heaven kagabi. grabe ang ganda! sulit silipin. ihanda nga lang ang maraming tissue at water. mugto mata ko paggising. mahusay si Tang Joon Sang at Lee Je Hoon.
mukang hahakot ng awards si oppa LJH na superlike ko rin sa Taxi Driver this year and/or next year.
Law School maganda rin! may puppy crush ako kay Yongcrates 



