ganda so far ng Vincenzo! jusme, ang pretty boy! anuba! 
@quarantined unnieee, diko na maantay ang ating ultimate oppa! jusmio kita mo kung makatitig o
hahaha! bet na bet ko rin yan!!! more to come please!!!
excited nako sa ep5!!!
superlike ko rin yung scenes sa Italia. ang lupet ng cinematography! iba talaga si Studio Dragon.
nagstart na rin ang Mouse ni LSG kanina. nagandahan ako sa trailer nun kaya inantay ko rin. sana masilip ko ngayong week. ang dami pa nakapila waah, diko alam ano unahin.
pero teka nakakaloka bullying scandals/issues ng idols at actors recently. sunod-sunod! today yung kay Ji Soo naman.
kakastart ko palang ng River Where the Moon Rises at ok naman sya so far pero baka macancel na.
Tinanggal na daw si Ji Soo. Huwaw grabe kasi bullying and sexual assault. Yikes
Doctor Stranger ako now saka Vincenzo
^ oo nga raw. inamin at nagapologise sa bullying pero fake news daw yung sexual assault sabi ng agency nya. napapakanta tuloy ako ng take a bow ni rihanna. tsk.
papalit sa kanya si Na In Woo na magaling din sa Mr Queen. sana pumatok pa rin.
katapos ko lang ng Vincenzo ep5. pasabog na naman ang final scene!
si cutie Taecyeon as Joon Woo may paganito rin. ayayay 

at ibang level talaga ang visuals ni SJK as Vincenzo Cassano!!! siksik, liglig, apaw bawat episode! 




Napanood ko na trailer ng Encounter Pinoy Version, maayos naman! Makes me wanna watch the orig version!!! 
Vincenzo na ulit tom 
Watching Vincenzo! Episode 3 na ako. Ang ganda nga! Okay naman sa akin si Cha-young. Nagbabasa kasi ako sa FB ng mga comments tapos yung mga tao kumpara nang kumpara kay Cha-young kay SHK. Kainis. Lol
Na-spoil naman ako ng Twitter sa Love Alarm 2!
Mejo off din sakin si Cha-young kasi parang mas kilala ko sya as kontrabida hahaha
(pero upon checking, hindi ata sya yun?
) pero nothing about comparing vs SHK
Edit: So all along i thought sya yung nasa WYWS and SITR
first time ko lang pala sya napanood 
nood na hahaha! matagal tagal pa natin makikita ulit si Bogummy. yung movie nya with oppa GY nadelay ulit ![]()
at yessss excited na sa episode 7!!! medyo di ko pa rin gaano type si ateng Cha Young pero tingnan natin sa susunod na episodes hehe. gustung gusto ko yung pareveal ng series kay Joon Woo as villain. husay din ni Taecyeon e!
napanood ko first 2 episodes ng Mouse at bet ko rin sya except dun sa mga pakita ng totoong dagaaaa kasi sobrang takot talaga ako sa mga ganun kahit dun sa white!!! at andun na naman si Pilgu. husay!!!
at para sa mga nakakamiss sa Hospital Playlist gang tulad ko, skl HP’s Wise Camping Life.
super aliw panoorin habang abangers sa Season 2. pinanood ko na rin yung latest episode (ep1 part 3) kahit wala pang sub. dami ko pa ring tawa kahit diko gets mga sinasabi nila haha. ![]()
edit: watching Vincenzo ep 7. wala pako sa kalahati pero super busog na agad sa pasabog at visuals! thank you SJK ![]()
eto pa ![]()
Nasa Vincenzo Ep 8 yung isa sa faves ko sa Prison Playbook omg
Laftrip eksena nya with Chayoung sa ospital 
Prelude lang pala yung hospital scene to a much more exciting plot 
^ natuwa rin ako sa kanya sa Arthdal Chronicles. dun ata sila naging close ni Joong Ki. kulit ng episode 8! pati yung reference sa Space Sweepers aliw! type na type ko rin yung pascarf at hairstyle ni SJK!!! 

katatapos ko lang ng episode 4 ng Mouse! goosebumps sa ending scene!
nakakaloka!!! pero nakakatuwa andun ulit yung Filipina na nagcameo sa RDTK 2. can’t wait for episode 5!
3 new dramas na mukhang ok ang mag-start next week.
22 Mar - Navillera (Song Kang) at Joseon Exorcist (Jang Dong Yoon)
24 Mar - Oh My Ladylord (Lee Min Ki, Nana) - excited ako mapanood ulit si LMK!

HAHAHA super gigil ako sa ep 8 talaga 
sana may mga ganun ulit sa next episode hehe!
skl dahil tawang tawa ako!!! ![]()
spoiler alert ![]()
![]()
![]()
Vincenzo episode 7-8 bts
Ansaya ng Vincenzo! Galing ni Minseong!
Nung una ayoko kay Cha Young, pero ngayon keri na. She can get away with the comedy and drama 
^ kyut kyut niya sana lumabas sya ulit! excited na sa episode 9 ngayong weekend!
katatapos ko lang ng Mouse episode 5! sobrang nakakaloka jusme! lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at grabe ang iniyak ko rito!
incredible acting by LEE HEE JOON!!!


DAEBAK!!!
di kailangan ng sub para makarelate at magets ko ang nararamdaman nya! damang dama ko juskopo!!! 
he carried the whole episode!!! no wonder sobrang gusto ni LSG na makatrabaho siya. sabi nya nun he won’t accept the drama if LHJ will not play the role of Moo Chi. ang galing galing naman kasi talaga! he deserves an award for this episode alone. Daesang levels!

sayang at wala sya sa Netflix pero kung pwede ninyo masilip sa Viki, Viu or san man, please gora na!!! kahit bothered pa rin ako sa mga eksenang pa-daga, highly recommended mga kapatid! sulit sa oras, ang husay! kung magpapatuloy siya na ganito ka-ok, feeling ko malalagay ito sa Top 10 or even 5 ko.
skl din nagcameo si Lee Hee Joon sa Vincenzo. siya yung isa pang robber na kasama nung taxi driver sa episode 1.
@aero kapatid feeling ko super magugustuhan
mo si Mouse!!! di lang dahil LSG fans tayo ha pero sobrang husay talaga nung plot at buong cast. para sakin 9-10/10 eps 1-4 pero etong ep 5 11.5/10
yes may .5 talaga!
WAW NAEXCITE AKO!!! Kahit nagagandahan ako sa Vincenzo, hindi sya wow na wow for me, kaya gusto ko yung ganitong pagwawala mo kapatid hahahahaha saan ba to mapapanood
hahaha! kawala wala talaga siya at mapapa WAW ka talaga kapatid!!! 
yung episode 5 naku para kang nanood ng movie from start to finish! 10/10 dapat yung nakaraang episodes kung di lang sa mga eksenang daga haha! ayoko talaga sila! excited na sa episode 6 mamaya!
meron siya sa Viki (Standard Pass) at Viu (Premium). naiinis lang ako minsan sa kanila kasi ambagal magupload ng sub. kaya pinapanood ko na yun live stream pag nadadale ako ng mahinang EQ
mas mabilis pa rin talaga ang Netflix.
meron din naman sa libre (aka KA o DC). minsan nauuna pa sila magrelease ng subbed version kesa Viki/Viu haha. at sa totoo lang mas bet ko ang fan subs kasi mas complete at accurate. pero syempre mas convenient yung may bayad.
hello!!
Wala pa akong napanood after Prison Playbook (na minarathon ko last week ng Feb pa hehe).
Pero dahil sa mga nabasa ko na comments nyo sa Vincenzo, i’ll
start watching tonight 
Recommended din ng friend ko ang Do You Like Brahms. Maybe after V.
^ paupdate kami re DYLB ha hehe. di ko pa sya nasisilip pero like ko si Kim Min Jae. 
at sa mga ka-Team Goodboy natin dyan,
mamaya na to!!! @giallotine @woundedsoul @aero @bambeeeeta @Foot_Fetish join na sa Kmmunity haha! exclusive sa PH viewers lang
enjoy sa mga makakadate si Seon Ho later! 

Since my last post, tinapos ko na ang Uncanny Counter, Mr. Queen, 18 Again, True Beauty at I wanna Hear your Song. Ang ganda nila, affected ako. Type na type ko si Yeon Woo Jin - ok lang sa akin kahit di sya masyadong sikat kaya solong solo ko sya.
At madami ring cutie pie sa Uncanny Counter ha, di ko expected.
Grabe ang Hot ni Hong Nae don, hottest kontra bida ever. Byeong In din from Mr. Queen, sarap iuwi. Lol.
Pinapakinggan ko mga compilation ng Kdrama OST. Ganda pala nung All For You, Reply 1997 OST. Seo In Guk from the Shopaholic Louis, grabe ang pogi ng boses, nakakabakla. Lalo na pag live sya kumanta… Esp. sa mataas na part. Trip ko tuloy imarathon ang Reply 1997.
Pag matatapos na ang Vincenzo, Mouse at River where the Moon Rises imanarathon ko sya para sabay sa Finale. Hotness ni Na In Woo. Happy ako na ang Favorite Boytoy ko si Song Kang for yung Navillera at Love Alarm. At dahil Ballerina role nya sa Navillera, feet galore yan foe sure!!! Jung Ga Ram is so hot sa suits nya sa Love Alarm at sa mga Swoonies games nila sa Netflix. Sya din ang ultimate Zombie Oppa dun sa highly acclaimed na Zombie for Sale na movie.

Grabe hirap ng beginners dito sa Peyups, ilang buwan bago ako makareply uli.
aww may restrictions ba? kuya @markku baka pwede idulog sa iyo to?
skl gumising ako ng maaga at umaasang makakagawa ng paraan para makajoin sa exclusive Globe fan meet ni Seon Ho. nawa’y mag work huhu. kung hindi edi nood nalang ng Vincenzo! ![]()




