Anong food ang ayaw mo pero gusto ng karamihan?

+1 sa matcha flavored anything parang lasang kahoy or ugat

Matcha yes!

Yung boba or oversweet milktea. Why?

Nagaraya

Sinigang. Nilaga. Adobo. Walang pagmamahal sa preparation kaya di ko makain. Nung bata ako, kapag nagmamadali sa kung ano ang mauulam, yang tatlong yan ang palasak. Kaya feel ko, walang pagmamahal sa preparation.

Natatawa ko sa walang pagmamahal kasi yan din ang go to ulam ko pag nagmamadali o tinatamad. So baka isipin din ng anak ko ang iniisip mo? :grin:

OnT: Milk tea in general. Di naman sa ayaw as in AYAW, pero i will not go out of my way to have one. At tatanggi din ako kahit libre :embarasslaff: kung wala ako sa mood.

Oysters - this will kill me
Orange Marmalade
Tilapya - kahit anong luto. Nalalansahan ako.

Feel ko naman mahal tayo ng magulang natin kahit gaano sila ka-busy. :embarasslaff:

I was just saying na :rotfl: sawang-sawa na ako sa sinigang, adobo, at nilaga. So when I learned how to cook and prepare my own meals, hindi na ako nagluluto nyan. Though, I must admit kumakain naman ako nyan kapag walang choice. Also, I learned how to make them more delicious with better preparation. Yun nga lang, ayaw ko sila pero gusto ng karamihan.

Believe me, ma-appreciate yan ng anak mo but also prepare other choices. :tama:

1 Like

Pareho kayo ng tatay ko. Pero siya galit na galit kapag tilapya ang ulam. Bakit daw mga taga luzon ang hilig sa tilapya eh ang dumi dumi :lol:

Longanisa. Ito ang food nung bata ako na kapag ito ang ulam, feeling ko di kami mahal ng parents namin. Nung tumanda na lang ako saka ko ito medyo na appreciate pero kung may choice naman, hindi ko ito kinakain.

Shawarma, kebab and anything Persian WITH CHEESE…:face_vomiting:

I put a curse on the person who decided that putting cheese makes shawarmas and kebabs more appetizing…

3 Likes

Di ko rin feel ang longganisa kasi pag dumidighay naaamoy ko :nauseated_face: tsaka nalalansahan ako. Kung kakain ako nito dapat skinless tsaka walang taba.

1 Like

Sibuyas
Langka
Bayabas :erm: :disappointed:

2 Likes

I can’t take sinigang sa bayabas :pukeface:

2 Likes

^ omg same. @MNiK Saka yung sinigang na may labanos

1 Like

^ Ay ano ba yan @ninibeLLes , pareho tayo hindi ko din gusto labanos. I don’t get that flavor profile at all :biglaugh:

onT: I love Middle Eastern cuisine except for Dolmathakia, yung grape leaves with rice and herbs.

Milk tea and iced coffee…if i want something cold and creamy I’ll get a milkshake, a soda/rootbeer float or even a fruit shake for variety…

Pancakes. Kahit may butter or maple or kung ano mang add on, meh.

Tuyo - sinubukan ko naman gustuhin pero hindi talaga keri :embarasslaff:
Raw onion - lalo sa burger. I cannot :biglaugh:

Gulay.
Milk tea

Wrong thread yata ako.
Wala ako maisip na food na ayaw ko.
I like food so I am willing to try any food once.
When I used to work in China, kahit anong ihain in front of me, I ate. Buti na lang wala pa nong bats sa menu.
I really cannot think of any.

1 Like