50 Shades of Adobo

The Ilocano side dish to adobo ay dinengdeng (stewed gulay gulay at dahon dahon, depende anong meron. Linalagay lang ng lola ko sa kaserola ang kung ano anong gulay, tapos lagay ng bagoong isda, then pakulo hanggang luto na. Favorite na combi namin is kalabasa, malunggay leaves, bunga ng malunggay at konting konting ampalaya) o kaya yung ilocano style pakbet (walang kalabasa. usually talong, okra, kamote, ampalaya, sitaw then kamatis, bagoong isda, and kung minsan eh pritong isda. Ganun din gaya ng dinengdeng, hindi ginigisa yung pakbet, stewed or pakulo lang hanggang luto na ang gulay). Eto yung kinalakhan kong adobo partner, so for me, ganyan mga clean tasting na veggie stews/ sabaw ang perfect sa adobo. Pantanggal umay sa oiliness at richness ng adobs. Pero usually, kung ako magluluto haha boiled egg lang ang pinapartner ko sa adobo coz nakakapagod magluto pa ng gulay after mag-adobo hahaha

1 Like