One More Chance (Movie)

In the light of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz’s conversation on IG Live, naalala ko na sa dating Peyups, may thread ng One More Chance at isa ‘yun, I think, sa pinaka-active na threads sa TV and Movies section, ‘di ba? Sobrang benta ng movie na ‘yun sa mga taga-Peyups, feeling ko maituturing siyang Pambansang Pelikula ng Peyups. :charing:

Sa mga fans nina Popoy at Basha or feeling nila ay sila sina Popoy at Basha, ituloy natin dito ang balitaktakan. :lol:


Tanong:

Mabenta pa rin ba ang pelikulang ‘to sa mga kabataan ngayon?

2 Likes

Oo naman, timeless itong movie na 'to.

Asan na kaya si Trisha?

3 Likes

My daughter just asked me why John Lloyd’s popular. She’s 17 :lol:

Tbh, hindi ko pa ‘to napanood :grimacing:

All time fave movie ko ito. Napanood ko premier night so syempre kasabay ko nanood si John Lloyd at Bea. At doon sa linyang “Put@ngin@ naman Bash! Bat ba ang tigas tigas mo!” palakpakan ang audience for JL. Best experience!

3 Likes

Unconfined cinema pala yung IG live nila. Scripted in a sense. :rofl:

1 Like

^ May nabasa nga akong tweet na gan’yan.

OnT:
Itong One More Chance ay isa sa favorite movies ng nanay ko. Lagi niyang inuulit-ulit sa iWant kaya halos saulado ko na ang mga dialogue. :rotfl:

This is what we live for!

At 'yong pagtatabi ng balat ng manok!

2 Likes

My fave scenes:

  1. Niyakap ni Basha nanay nya after nya makita si Popoy at Trisha.
    Mama ni Basha: “Oh, ikkuwento mo ba o huhulaan ko na lang?”
    Basha: “Alam ko naman na pinagpalit niya na talaga ko e. Pero ngayon lang talaga naging totoo…. sobrang sakit.”

  2. Yung nakatanaw si Popoy sa labas ng gate nina Basha “10 seconds lang…”

  3. Hospital scene. Yung punas ng luha ni JL nagdala ng eksenang to
    Popoy: “Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag iisang taong mag tatama ng mali sa buhay natin.”

:heartbroken: :sob:

4 Likes

Underrated for me dito sa movie yung character and story arc ni Derek Ramsey. Naappreciate ko lang din how somehow he respected the boundaries of Basha, although admittedly yung pagsama niya dun sa birthday party that led to the situation with Popoy was questionable.

2 Likes

Napanood niyo ba yung sequel? :smiley:

1 Like

Yes. Loved Arci Muñoz doon. Hehe.

The feels sa lahat ng eksenang nabanggit! Aaaarrgghh!!!

1 Like