Intermittent fasting thread

Any fasters here? How’d it go for you? Which variant are you using?

Tried the 16:8 fast way back in 2018. Lost about nine kilos (gained back seven since :joy:). Trying it again this year.

What I like about it is that I only have to think about when to eat, not what to eat (though you still shouldn’t eat all that ice cream). Counting calories is just too much of a pain.

Started IF in 2018 also. I was a breakfast person all my life but now not anymore. 16:8 rin pero this year hindi ko na religiously ginagawa especially simula nung ECQ. Ang schedule ko ngayon ay weekday IF na 14:10.

Yes nakakalose ng weight pero yung quality rin ng food ang minomonitor ko.

1 Like

Are you me? :laughing:

May time na nagswitch ako to Circadian Fasting (no nighttime eating) but it got too troublesome as I sleep late at nagugutom ako lagi sa gabi :sweat_smile:

Oo nga eh. Nung 2018 naman, I was starving myself na pala. Since I have like two meals a day tapos sobrang reduced ng portions. I’d like to think I’m better now.

Do you use any apps? I used to use Zero but it got too annoying so I stopped. I’m mostly using YouAte now. I just take a picture of my food tapos siya na bahala magtrack ng fasts :laughing:

Zero app din gamit ko 16:8 pero minsan 15:9 and 14:10 ngayon ECQ haha

Sinasabayan ko rin ng calorie control. Nag-order ako ng diet delivery (Daily’s Diet). I lost 45lbs last year na medyo bumabalik ngayon :sad:

1 Like

@itachi Wala akong app, tinatandaan ko lang yung time, usually 9pm to 11am ang fasting time ko ngayon. Sinabay ko rin pala ito sa Keto which made me fit in 3 mos. Ang lakas makapayat! Pero ngayon bumabalik na kakakain ko ng carbs. :crazy_face: Hindi kasi sustainable for me ang keto dahil sa side effects… which is another story.

Now I try to lessen my carbs and choose more veggies. The simpler way the better. Hirap pag tumatanda na, bumabagal metabolism :grin:

1 Like

Sabagay. I don’t know why I need an app. I just need to follow the schedule. :joy:

Oo nga eh. Hindi na puwedeng mag-extra rice :sob:

Tuloy tuloy parin sila despite the quarantine?:open_mouth: Used to have deliveries too pero namamahalan ako :joy: Should probably try to be less of a cheapskate. Health is wealth and all that. Heh.

Nag stop na sila 2 weeks ago. Kaya hello fats na naman. Haha

Awww man. Actually lost two kilos since the lockdown started. :joy: Umaabot na ata ng 20 hours fast namin. Time has no meaning now :hourglass_flowing_sand:

Started 2017. I did a 10-day water fast (nothing but water) then 20:4. I’m trying to do OMAD now but there are days when it’s hard. :sweat_smile: So usually I take breaks during holidays or when travelling. I use Zero app. OMAD IF + Keto = super effective weight loss program. :aprub:

2 Likes

I am using life fasting app. Been into fasting since January. Pero dahil sa pandemic, napapastress eating ako. :roll_eyes:

1 Like

I’ve tried IF and Keto IF.

Pagnaka-Keto ako laging mainit ulo ko :fuming: kaya di na ko nagke-Keto, kasi naiinis lang asawa ko. :lol:

I’ve tried OMAD pero yung OMAD ko mag unlisteak dun sa SM the Block or The Alley sa UP Town. Mahal! :rotflmao:

Nagta-try ako bumalik 16:8 IF this lockdown and lessen carbs. Ang hirap!

5 Likes

Di ko rin nasustain ang Keto, dahil pag nagcarbs ka, bongga ang side effect sakin hahaha. Ang hirap lalo na pag nagbabakasyon!

Tinatry ko mag IF pag weekdays and no rice lately. Totoong mahirap kasi ang daming temptations sa bahay :frowning:

2 Likes

Nag keto diet din ako. I lost 5 kgs. Pero sa first few days, super dami ko rashes sa ilong. Pwede naman sa ibang lugar pero may grand reunion talaga sila sa nose ko. Parang maliliit na pimples. After ng phase na yun, more than a week siguro, mawawala sila then okay na. Kaya pag nagcarbs ulit ako, parang ayoko na danasin na naman yung keto rash sa ilong :nose:

1 Like

Are you still on keto diet? Three months lang ako nagstrict then low carb until Sept last year. Back to carbs na naman ako since then haha

1 Like

started 17:7 with fasted cardio nung nag-start yung quarantine. lost 4.7 kilos (na malamang bawiin ko rin after ng quarantine) :biglaugh:

2 Likes

May rules pala ito? Akala ko di lang ako kakain ganyan. :embarasslaff: :sulkoff:

1 Like

I do the 16:8, although minsan lumalabas na 17:7 kapag sobrang busy sa work. I just like the idea that I do not have to worry much about sa breakfast. Black coffee lang kapag medyo tinatamaan ng gutom before the meal.

1 Like

Hindi na. Ang hirap kasi sa office, pag lunch yung food choices sa paligid ang sasarap puro carbs :rotfl:

2 Likes

I started with circadian and occasional 16:8 last year. Nagawa ko lang religiously yung 16:8 this ECQ, and sometimes 18:6 pa. Also tried the 36h fast nung Good Friday, kaya naman pala talaga without food. Pero ayoko na ulitin :joy:

1 Like

16:8. Ang binago ko lang, skip breakfast then late lunch. Sinabayan ko convert to being pescatarian (vegetarian when possible). Ganda ng effect sa bp ko.

4 Likes