320/320 Vision: Sana Guwapo Ako

Lord, sana matigil na ang mga kaguluhan sa Pilipinas. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay bumagsak na dahil sa pag-aaklas. Sana talaga, umunlad na ang Pilipinas. At sana, guwapo ako.

May nagtanong sa akin dati kung sinong mas pogi. Si Jerry Yan ba daw o si never-gonna-stop-never-ever-stop-ain’t-gonna-give-you-up Vanness Wu? Sinagot ko na lang, “Ewan. Hindi ko naman pinapansin ang F4.” Pa’no ko kaya sasagutin iyon kung biniyayaan ako ng Maykapal ng kaguwapuhan? Siguro ang lumabas no’n sa akin, “Mas cute ako [hehe].”

Kung sinabi ko iyon at hindi ako guwapo, di sangkatutak na ‘kapal’ ang umaligid-ligid sa isipan ng babaeng iyon? Tsk. Ang hirap ng hindi guwapo. Buti na lang meron akong angking talino kahit papaano. Ika nga nila, God compensates on the other side. Sa kung saan na lang ako pupulutin kung walang laman itong utak ko. Doon naman ako madalas pinapansin eh, kasama ng aking mga talento. “Lagsh, ang galing mo.” Gusto ko namang marinig minsan, “Lagsh, ang cute mo! [Marry me!]”

Lord, sadya bang ang kapalaran ko’y ganire?

Ate Bernadette, gusto ko sanang tulungan ang pinsan kong namomroblema sa kanyang pag-aaral dahil working student siya. Wish ko lang magkaroon siya ng scholarship, kahit sa STI lang. Pakisingit na rin ang wish ko—wish ko lang, guwapo ako.

Iyong kaklase ko noong haiskul, nadedeklara niya na pogi siya, kaya naman ang yabang ng aura niya. Nakakainis! Iyong gusto mong batukan sa sobrang pagkahambog.

Pero sana ako rin guwapong katulad niya. O kaya mas guwapo pa sa kanya.

Kahit sinong babae nalalapitan niya, kasi alam niya na guwapo siya. Hindi na siya nagdududa pa kung nagmumura ang babaeng kinausap niya pagtalikod niya o kung hindi. Kung may maiinis mang babae sa kanya’t sinabihan siya, “Ang feeling mo,” may panlaban siya kaagad.

“At least guwapo.” O kaya, “Guwapo pa rin.”

Guwapo ba siya talaga? Ah… eh… No comment. Basta ang gusto ko, guwapo ako! Malaking bagay ba iyon? Promise, hindi ako magmamayabang katulad niya… pero puwede rin. Kung mayamot man sila sa aking kaguwapuhan, nandyan pa rin naman ang utak. Kahit hindi ako Valedictorian, may binatbat naman ako kahit papaano. Active pa ako sa mga extracurricular activities.

Hayan na naman ako! Hinahanapan ko na naman ang sarili ko ng mga rason para maipagmalaki ang sarili. Kung alam kong guwapo ako, di kuntento na ako.

Kuya Willie, hindi tinupad ni Ate Bernadette and wish ko. Ikaw na lang sa Willingly Yours. Sana magkaroon na ng sariling computer unit ang kuya ko sa Diliman para hindi na siya umuuwi dito sa amin sa Pampanga every Wednesday para mag-type ng mga homework niya sa Journ. At sana, guwapo ako.

Iyon bang tipong lady at bading killer? Iyong maraming nagnanasa sa iyo? Iyong kulang na lang eh gusto kang i-corner sa may CR para molestiyahan? Iyong nakakauno ka sa mga subject kung saan ang teacher ay bading? Iyong tipong aabangan ka lagi araw-araw para makumpleto ang araw nila? Iyong tipong isang daan mo lang naglalandi na sila? Iyong laman ka lagi ng mga daydream ng mga nagnanasa? Iyong hindi ka nahihiyang makipag-EB o makipag-blind date? Iyong lagi kang ginagayuma’t kinukulam? Iyong puwede ka na sa showbiz?

Syet. What’s happening to me? Puro ako sana, sana, sana. Deliryo na 'to. Alam ko naman hindi iyon matutupad ni Willie. Ni Bernadette. Ni Lord.

Sana talaga guwapo ako. Angkulet, no?

Iyong ibang babae sa mga pageant, ang paplastik. Kesyo mas pipiliin daw ang talino kaysa sa kagandahan. Asus! Nagpakipot pa, eh gustong-gusto naman na maganda sila, kahit na hindi marunong mag-Ingles. Idol ko nga iyong isang contestant. Sinagot niya beauty, kasi daw ang talino puwedeng makuha sa sipag at tiyaga.

Iyong kayang mga guwapong hindi masyadong magaling sa pag-aaral? Siguro wish naman nila matalino sila. Trade? Huwag na. Puwede pa sana noong maliit pa ako. Kasi nga, puwedeng maangkin ang talino.

Eh pa’no iyong mga artistang guwapo na kahit walang alam ay kumikita ng pera sa showbiz? Tsk. Itchampeyr. Pati yung mga tibo na nakikita ko madalas sa food court na may kasa-kasamang girlfriend, mas guwapo pa sa akin.

Haaaay… Dapat siguro makuntento na ako. After all, kung walang mga taong hindi guwapo, wala ring taong guwapo. Heto na naman ako! Naghahanap ng pampakalma.

Ipagdadasal ko na lang na sana tumigil na sa pagluha ang ating mga kababayan sa Mindanao… At sana…

5 Likes

Nowadays, gwapo is so overrated. Tingnan nyo na lang yung mga influencer kuno sa socmed na mukhang tukmol :sweat_smile:

3 Likes

I wonder, kamusta na kaya si author? Ganito pa rin kaya ang thought process nya today?

Anyway, aminin man natin o hindi, mejo bias nga ang society sa mga guapo’t magaganda. May kung anong special privilege meron sila minsan just for being guapo’t maganda. Haha sometimes, people go out of their way para tulungan sila.

Kung sa puntong yun, sana nga guapo din ako. Haha

2 Likes

You are what you think you are. Kung iisipin mo at maniniwala ka na gwapo ka dahil sa marami kang qualities na makalaglag panty other than good looks, then you are handsome. Sabi mo nga at least matalino ka. Nako po napaka importante ng may utak. Pogi nga pero wala naman alam sa pop culture, history at sciences. Maraming hindi gwapo pero hayup sa sex appeal. Maraming babaeng mas nahuhulog loob sa qualities beyond the physical. Walang pangit. Lahat tayo gwapo at maganda.

@MNiK I’d have to agree with you, kung ano ang attractive sa isang tao ay iba-iba depende sa tao. Pero pag finrame mo sa line of argument ni @constipated_jerk, frustrating nga. Mga tao biased ang pagtrato sa gwapo/pogi.

3 Likes

Sana gwapo din ako kahit superficial. Apir! Hahaha!

1 Like

If I remember correctly, the author is a fairly popular film director today. :wink:

1 Like

Itago natin sa pangalang…? :lol:

:zipit: