weddings

This topic has 21 voices, contains 50 replies, and was last updated by  3m3rald 210 days ago.

Viewing 20 posts - 21 through 40 (of 51 total)
Author Posts
Author Posts
August 18, 2010 at 7:27 am #250852

ninibeLLes

Yung bestfriend ko, ang pre-nup nila sa lagoon. Hindi naman sila taga-UP, labo! :embarasslaff:

I remember, cord sponsor ako sa kasal ng bestfriend ko pero dahil inaapoy ako ng lagnat nung kasal niya, homily na ako dumating. :embarasslaff: hindi tuloy ako nakapagmartsa at wala tuloy ako picture. I had to go home rin agad nung reception kaya hindi ko rin naexperience yung mga games-games na yan.

August 18, 2010 at 7:50 am #250859

trapezoid

[b]neverland[/b], sure, pwedeng kopyahin.

souvenir namin ay dust collector eh :lol: walang kamatayang figurine :P pero sunod naman sa wedding themes namin. di kami maka-decide kaya dalawa, hehe! precious moments theme at chinese theme. sa souvenir, two sets din tuloy. isang japeyk na precious moments figurine (haha.. mahal yung original kung isa-isa namin silang bibigyan) at isang chinese-couple figurine.

ngayon sa 10th wedding anniv namin, gamitin ulit namin yung precious moments theme. yung plan ko sa souvenir ay cadbury chocolate na may personalized chocolate wrapper. yung design ng wrapper ay kuha sa precious moments ten years heart to heart figurine :) o baka yung cute plastic container sa ikea tapos lagyan ko ng hershey’s kisses sa loob then yung sa cover may precious moments ten years heart to heart design pa din. original plan ko sa souvenir ay miniature ng wedding cake namin. na-scrap yung idea kasi nung pumunta ako sa divisoria last june ay wala na raw sila nung japeyk (ulit, haha) na precious moments figurine na same sa naging cake topper namin sa wedding. sayang nga eh.

August 18, 2010 at 10:25 am #250936

(Popoy_God)

sa UP ang pre-nup namin, iba’t ibang lugar. Sunday yun kaya pwede yung shot na naghahabulan kuno kami sa acad oval.dumating pa si Manong Ice Cream at sumama sa prenup, kunwari bumili kami sa kanya tapos credit card pambayad, todo acting naman si manong, kamot ulo pa daw :lol:

August 19, 2010 at 12:51 am #251274

trapezoid

[b]neverland[/b] ito pala yung custom-made cake namin. mga 2.5 ft-tall yung cake topper. gigantic, hehe! miniature dapat nito ang plan kong pang-giveaway sa 10th wedding anniv namin kaso wala na raw yung figurine sa supplier na napuntahan ko. few years ago nakabili pa ako ng isa. last june, wala na raw. baka merong peyups member na may alam saan makakabili ng ganitong figurine (yung maliit lang… mga 1.5 inch high), paki-inform naman po ako. salamat.

[IMG]http://i875.photobucket.com/albums/ab312/trapezoid12/wedding08b.jpg[/IMG]

August 19, 2010 at 11:50 am #251858

alex

trapezoid: bakit naman nakaka-stress? sali lang lagi. gift nyo na sa couple yun :)

naku, in most cases game naman ako. nasubukan ko na magkapkap ng maliit na pardible na naka-pin sa kung anung parte ng katawan ng lalaking di ko kilala, uminom ng beer/juice from feeding bottle, magtaas ng palda and have someone place that garter on my thigh, mablindfold, etc. And yes, they can be quite creative! :lol:

I seriously wish the couple a happy marriage and all that. And I really want to make their wedding a memorable one for them. Pero minsan nasstress ako sa idea of fun nila. there. :hihi:

Anyway, yung recent wedding na pinuntahan ko sa San Sebastian. Ang ganda lang pala ng simbahang yun. One of the nicest churches na napuntahan kong kasal.

August 19, 2010 at 11:55 am #251860

ninibeLLes

^Nakakaloka naman yan ate alex! Ako sa 2 weddings na naattendan ko, yung una hindi na ako umabot sa games kasi nga umuwi na ako at inaapoy ako ng lagnat. sa pangalawa, nagets ko na yung mechanics ng game at saka masyadong conservative yung kinasal, wala ngang garter kembot. :lol:

Tuwang tuwa ako sa mga beach wedding. Parang ang simple lang kasi.

August 19, 2010 at 4:09 pm #252043

trapezoid

[b]alex[/b], game na game ka rin naman pala eh :D ayos yan. sali ka lang. alam mo, si hubby naka-attend ng wedding na ang prize sa couple na nanalo sa garter game ay… [i]trip to HK![/i] yun pa yung time na wala pang budget airlines. oh di ba, ang yaman lang nung kinasal, haha! malay mo manalo ka rin. although ang slim ng chances dahil sa hirap ng buhay ngayon, hehe! pero baka kahit GC man lang makakuha ka di ba? ;)

August 20, 2010 at 7:13 am #252380

hapontukin

plano namin magpakasal ni SO sa 2012. beach wedding sana. although alam naming mahal, dream talaga namin yun, at dahil seaman din si SO kaya malapit sa kanya ang dagat :laugh:
may alam ba kayo na maganda yet murang beach at malapit lang sa manila na naghohold ng beach weddings? maraming salamat!
naeexcite at kinikilig ako pag iniisip ko yun :heartpump:

August 20, 2010 at 7:24 am #252384

trapezoid

^ anong religion? kasi nung wedding preps namin (1999-2000), pag Catholic, sa church lang ang allowed. yung mga garden wedding o kaya beach wedding hindi pwede. ewan ko lang kung nabago na ngayon yung rule.

kung OC bride ka, at least 1 year ang preparation. enjoy your wedding preps. exciting talaga yan :D

August 20, 2010 at 7:55 am #252396

misha11

@hapontukin pwede sa Laiya, San Juan Batangas like Juday and Ryan wedding. Sana lang may close ka na pari na papayag magkasal sa beach if catholic ka. Lam ko kasi bawal na sya ngayon.

August 20, 2010 at 8:05 am #252402

hapontukin

salamat misha! baptist po ako, so ok lang. :)

trapezoid: onga, kelangan talaga ng mahabang preparation, kaya ngayon pa lang nagsisimula na kami. excited din kasi. :D

August 28, 2010 at 2:20 pm #257128

sun.basque

hello. *shameless plug* kung naghahanap kayo ng make-up artist, pwede nyo pong tignan ang online portfolio ko, just click my avatar and it will lead you to the site. thanks :)

August 30, 2010 at 1:37 am #257827

neverland

@ trapezoid: ganda-ganda ng ideas nyo. thank you!hindi ko nga lang ma-view yung image. hehe. hindi ako from Manila kaya hindi ako makakapasyal sa divi.saaaad.

corny ba kung miniature cups tapos may personalized design lang ang souvenir? mahilig kasi kami mag-kape. para somewhat symbolic. :-D

August 30, 2010 at 9:26 am #258065

trapezoid

^ welcome. pero sayang di mo pala makita yung image. dinelete ko na lang :lol: ay nga pala, nakabili na kami ng cutie plastic containers sa ikea kahapon :jumpclap: unti-unti na umuusad ang anniv preps namin :) 4 months na lang. sana hindi ako magahol sa oras. dami pang dapat ayusin.

hindi naman corny yung naisip mo. for me, mas personalized ang wedding details mas maganda. suggestion ko mag coffee-themed wedding kayo. ito yung ilang ideas na nakita ko sa internet http://www.favorideas.com/wedding-themes/food-drink-themes/coffee-wedding-favors-and-great-theme-ideas/ tapos sa reception isama nyo na lang sa program ang pag-kwento kung bakit naging coffee-themed wedding. siguro pag malalaman ng guests nyo yung story behind your wedding theme ay mas maa-appreciate nila yung preps at presentation nyo. sana nakatulong :)

[b]sun.basque[/b], binista ko yung site mo. wow naman. ang galing. buti ka pa marunong mag-make-up. ako hanggang powder at lipstick lang, hahaha!

September 1, 2010 at 1:29 am #259244

neverland

^ thanks much sa idea!ganda din nung link. :grin: we still have around 8 months to prepare.hehe.
wow..malapit na renewal of vows nyo. wishing your beautiful family the best of everything! :grin:

September 7, 2010 at 12:50 am #261983

trapezoid

^ ang ganda ng wish mo para sa amin. nakakatuwa. maraming salamat :) at may precious moments cake topper na nga pala kami. nakabili na ako sa ebay. may plane tickets na rin at hotel reservation for the honeymoon *excited na ako, haha! sana maganda ang panahon* :jumpclap:

8 months na preps? tama lang. kami, more than 1 year preps :lol: enjoy mo lang. at wish ko naman para sa ‘yo ang masayang pagsasama ninyo sa habambuhay.

September 8, 2010 at 5:39 pm #263477

3m3rald

uy w@wie here din!!! sa december na church wedding namin, medyo crunch time na at naloloka na ako sa wedding preps kahit meron ako coordinator parang stressed pa rin. nag-start ako mag-book ng suppliers siguro sept. ’08 pa and ang laki ng na-save namin dahil na-lock yung old rates :jumpclap:

September 19, 2010 at 9:06 pm #273515

osaka

ang dami kong nakita cute ng pre-nup pictorial. meron sa yacht, lighthouse, beach, etc. ang cute cute. gusto ko tuloy maging wedding photographer. haha.

November 21, 2010 at 1:05 am #326192

neverland

up ko lang ang thread!how long did it take you to prepare for your big day? na-move kasi yung date namin to september next year. allowed na ba ako ma-excite at magsimulang mag-plano?haha! :lol:

November 21, 2010 at 3:13 am #326210

trapezoid

Pwedeng-pwede na. Book mo na agad church & reception lalu na kung maraming pumipili dun para sa kasalan. Kami, more than a year yung actual wedding preps. Yung usap-usapan/planu-plano about the wedding, mga 5 yrs :hahaha: Long engagement kami =)

Viewing 20 posts - 21 through 40 (of 51 total)

You must be logged in to reply to this topic.