Home › Forums › Real World › Fashion, Beauty & Lifestyle › weddings
| Author | Posts |
|---|---|
| Author | Posts |
| August 7, 2010 at 7:22 am #2091 | |
|
neverland |
|
| August 7, 2010 at 7:22 am #245237 | |
|
neverland |
share unforgettable experiences, dream weddings, tips and the like! |
| August 7, 2010 at 8:14 am #245262 | |
|
(Popoy_God) |
W@W baby! Tsaka dalasan ang pagpunta sa mga wedding expo, malaking tulong yun pramis! |
| August 7, 2010 at 8:58 am #245273 | |
|
trapezoid |
Tama, W@W nga. W@Wie batch 2000 here Sabihin ko lang, isiping mabuti kung gusto talaga maging Dec bride. Bukod sa mas magastos ang kasal pag Dec, mahal ding mag-celebrate ng anniv. Peak season. Mahal ang airfares. Pero kung ako, pipiliin ko pa ring maging Dec bride. Joyful season eh. |
| August 7, 2010 at 9:18 am #245280 | |
|
Leela |
naglabasan ang mga W@W alumni. |
| August 7, 2010 at 9:59 am #245289 | |
|
wickedmoonlight |
W@W din ako. haha! although di naman ako talaga nagstick sa mga suppliers na sinabi nila, kumuha lang ng tips. ako naman, one-woman show ako nung wedding preps. kasi si husbandry ay nasa US, so ako lahat ang asikaso. i didn’t book for a wedding planner either, ako lahat. plus DIY ung halos 80% ng wedding paraphernalia ko. haha. pero it was all worth it nung nakita ko na ung product. siguro sa sobrang pagkastress ko months before the wedding, sobrang laidback ko na come wedding day. |
| August 7, 2010 at 1:09 pm #245371 | |
|
01011001 |
Google nyo yung greenweddingshoes. Buhat nung bata pa ako, wala na akong planong magpasakal.. este.. kasal. |
| August 7, 2010 at 3:38 pm #245424 | |
|
trapezoid |
[b]Leela[/b] magsasawa ba naman tayong W@Wies na pag-usapan ang kasalan? shempre hindi on-topic: yung ceremony shempre mahalaga rin kaya pili talaga yung [b]church[/b]. tapos yung [b]priest[/b] na pinili namin yung kakilala kami pareho ni hubby para personalized (tama ba term ko? haha) at meaningful ang Homily. yung [b]choir[/b], choir na kinabibilangan ni hubby. [b]quartet[/b] pandagdag sa romantic ambience. tapos yung madugong [b]missalette[/b], kami talaga gumawa ng hardcopy (50 pcs ata)… yung Bible readings, prayers, vows, songs kami pumili. kahit saang kasalan, mas nagfo-focus talaga ako sa ceremony. pag hindi ako nagandahan sa ceremony hindi na maganda yung buong kasal kahit maganda pa ang gown, make-up, flowers, etc. kung issue ang budget, pag-isipan talaga kung anong wedding detail ang mahalaga para sa couple. yun talaga ang pagkakagastusan/tututukan. kung hindi naman issue ang budget… eh di walang problema |
| August 7, 2010 at 3:46 pm #245426 | |
|
(Popoy_God) |
Singsing namin, ipinagawa sa Bulacan: |
| August 8, 2010 at 1:19 am #245492 | |
|
Leela |
^^trap, sinabi mo pa. kahit saan, bitbit ng w@wies yung passion for wedding. sa food kami nagconcentrate. several years after our wedding, naaalala pa din ng mga relatives namin na masarap yung food na sinerve sa wedding namin. didn’t want a video coverage. photo lang kami and since friend namin yung photog, we had seven CDs of photos. yun nga lang, hanggang ngayon di ko pa naaayos wedding album namin. :spank: |
| August 9, 2010 at 11:49 am #246077 | |
|
osaka |
tiningnan ko yun greenweddingshoes.com. ang dami ngang cute and lovely weddings dun. sobrang like ko yung “The Notebook” inspired wedding pics ng isang couple, with the bride who looks like Rachel McAdams. Kakainggit ng concept. :heartpump: |
| August 14, 2010 at 3:35 pm #248939 | |
|
trapezoid |
[b]Leela[/b], salamat sa greeting Wow! Ang dami ninyong photos. Alam mo, naayos ko ang wedding album namin nung 5th wedding anniv na namin Tip ulit sa mga ikakasal: |
| August 17, 2010 at 3:01 pm #250459 | |
|
01011001 |
ang c-cute, diba? parang ang sarap tuloy magpakasal! lol |
| August 18, 2010 at 1:49 am #250637 | |
|
neverland |
ang inspiring ng mga posts!thanks for sharing!cute nga nung greenweddingshoes.com! :heartpump: |
| August 18, 2010 at 2:18 am #250633 | |
|
alex |
makikicomment lang. may kinasal na ba na hindi sinunod yung traditional program? Yung wala ng “calling all the single ladies”…blah? nakakastress kasi minsan yang part na yan. :embarasslaff: |
| August 18, 2010 at 2:21 am #250635 | |
|
(Popoy_God) |
^di ko lang maintindihan kung bakit sa Pinas lang yata ayaw magparticipate ng mga dalaga at binata (depende kung sino nakasalo sa girls) sa ganyan. |
| August 18, 2010 at 2:23 am #250650 | |
|
Lizavetah |
Haven’t been to any (as in any) wedding ceremonies/parties yet. wala pa’kong kakilalang ikinakasal. kahit nung bata pa ako, di man lang ako anging Flower Girl. :huhuhu: |
| August 18, 2010 at 2:26 am #250655 | |
|
labs |
nakaka stress nga! oft: anong meron at may 7 weddings ako from 10-10-10 to 11-11-11, habang tumatagal dumadami sila. ont: balita ko super daming couples ang pre-nup ay sa la mesa watershed. hahahaha parang naglipana daw yung couples dun sabi ng seatmate ko na ikakasal din. minsan daw may pila pa ng couples and photogs sa mga ‘prime’ spots. |
| August 18, 2010 at 7:17 am #250846 | |
|
trapezoid |
bakit naman nakaka-stress? sali lang lagi. gift nyo na sa couple yun at saka pa-creative naman na ng pa-creative ngayon. yung sa amin ang ginawa namin sa single ladies, may white & red roses. yung nakakuha ng white rose ang panalo. sa guys naman, may tig-iisang balloon sila na ibu-burst. yung may [i]congratulations[/i] na note sa loob ng balloon ang panalo. at ayun, eve ng kasal namin eh naghihipan pa ng balloons si hubby [b]labs[/b], parang sa batch namin nagsimula ang pre-nup |
| August 18, 2010 at 7:27 am #250851 | |
|
neverland |
@ trapezoid: creative nga!pwedeng gayahin?haha!ano pala souvenir nyo?nag-iisip kasi kami ng simple lang pero unique. |
You must be logged in to reply to this topic.
