Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 206 users online.

Writings Pera o Kaligayahan
Contributed by nescafe_ice13 (Edited by arwen)  
Monday, November 03, 2008 @ 04:47:30 PM
Print | Send

Nag-away kami ng nanay ko nung isang araw.

Ang topic? Pera. Nanghihingi kasi siya nang pambayad sa planstadora, at walang maibigay ang tatay ko, dahil 'di pa daw suweldo. At siyempre, dahil nagtatrabaho na 'ko, sa akin siya humingi. Nagkataon namang 'di pa rin ako sumu-suweldo, at malapit nang maubos ang ni-withdraw kong pera.

Kaya kalaunan, nagreklamo siya dahil kulang daw ang binibigay sa kanya para pang-budget sa bahay. Kesyo daw gipit siya sa pamalengke, pang-grocery at pambayad sa kuryente, tubig at iba pang bayarin. Kesyo daw na kami 'yung nagta-trabaho, kaya dapat nagbibigay kami sa bahay. Kesyo kami daw 'yung maraming magpalaba at magpa-plantsa. Kesyo daw dahil mahina ang exports (kung saan nagta-trabaho ang tatay ko), hirap na kami.

Medyo uminit na ang ulo ko. Sabi ko, nagbibigay naman ako nang hinihingi niya (ako kasi ang sumasagot ng tubig at panggrocery). Natigil lang kasi ngayon lang ulit ako nagtrabaho. At ako ang sumasagot sa pang-tuition naming magkapatid. Tutal, nakakaluwang naman kami.

Alam niyo ba ang hirit ng nanay ko? Kasi daw 'di ako kumuha ng trabahong mas malaki ang kita.

**********

Simula nang nagtrabaho ako, hindi naging issue sa akin ang kikitain ko. Actually, ipinangako ko 'yun sa sarili ko. Ayokong maging pera ang dahilan ng pagtanggap ko sa isang trabaho. Mas gugustuhin kong kumuha ng trabaho na magagamit ko ang pinag-aralan ko (at kung mapapabuti pa 'ko nito), at kung may magagawa akong kapaki-pakinabang. Career growth over compensation, kumbaga.

Tutal, 'di naman ako nahihirapang maghanap ng trabaho. Salamat sa degree kong mula sa UP at ilan sa mga extra-curricular activities, astig ang dating ng resume ko. Okay din naman ang mga employment exams at interviews ko, kaya madali sa aking makakuha ng trabaho.

Naniniwala din kasi akong kasabay ng career growth at prestige na sinasabi ko, darating din 'yung compensation. Sabi nga ng tatay ko, bata pa ako. Experience muna ang habulin ko bago ang suweldo. Handa din naman akong maghintay.

Pero mukhang 'yung mga nakapaligid sa'kin, hindi.

**********

Noong nag-a-apply ako ng trabaho, marami din namang nag-interview sa'kin. Hanggang ngayong may trabaho na 'ko, may mga tumatawag pa sa'kin. Isa dito ay isang istasyon ng telebisyon kung saan ni-rekomenda ako ng tiyahin ko bilang researcher. Tinatawagan nila ko para mag-exam. Siyempre, paano ko naman sisiputin 'yun, kaya sabi ko 'di ko alam kung kailan ako puwede.

Kinukuwento sa'kin ng tiyahin ko kung ano daw yung mga perks and benefits ng trabahong 'yun. Kesyo daw may free make-over, pa-kotse, bonuses, at mga complimentary passes pa sa mga restaurant, pelikula at concerts. At makikita mo pa at magiging ka-close ang mga artista.

Meron ding isang kumpanyang bahagi ng industry ng tatay ko na kumuha sa'kin. Dito daw, pag nag-travel ka, pinakamalapit na ang Hong Kong. Puwede ka pa daw makarating ng Amerika. Syempre, malaki din ang suweldo at ang opisina sa Makati. Yuppie talaga ang dating mo. Pero tinanggihan ko lahat 'yun.

**********

Ayaw lang siguro iparinig sa'kin ng nanay ko, pero siguro iniisip niyang baliw ako para tanggihan ang lahat nang 'yun at tanggapin ang trabaho ko ngayon—sa isang ahensya ng gobyerno, sa 'di naman kalakihang suweldo at gipit na oras, pero napakalaki naman ng pagkakataon for career growth at prestige, mabilis ang promotion, at instantly marketable pa sa ibang international organizations.

Iniisip niya sigurong baliw ako dahil mas pinili ko ang maglingkod sa bayan kaysa ang bulsa ko. Na mas pinili ko ang magkulong sa isang opisinang badbad sa burukrasya kaysa makipagbeso-beso sa mga artista, maging yuppie at kumita ng malaki.

**********

Pero anong magagawa ko? Dito ako masaya. Masaya akong paglingkuran ang bayang nagbayad ng tuition ko bilang Iskolar ng Bayan. Masaya ako sa dito sa trabaho kong nabibigyan ako nang kalayaan ng oras at panahon. Masaya ako at nakakatulong ako sa pagbuo ng mga paraan para umunlad ang mga mas hirap at maliliit pa sa akin.

Sana lang, dasal ko, maintindihan 'yun ng nanay ko.





###############
Author's note: Para sa mga taong ginagawa ang gusto nila. At sa mga taong naglilingkod sa kapwa. Mabuhay kayo.

-----
Edited by Handyfemme


Writings - Personal Thoughts

Related links






Pera o Kaligayahan | 47 comments
 

Re: Cool by ShinJa
Monday, November 03, 2008 @ 05:26:24 PM
Wow, feeling ko ako una nakabasa ehehe. Buti na lang at may bagong article na ulet :)

Nywyz, mabuhay ka! Pareho tayo, mas gugustuhin ko magtrabaho na mababa ang sweldo pero fulfilling naman at may growth kesa malaki ang sweldo at in the end of the day, wala kang natutunan at indi mo pa gusto.

Ang sad kasi ang mga nakakatanda ngayon, dahil na rin siguro sa hirap ng panahon, praktikal sila mag-isip.


Re: babebi..bo by slaine
Monday, November 03, 2008 @ 06:05:55 PM
Lalo kong naintindihan kung bakit ang mga post mo sa LaUP e lagi kang nagpapakabibo. Pero dapat mo nang baguhin yun dahil bibo ka namang talaga.

Mahirap talagang pagsabayin ang pangangailangan at kabuhayang nais mong kalagyan dahil sa mga responsibilidad na iniatang sa iyo di ka pa man nakakatapos ng kolehiyo.

Isipin na lang na balang araw ay nakayanan mong gampanan ang lahat sa abot ng yong makakaya...

Padayon ;)




Re: ayos! by bratty
Monday, November 03, 2008 @ 07:03:55 PM
ito din ang lagi naming pinag-uusapan ng nanay ko.
pero pareho kami ng prinsipyo. mas okay na na ginagawa mo yung gusto mo, kesa sa ang end-goal mo lang ay magkapera at yumaman. syempre, ayos din kung may perks na kasama.

naalala ko tuloy nung nagdecide akong lumipat ng work (from a prestigious firm sa makati na wala akong nakikitang growth at matumal ang darating na experience to a small firm ng prof ko sa qc pero bonggang bongga ang projects at experience), nag offer ng salary increase yung former boss ko. at sinabi sa kanya ng asawa nya na "yang batang yan, hindi yan kayang bilhin ng pera". or something in that sense.

wala lang. masarap lang isipin. iniyakan pa ako ng boss ko. hehe


  • Re: naks! by nescafe_ice13 on Thursday, November 06, 2008 @ 12:11:48 PM
Re: by amie
Tuesday, November 04, 2008 @ 05:18:58 PM
i work in a call center that pays well. para sa akin, masaya ako kapag nakakapagpadala ako ng pera sa mga kapatid ko pag kailangan nila, kapag nakakakain ako ng masarap, kapag nakakapagdamit ako ng maganda, kapag kampante ako na meron akong pambayad sa doktor at pambili ng gamot pag nagkasakit ako. money does not necessarily equate to happiness, but it does give some peace of mind. uunahin ko bang maglingkod sa bayan kung gutom ang pamilya ko?


  • Re: by nescafe_ice13 on Thursday, November 06, 2008 @ 12:22:20 PM
Re: haha. i know! by blindwatchmaker
Wednesday, November 05, 2008 @ 10:21:32 AM
i know. i can totally relate. thankful lang ako na my parents understand that. katulad ngayon, balak kong lumipat ng work na almost half ang ibinaba sa sweldo ng kinikita ko ngayon. but i feel the need to do this for career growth ika nga. kanya kanyang decision naman yan e. kanya kanya ding perks sa work. nasa tao naman talaga yan. at the end of the day, it's your happiness that counts. and besides, aminin man natin or di, a lot of UP grads just settle for the money but in the end, it gets boring. yung tipong pag-uwi mo sa bahay mo, tatanungin mo sarili mo, why are you still putting up with your job kung di ka naman masaya at pera lang ang sukatan. ako, i'd still want to do those things na para sakin e may kabuluhan. it doesn't have to be a high-paying job. tama ka nga. ok kung may ganun but it doesn't have to be the end goal. kudos!


Re: kaligayahan by blossom_111
Wednesday, November 05, 2008 @ 09:07:31 PM
i have the same sentiments..i also work in a government agency and as usual, as one of the youngest employees, most of the time overworked..i do complain at times but still there's this certain amount of pride that in my own little way i'm able to give something back to the country having to graduate from our university..


Re: by selenakyle
Thursday, November 06, 2008 @ 12:40:37 PM
same sentiments, dear. consider yourself lucky that you know what you want and are focused in getting it. the money will come.

sa hirap ng panahon, mahirap talaga even for a single person na nakatikim na ng kahit papano mataas na sahod na magdesisyon na umalis sa trabaho na di na sya pinasaya nang matagal na panahon. minsan, huli ko pa ngang nasasabi sa magulang ko yung desisyon ko kasi alam ko na kung anong maririnig ko.


[No Subject] by juzcolme_teQuila
Thursday, November 06, 2008 @ 02:54:55 PM
"Career growth over compensation." 'Eto din ang prinsipyo ko dati, noong nag uumapaw pa ang ideyalismo sa'kin. Pero nang magreklamo na ang nanay ko na kulang pa ang sahod ko sa'kin, nag isip na din ako. Humihingi pa rin kasi ako sa kanya. Nasaktan ako sa sinabi nya na, "Mas mahirap ka pa sa daga dyan sa trabaho mong yan." Kaya I grab the job na makaka compensate sa'kin at sa pamilya ko. Minsan kasi, kailangan din nating isipin ang iba bukod sa pansariling kaligayahan natin. Uhm, opinyon lang, kanya kanyang buhay lang 'yan na may iba ibang choices.


Re: by Krislan
Thursday, November 06, 2008 @ 03:24:43 PM
Opinyon ko lang na ang kaligayahan ng pamilya (ng mga mahal mo sa buhay) ay nagdudulot din ng personal na kaligayahan.




Re: by vianney
Thursday, November 06, 2008 @ 05:51:43 PM
Ako parang gusto ko na rin lumipat sa private, nagsasawa na ata ako sa gobyerno. Simula pag-graduate ko noong 2001, nasa gobyerno na ako hanggang makarating na sa Opisina ng Presidente ng Pilipinas. Kung minsan, naiisip ko nang lumipat, dahil na rin siguro sa mga dami ng gastusin pero ang pagtaas ng sweldo, mabagal pa sa pagong. Ilan taon na rin naman nakalipas, siguro sapat na rin ang 8 taon para maglingkod sa bayan. Gusto ko na rin sa pribado, para magkaroon na rin ng pribadong buhay....at isang malaking changes sa buhay ko...

Mababa na rin ang halaga na natatanggap ko, kulang kung tutuusin para sa pamilya. Kung di dahil siguro sa asawa ko na kumikita ng P50K mula sa isang private company, malamang di aabot ang sweldo ko para makapagbigay sa pamilya ko..



Re: by vianney
Thursday, November 06, 2008 @ 05:51:43 PM
Ako parang gusto ko na rin lumipat sa private, nagsasawa na ata ako sa gobyerno. Simula pag-graduate ko noong 2001, nasa gobyerno na ako hanggang makarating na sa Opisina ng Presidente ng Pilipinas. Kung minsan, naiisip ko nang lumipat, dahil na rin siguro sa mga dami ng gastusin pero ang pagtaas ng sweldo, mabagal pa sa pagong. Ilan taon na rin naman nakalipas, siguro sapat na rin ang 8 taon para maglingkod sa bayan. Gusto ko na rin sa pribado, para magkaroon na rin ng pribadong buhay....at isang malaking changes sa buhay ko...

Mababa na rin ang halaga na natatanggap ko, kulang kung tutuusin para sa pamilya. Kung di dahil siguro sa asawa ko na kumikita ng P50K mula sa isang private company, malamang di aabot ang sweldo ko..



Re: dakila ka! by Jaline
Thursday, November 06, 2008 @ 09:00:12 PM
Bihira ang mga tao na gustong maglingkod sa bayan. Ako nga, mas pinili ko ang magtrabaho kaagad sa private company kaysa gobyerno. Pero 'di naman sa hahayaan ko na lang nang ganon ang nagpaaral sa akin bilang iskolar.. tumutulong naman ako sa sarili kong paraan.

Pero nakakarelate ako sa topic mo, kung pera o kaligayahan ang gugustuhin sa trabaho. Kung tutuusin, mas importante talaga na masaya ka sa trabaho mo. Isipin mo na lang na parang di ka nagtatrabaho kung sobrang enjoy ka. Kaysa naman ang laki nga ng kita mo, pero sobrang stressed ka naman at yung tipong kailangan pa iuwi sa bahay ang ginagawa mo sa opisina.

Mas importante ang maging masaya.


Re: pera AT kaligayahan by coolwaters
Saturday, November 08, 2008 @ 10:30:56 AM
tanong lagi sakin nun ni SO. alin daw pipiliin ko:

sweldo, position or fulfillment?

sagot niya lagi sweldo. above anything else daw.

dati, lagi kong sinasagot na i've been lucky to have all three in my current job. pero ngayon, ewan ko ba.. parang sweldo na rin ang gusto kong isagot. hehe



Re: find your niche by keepingthefight
Saturday, November 08, 2008 @ 11:46:29 AM
I'm 24. Malayo na narating ng mga batchmates ko. At inggit ako sa iba kong batchmates. But then napansin ko, things are actually falling into place...kanya-kanya kaming niche. Iniisip ko lang, somebody has to do the job I am doing. At dahil qualified ako to do the job, I should do it responsibly regardless of pay. Find a job that you're good at and make sure you're happy with it...and then career growth will follow. Tsaka tataas ang compnesation.


  • Re: by che on Thursday, January 15, 2009 @ 09:16:11 PM
Re: ako rin by yehsreh_eem
Saturday, November 08, 2008 @ 04:57:43 PM
bilib ako sa paniniwala mo.. medyo magkapareho tayo ng sitwasyon..mas kumplikado nga lang ang sa akin.. single parent kasi ako. at dahil dito, pinipilit ako mag-abroad ng mga magulang ko para daw kumita ng malaki. at eto pa, mag-aral daw ako ng nursing, para mas madali sa akin na makaalis. pagkatapos ko mag-graduate sa UP, pag-aaralin ako ng nursing? matapos kong maging iskolar ng bayan, aalis ako para sa ibang bayan maglingkod? ayoko! kahit pa naging tanga ako sa pag-ibig.. naniniwala pa rin ako na hindi ko kailangang umalis para lang umasenso.. na magbubunga rin ang sipag at tyaga ko sa trabaho.. na in due time, makakarating rin ako sa tuktok ng corporate ladder.. at kaya kong buhayin at ibigay ang mga pangangailangan ng anak ko ng hindi ko siya kelangang iwan..

saludo ako sayo. sana mapanindigan natin ang paniniwala natin..




Pera o Bayong? by Queen_Amygdala
Sunday, November 09, 2008 @ 09:25:34 AM
Nakow, hindi ka nag-iisa dyan. Doing what you want, for your reasons... tama lang yan dahil buhay mo yan.

When I starteed working about six years ago, yan ang laging hirit saken ng nanay ko: "mag-corporate ka na kasi!" Dahil daw malaki ang sweldo, may kotse, may power dressing na involved, malaki ang sweldo, may travel opportunities, malaki ang sweldo... blah blah blah. mas uunlad daw ang buhay ko. Ang lagi kong sagot "Paano naman ang kaligayahan ko?"

Kaya pinili ko ang naging paborito ko sa mga trabaho ko: ang magturo sa mga bata. halos apat na taon ko din yung ginawa. Hindi man masaya ang bulsa ko, pakiramdam ko BUO ako.

Ngayon, pinasok ko ang industrya ng second love ko. Masaya din ako dito. Hindi man sya "corporate" nang tulad nang inaasahan ng nanay ko, pero siguro sa tingin niya it's corporate enough for her. Either that or napagod na siguro syang bungangaan ako tungkol sa trabaho ko. Hehehe...


Re: invaluable by chin_juris
Monday, November 10, 2008 @ 01:50:52 AM
Salamat at taga-UP tayo. Madali ang pera, mabilis ang trabaho, mas marami ang opportunities...relatively. Kaya ako, mas inuuna ko ang experience. Aba, pag namatay akong maaga, baon ko lahat ng experiences, e yung pera di ko madadala. Pero tama rin si amie, kasi gusto ko ring unahin yung responsibilidad ko sa family ko, bago sa sarili ko. Well, kaya siguro ngayon madalas ako madepress. Dahil wala na akong time for myself. Btw, student pa lang ako. Kaya this is my POV as of the moment. Haha.


Buti na lang! by stereotypical
Monday, November 10, 2008 @ 06:23:29 PM
I'm lucky iba ang setup sa bahay namin. walang pressure from my parents about sa pera. although nagbibigay ako sa kanila every sweldo, hindi pa rin naman nila ako inoobliga. ang pressure lang eh based sa mga sinasabi nila (at ng mga iba pang nakapaligid), parang sukat ng success ang pagwowork sa abroad. but then, ayoko magabroad, kahit sa singapore na napakalapit. gusto ko dito lang. masaya ako dito sa pilipinas e ;)


  • Re: by barbie20_gal on Wednesday, February 11, 2009 @ 10:22:47 AM
Re: by bastard0
Tuesday, November 11, 2008 @ 11:19:01 PM
nice artik. ako rin po matagal na dito sa call center. almost 4 years na. nagaral ako sa public school since Grade 1 at naggraduate sa PUP. nung una hindi ganun kasaya magtrabaho sa isang position na walang relation sa course mo pero eventually nagustuhan ko na rin ito. never ako pinilit ng nanay ko na kumita ng malaki pero pinili ko na magtrabaho dito dahil alam kong may 3 akong kapatid na umaasa sa akin. sa tingin ko minsan kelangan mo lunukin ang pride mo para magsurvive dito sa mundo. salamat sa artik mo! :)


Re: by kareen
Wednesday, November 12, 2008 @ 09:04:06 PM
buti na lang pala wala akong pressure na ganyan mula sa mga magulang ko - ako mismo may pressure sa sarili ko na sa ngayon, after almost 7 years sa gobyerno, i think i've done my part. okay na yun ^_^ time to think of taking care of myself, meaning, get the salary i deserve and want.

raket ka na lang para you get the best of both worlds kumbaga. hehehe ^_^


Re: Ipagpatuloy Lang =) by ishda
Friday, November 14, 2008 @ 01:34:01 PM
an inspiring read.

i have no idea how young u are, but i'm very happy u chose to work in an organization that u believe in. tama ka, dapat hindi sweldo ang magiging criteria mo sa pagpasok sa isang trabaho. i always believed that ur career is a significant extension of yourself, so choose one that reflects ur beliefs and what u value in life.

taga public ad ka ba? u sound like one =) im a graduate of NCPAG but doesnt work for the govt. i work in an academic institution and i think, more or less, nagampanan ko naman ang mga expectations para sa isang public ad graduate. =)

dont forget, money is not always equal to happiness.


Re: by dEtH
Monday, November 17, 2008 @ 08:45:41 AM
nakakarelate ako dito sobra. nung college pa ako sabi ko sa sarili ko dapat mataas ang sweldo ko pag nagkaroon na ako ng work, aba pagod at puyat yata ang pinuhunan ko bago ako makagradweyt, pero ayun bumagsak din ako sa di kalakihan ang sweldo.. agree ako na habang bata pa experience muna ang habulin, sabi nga ng hr namin proportion naman ang pagtaas ng sahod sa pag-angat ng posisyon..
pero masaya ako ngayon sa work ko, madami din akong nadiscover na bago sa sarili ko.. pero minsan hinde mo din maiwasan ang maingit sa mga kabatch mo na malaki ang sweldo kesa sayo..


Re: by heart10
Sunday, November 23, 2008 @ 07:17:30 PM
Each has his/her own choices to make in life. Mabuhay ka at ganyan ang paninindigan mo! *thumbsup*
Hindi rin naman kahinaan if someone choose to support her family over self fulfillment.
Pero ang nakakapanghina ng loob e kung hindi nakikita ng isang tao na ang pagkakaroon ng ganung trabaho ay hindi purong puro dahil sa pera lamang. Its something beyond. =)


  • Re: by labs on Monday, November 24, 2008 @ 12:16:14 PM
    • Re: by seminarista on Thursday, November 27, 2008 @ 08:03:32 PM
At the end of the day, you are happy by phishball
Tuesday, November 25, 2008 @ 01:49:24 AM
Ganun din ako..i left a high paying job, after 3 years of private company work sa makati. Tumambling ang boss ko dahil 3 months nya akong pinilit magstay pero wala din. In the end, naintindihan din nya at they did let me go. Nasa gobyerno (UP) ako ngayon. 1/4 lang ng salary ko. Di naman ako nanibago na wala na akong starbucks pagmorning nor the usual ThF lunchouts, the only difference is that I am more happy than ever. Nag-aaral din ako ulet sa UP para magpalawak ng kaalaman kasi yun talga ang pangarap ko- ang maging part ng academe. ahihihihi
Sobrang nahihiya ako kapag family responsibilities na ang pinaguusapan. Kasi biro mo naman ako lang ang hindi nagaabot sa parents ko kahit xmas gift wala. My folks often worry about my future lalo na tatay ko, Iniisip nya na this is just a phase. Pagumuuwi ako sa probinsya, walang araw na hindi nya ako pinagsasabihan re: future, security etc, etc. Pero alam mo, kahit ganun yang mga magulang ko, i know that in the silence of their hearts, they are right behind me, with thier utmost support.

Live thy dream! :)


Re: sharks.. by OracleX
Saturday, December 06, 2008 @ 03:32:05 PM
nakakainis ang post na to kasi parang kino-convince akong mag-stay pa rito sa work ko..pangarap ko kasi nung una na magtrabaho talaga along with my field of specialization, na nangyari naman right after graduation. problema lang eh sobrang binabarat ako sa bayad eh sobrang demanding ang job especially sa field work, kelangan magbanat ng buto -- literally! pero kahit ganun, i do love my current work. kahit na hindi ganun ka-hardcore gaya ng ideal job ko, medyo satiated naman ako.. yun nga lang nga, ang liit ng pasahod.. actually, may inaplayan na akong trabaho nung nakaraang buwan, ayon pa rin sa kurso ko, at mataas ang pasahod at ako na ang kukunin nung employer pero parang ayaw ni Lord kaya ayun, andito pa rin ako..

kahit na ngayon eh nagbabalak na naman akong umalis sa current job ko eh parang nagdalawang isip ako matapos basahin to.. hayyy...

nwei, salamat! salamat!


mukha akong pera! by takoyaki
Friday, December 26, 2008 @ 05:44:00 AM
hahahaha!


Re: pera! pera! pera! by pala_boy
Friday, December 26, 2008 @ 04:42:09 PM
ayun! ^_^


Re: by farkas
Wednesday, January 07, 2009 @ 10:03:31 PM
sana may lakas ako kagaya mo. nakakahiya man, pero nagta-trabaho ako para sa pera. ayaw ko ng trabaho ko. ayoko sa trabaho ko at ayaw ko sa ginagawa ko. pero sa hirap ng buhay, nagpapaka-praktikal na lang ako. iniisip ko na lang pagdating ng sweldo may pambayad ako ng mga bills at pantustos sa luho ko.


Re: by che
Monday, January 12, 2009 @ 04:20:44 PM
haha, i was about to write my resignation letter, tapos nabasa ko ito...

nainspire tuloy akong ipagpatuloy ang paglilingkod sa gobyerno...


Re: by barbie20_gal
Wednesday, February 11, 2009 @ 10:15:38 AM
so true..after graduation, i never had a hard time to find a job, un nga lang most of the jobs related to my field of study would offer very minimal salary but lots of good work experiences/trainings to offer but what i did was i accepted a job with a high salary kahit na di ko magamit man lang ang pagiging taga UP ko.Imagine from high school to college I was tagged as batang UP pero after graduation eto,nde ko nagamit pagiging UP ko except for my resume which I'l say is big thing tlga.Kya eto ko ngyn after 5 years, I'm trying to get back on my feet, actually there's nothing wrong with working for the money but I havent been completely happy so right now, Im trying to start all over with a new job that probably could give me financial and career growth..goodluck to us..hehe


Re: i wish we never had to choose... by alimuom
Sunday, February 15, 2009 @ 09:50:42 AM
hahaha, pangarap lang naman, pero sana dumating 'yung pagkakataon na mapaligaya at mai-provide ang lahat ng pangangailangan ng pamilya at mahal sa buhay kasabay ng career growth, self-satisfaction at prestige. sana hindi na natin kailangang pumili sa pagitan ng pera o kaligayahan. after all, pera lang 'yan, hindi madadala sa hukay...

then again, for most people, kailangang ikumpromiso ang mga sariling pangarap para magkaroon maging kapaki-pakinabang na anak.

hanga ako sa'yo, pinili mo ang career growth at prestige... maybe, kapag settled na ang lahat, magkakaroon rin ako ng pagkakataon na i-pursue 'yung sarili kong mga plano... still hopeful, in the midst of this economic crisis, hehe... :-)


Benta by moumou
Tuesday, February 17, 2009 @ 08:02:23 PM
Mabuhay tayong lahat na nagpapakamartir! Hehe, kayo na lang pala. Ibinenta ko na sarili ko. Ang masaya dun, may bumili naman.

Mahigit apat na taon akong nagserbisyo bilang kawani ng gobyerno. Salary grade 12 lang. Ibig sabihin, tama lang sa panggasolina at gala yung kinikita ko.

Sabi nga ng mga kasamahan ko, magprivate practice na lang daw ako. Tutal e alam ko naman na lahat ng pasikut-sikot sa trabaho, madali na lahat. Yung isang buwan kong kikitain sa gobyerno e ilang oras ko lang tatrabahuhin sa pagpapraktis ng propesyon ko.

Pero sabi nga, ang mga taga-UP daw e sadyang matitigas ang mga ulo, at medyo idealistic.

Mas pinili ko pa rin talaga yung fulfillment na naibibigay ng mga ngiti at pasalamat ng mga juan de la cruz na napagsisilbihan ko. Tutal e walang nakikiparte sa sahod ko, pero kusa ko lang binibigay yung trenta porsyento sa nanay ko. Hindi ko kailangan kumita ng malaki.

Pero nakakasawa rin e, dahil sa gobyerno, karamihan ng nakapalibot sa iyo e mga walang alam at walang balak matuto. Kesyo may kapit kay ganito at ganyan. 'Ika nga e MPA at MBA. "May Pulitiko Ako" at "May Backer Ako".

Kaya yung recommendation letter ko galing kay Cong. Arroyo, hindi ko na gagamitin. Hindi ko na rin tatawagan yung presidential adviser na kaibigan ko. Hindi ako makikipagsabayan sa laro na 'yan.

Sabi nga nila, benta na ako. Sabi ko, e ano? Doble naman ang sahod ko.

At magsisimula na ako sa Marso.


Re: Ganyan din nanay ko pag walang pera :D by famke
Wednesday, February 25, 2009 @ 07:41:03 PM
buti na lang dumaan ako dito today - i decided to visit peyups to help me decide with life. i've been working for more than a year at a call center that pays really really well, my bond was just finished, and i'm free to go.but i can't, or won't, because of the salary that my mum like your mum and our mums need.

but reading this artik and all the comments - tataya na ako sa career growth - sapat nga lang ang sweldo, pero ang fulfillment sa buhay - continuously developing into something more, and not the other way around like what i have at the present.

gagawa na ako ng goodbye emails sa mga teammates ko.now na!


Re: by najo
Sunday, March 22, 2009 @ 07:29:43 PM
Ang hirap ng trabahong kapapasok mo pa lamang sa umaga ay binibilang mo na ang oras. ~_~

Mabuhay ka! :D


Re: pera o kaligayahan by ixis
Tuesday, March 31, 2009 @ 08:55:38 PM
Isipin ninyo ako, 35 years old na ako, Iskolar ng Bayan din. Pagkatapos magnegosyo ng kung ilang taon, bumagsak, at eto bumabangon bilang empleyado ng Call Center...oo, me narating na rin naman akong posisyon, pero minsan, pipiliin mo talaga and pera kasi kailangan. Lalo na at me pinapakain kang mga anak, pinag-aaral, itinataguyod....

Hay, ang dami kong ideals noon. Tulad mo, naniwala din ako, na ang pera, darating din yan....pero sa reyalidad ng buhay, kadalasan, makakalimutan mo na ang sarili mong kaligayahan...

Hangga't kaya mong pangatawanan ang kaligayahang yan, gawin mo...there's nothing like it...


Re: Pera o Kaligayahan by perlita
Wednesday, April 01, 2009 @ 04:30:07 PM
Haha. Parang teleserye pero ako yung involved sa kwento. Haha.

Whew!


Re: by 09_champ
Monday, July 06, 2009 @ 07:41:40 PM
wow!! congrats sayo!! sana ako din..


Re: by marsh
Friday, July 24, 2009 @ 09:01:33 PM
WOW. =)

very precious yon, yung masasabi mong MASAYA KA TALAGA SA TRABAHO MO. konti lang ang ganyan. kaya wag pakawalan. =)





Re: saludo! by onefineday
Tuesday, September 29, 2009 @ 11:40:30 PM
natutuwa ako at nabasa ko ang article na to. naramdaman ko din to nung magtrabaho ako sa isang company na nagbibigay ng liwanag sa buhay. :) isang buwan pa lang ako, ayoko ng pumasok. bilang na bilang ko ang bawat oras sa office. napaisip nga ako, bakit nga ulit ako nag-resign dun sa dati kong job? masaya naman ako. hindi nga lang ako yayaman talaga pero ideal ang work sa demand ng pagma-masters. sabi kasi ng friends ko, ayoko lang daw umalis sa comfort zone ko. kaya sa kagustuhang i-prove sa kanila na kaya ko, yun. nag-resign din ako after ilang months. haha!

basta feeling ko, pag payapa ang puso mo sa ginagawa mo, hindi man perfectly payapa dahil may ibang pressure sa paligid, magiging maayos ang lahat. kung san ka masaya. maiintinidihan yun ng mundo eventually.


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.