Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 207 users online.

Writings The Pop-up
Contributed by pouch (Edited by alteredbeast)  
Thursday, June 15, 2006 @ 06:28:32 PM
Print | Send

I'm using Mozilla Firefox. And I have a dial-up internet connection. Whenever I get disconnected from my ISP, Firefox pops up a pop-up as:

Alert! The document contains no data.

Sabay may 'OK' kang pwedeng pindutin.

Isipin mong naka-Firefox ka rin. Or kung naka-Firefox ka na, never mind this step. Tapos isipin mo na biglang lumabas sa screen yung ganyang pop-up sa screen mo. Anong gagawin mo? Anong pipiliin mong option? Ano ba ang mga option? Isa lang naman, diba? Wala nang iba maliban sa 'OK', right? 'Ok' lang? Nagsusumigaw na 'OK' lang?

Oo nga, maganda naman ang aim nung pop-up na yun. To inform (Naks. Pang-comm na sagot.) Pero the fact remains na isa lang ang pwede mong gawin: i-click ang 'OK'. Yeah, right. Oo, 'OK' lang talaga. OK?

That's the sad part.

May mga instances sa buhay na wala kang ibang choice. Wala kang alternative. Walang mapagpipilian. Simpleng 'OK' lang ang pwede. Sige lang. Go. Parang ganun. Kailangan mo lang tanggapin kung ano man yun. Mabuti sana kung magandang bagay yung hinahain sa'yo. E pano kung hindi? Pano kung mahirap? Pano kung masakit? Pano kung mabigat? Pano kung mabaho? Pano kung chaka? Pano kung epal? Pano kung ayaw mo? Pano na? Pano? Wala, eh. Kailangan mo lang lunukin.

Yung tipong maalat yung asin. Yung parang mabalahibo yung shih tzu. Tipo bang ang tatlo lang yung gulong ng tricycle. Tipo bang madulas yung langis. Yung parang hindi mo mabilang lahat ng bituin sa langit o buhangin sa beach. Tipong wala sa lahat ng library sa mundo yung autobiography ni Snow White at yung mga alagad niyang dwarfs. Tipong sakang yung favorite mong manika. Yung parang hindi mo masyado makain ang papel, tussie pwede pa. Tipo bang QWERTYU ang first seven letters sa first row ng keyboard ng PC at hindi SEXBOMB.

Tipo bang iniwan ka ng mahal mo. Tipong may ibang mahal yung mahal mo. Yung parang hindi ka na niya papansinin dahil masyado na siyang lango sa bagong mahal niya. Tipo bang isa ka na lang particulate sa atmosphere sa kanya.

Bakit ganun? Ganun talaga, eh. Click 'OK' na. Sayang ang kuryente.

Hay nako. Ang buhay talaga, parang bato. It's hard. So hard. Tsk tsk.



###############


Writings

Related links






The Pop-up | 27 comments
 

Re: astig!!! by paduday
Thursday, June 15, 2006 @ 06:43:18 PM
ang galing naman ng artik mo.. nakakaaliw.. basta na lang siguro nag pop up sayo yung idea na yun noh... hehehehe!!

true ka jan.. pag minsan,there's no choice left saten.. haaayy buhaayyy talaga... pero siguro may reason kung bakit OK lang ang option pag minsan..

gawa ka pa dami artik..kaaliw at astig gawa mo eh.. :)


Re: by cuteness
Thursday, June 15, 2006 @ 07:12:50 PM
naka firefox ako. nice artik. very well written. bakit nga ba hindi SEXBOMB ang letters sa first row ng keyboards? madaming matutuwang guys kung ganun. :)


  • y? by kosa on Friday, June 16, 2006 @ 03:49:10 PM
    • Re: haha by ca_gandahan on Monday, June 19, 2006 @ 10:15:55 PM
  • Re: tol hindi pwede by chuwariwap on Friday, June 23, 2006 @ 11:51:28 AM
Re: OK! by mikodelacruz
Thursday, June 15, 2006 @ 08:39:25 PM
Define verbalism.

Hindi ko maintindihan ang ikinaganda ng article na ito, kung article nga itong matatawag. Pwede na syang pangblog.

Sigh




Re: by backtozero
Thursday, June 15, 2006 @ 09:24:39 PM
nice, nice!!

Tipo bang isa ka na lang particulate sa atmosphere sa kanya. :( aww...

aheheh.. basta, ang astig ng article na to.! :D


Re: by a8n_hannah
Friday, June 16, 2006 @ 04:11:27 AM
nice one ;) astig!


Re: pop-up! by anairocks
Friday, June 16, 2006 @ 09:37:52 AM
astig! ganda artik...mabulaklak pero ok nman...


Re: Kudos by sir_claire
Friday, June 16, 2006 @ 01:56:09 PM
nakakaaliw namang basahin ito. Pero parang blog eh. hehehe. Nga pla hindi tlaga pwedeng SEXBOMB sa keyboard kasi magiging dalawa ung B buttons mo... hehehe...

pero oo tlagang ganun nga. Talagang ako ay pangit... OK na lang! OK?


  • Re: ows?! by ca_gandahan on Monday, June 19, 2006 @ 10:18:05 PM
ganda artik! by Iuna
Friday, June 16, 2006 @ 06:33:56 PM
makes a lot of sense.. well written.. walang paliguy-ligoy.. simple ang artik pero maganda..
dammet.. "ok" lng talaga.. as if naman my choices or options pa..

sana'y matauhan ang pusong nakabitin..


Re: by xiaouz
Saturday, June 17, 2006 @ 08:32:10 AM
SAKTO! tumbok na tumbok!~~


pop-up ka rin sa mahal mo! by kahani_18
Saturday, June 17, 2006 @ 09:57:26 AM
ang sakit isipin na isa ka lang pop-up sa buhay ng mahal mo...haaaaaay....minsan gusto mo nang sumigaw ng "life's unfair!" tsk, tsk...

pero oks lang kung isa ka ngang pop-up...at least nag-inform ka at nagpapansin at napansin kahit minsan lang =)

good artik! =)


Re: [Click OK to continue] by El_Invictus
Saturday, June 17, 2006 @ 07:03:46 PM
may bitterness na katulad ng kay bob ong...hehehehe...ok...wala kang magagawa kung yan ang palagay ko...hehehe


Re: by lanzkie_wind
Monday, June 19, 2006 @ 11:52:45 AM
astig! simple lang but it makes a lot of sense. haay bakit nga nmn di natin mabilang iyong mga bituin sa langit at mga buhangin sa dagat wherein we are left with a choice na OK..marami tlga cla..hehe


Re: nga naman by dope
Monday, June 19, 2006 @ 05:01:20 PM
oo nga. kung iniwan ka na ng mahal mo dahil lango na nga siya sa iba.. wala na ngang choice kundi ang choice na maging OK... hayy!


Re: galeng! by ca_gandahan
Monday, June 19, 2006 @ 10:19:58 PM
g'leng...g'leng...simple...sakto...sarap basahin!


Re: autobiography ni snowwhite by Iuna
Tuesday, June 20, 2006 @ 01:23:03 PM
oo nga.. ano bang pangalan ng magulang ni snow white? wala nga un sa library.. baket kaya? OK.. hehehe


Re: qwerty by thinkprocessfocus
Wednesday, June 21, 2006 @ 06:38:21 PM
may keyboard din na hindi qwerty ang letra. yung sa mga pranse.


Re: nice1! by nemesis2k6
Wednesday, June 21, 2006 @ 07:39:53 PM
nakakatuwa basahin! hehehe
keya lang, may keyboard ba naman kasing dalawa ang 'B' para magkaron ng SEXBOMB sa 1st row ng keyboard. hehehe! =) peace po! ^_^


Re: by sandstorm
Friday, June 23, 2006 @ 08:56:58 PM
ganyan talaga buhay minsan wala talagang ibang choice... oh well... btw, nice artik


Re: astig na artik ito! by stella17
Saturday, June 24, 2006 @ 12:20:20 PM
grabe, namiss ko ang peyups.com at ang mga ganitong mga artik na tamang-tama ang timpla at tumbok na tumbok ang mensahe sa pagkakasulat. nice read! ang refreshing! at napakatotoo nito. astig ka. :)


Re: soulmate! by hakuwa-chan
Tuesday, June 27, 2006 @ 07:19:13 PM
haha kakatuwa parang ako yung nagsulat ng artik! Ako ba ikaw? wehehe...

oh well i've moved on and malungkot na lang siyang memory na minsan ay hindi mapigilang balik-balikan sa isip ko..


Re: by Yani_iska10
Saturday, July 01, 2006 @ 10:32:51 PM
Nice. Very nice indeed.
------
I'm a loser, OK?

OK!

Whatever.


Re: OK by rjm
Saturday, July 01, 2006 @ 10:43:41 PM
same here! just press enterrr!


Re: galing! by pinakamaganda
Tuesday, September 05, 2006 @ 10:29:47 AM
ganda nag pagkakasulat.. only, i believe na we always have a choice.



 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.