Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 207 users online.

Writings Love Stories : Ang Comsci at ang Anomaly
Contributed by uh (Edited by amplifier)  
Monday, May 03, 2004 @ 12:00:12 AM
Print | Send

Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na ‘to. Mahilig akong magisip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang algebra, at math naman ang paborito kong subject. Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik’s cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang magisip, sisiw lang kahit yung pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging comsci nga ako.

Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.

Lahat siguro alam ko na.

Pwera ka.

Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka-walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses ‘to sa buong buhay ko, sa tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.

Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nagiisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?

Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung pano mo ‘yon ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa’yo.

Alam kong sinabi ko na sa’yo lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi “mahal kita” lang yung gusto kong sabihin e, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan language – kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas kumplikadong assembly language, o machine language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.

Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang comsci na walang alam sa salita, pero ngayon, uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo: Mahal kita.



###############
Paunawa: Ang may akda ay kasalukuyang infected ng isang klase ng virus na uncleanable. Pagpasensyahan nyo na.


Writings - Love Stories

Related links






Love Stories : Ang Comsci at ang Anomaly | 52 comments
 

bwahahaha... by lantis
Monday, May 03, 2004 @ 12:13:21 AM
'stig. can relate ako sa artik.

palibhasa komsay din. -_-' hehe.

nice artik po!!! ^__^


Re: by peytpeyt
Monday, May 03, 2004 @ 12:34:04 AM
zteg! nice artic! ganda ng pagkakasulat. unique.


Wehehe! by nasankana
Monday, May 03, 2004 @ 12:54:14 AM
Naastigan ako. Hindi nga ako computer kasi 1/4 kasi ng mga sinabi mo di ko naintindihan e! Ahaha!

Kung MS Word lang sana ako, matutulungan kitang humanap ng tamang salita para sa kanya. Pasensya na, tao lang. Nyehaha!


wow by ouchie
Monday, May 03, 2004 @ 02:03:37 AM
nakaka-touch naman. hehe. nakaka-relate ako, except dun sa logical part. lalo na sa mga computer thingys. :)

hands down!


Re: hehe by seminarista
Monday, May 03, 2004 @ 07:20:32 AM
naka-relate ako dahil sa IT rin ako eh hehe tsaka syempre dun sa virus na sinasabi mo...sana nga puede na rin yun i-program eh or yung parang sort of antivirus para dun...hay..

nice one!


Re: mabuhay ang mga comsci!!! by unscathed
Monday, May 03, 2004 @ 09:13:21 AM
ASTIG!!! naka-relate ako! hehehe! ayos 'to! more to come!!! at sana maniwala na sayo ung anomaly mo! =)


Re: by eisendorf
Monday, May 03, 2004 @ 09:59:57 AM
very nice artik here!! hehehehe!! sayasaya!!

more stories!!! f best yung jargon!!


Re: WOW! by yashko
Monday, May 03, 2004 @ 10:59:03 AM
WAHAHAHAHA!!!
ASTIG!!!!



Re: by Ace_Balasador
Monday, May 03, 2004 @ 11:13:11 AM
while !( girl.love() == true){
boy.ligaw();
}

ganyan dapat


Re: heheh.. by pin0y_baTo
Monday, May 03, 2004 @ 11:38:38 AM
hangkyut!! hmmm..


Re: comsci by brochador
Monday, May 03, 2004 @ 12:35:51 PM
mabuhay ang mga comsci!!!! bwahahahahuh?


Re: by pangkis
Monday, May 03, 2004 @ 01:07:57 PM
nice one, suggestion magreformat ka parang hard disk, hahaha!!


ayoko sa cs pero... by kinetikamote
Monday, May 03, 2004 @ 03:32:42 PM
...nakakaaliw...hehe!!!

tawag mo dyan...love bug! wehehehe!

When it comes to emotions, even
great heroes can be idiots.
- Sir Te, Crouching Tiger, Hidden Dragon




Re: Nice!!! by DiViDe
Monday, May 03, 2004 @ 04:12:37 PM
nice one dude!!!

galing ng artic mo...
hehehe...
welcome to the real world!!!


Re: this is nice by chiztart
Monday, May 03, 2004 @ 06:58:20 PM
I like this one! thumbs up pare!


Re: mabuhay ang mga CompSci! by katokz
Monday, May 03, 2004 @ 08:43:54 PM
asteeggg...

uniquely written at halatang CS talaga ang may-akda.

itaas natin ang bandera mga CS!


Re: [click] by afitoritei
Tuesday, May 04, 2004 @ 12:56:13 AM
cno ka?! ehehe..

ndi nman nambabastos, pro tinamaan aq dun ah..!

parang kilala ko ung ngsulat..

creep tol!! but nicely written.. stig!


Re: CONTROL-ALT-DELETE by dim_witted_gurl
Tuesday, May 04, 2004 @ 03:08:38 AM
mwehehehe. astig ang artik mo dude. hmm... ba't ba pare-pareho ang mga problema nating mga comsci? shet naman. eh yung mga kumplikadong algos naiisip&nagagawa natin, pero "i lab yu" lang di natin masabi. tsk.

m/ CS m/


Re: by mathmajor
Tuesday, May 04, 2004 @ 08:48:40 AM
magreformat! hehe!


astig! by tsuki_no_kami
Tuesday, May 04, 2004 @ 09:28:17 AM
p're ito solusyon dyan:

while (anomaly!=convinced)
{
//call instance of method GenerateCourtshipLine
//call instance of method ContinueCourtshipMethods
if (Anomaly==convinced)
//call instance of method NextStep
else continue;
}

o kaya kung ayaw talaga scrap mo na lang yung program at gawa ka ng panibago! :)


malufet! by Rockrokra
Tuesday, May 04, 2004 @ 09:39:35 AM
isang masigabong palakpakan, astig!...


ang mga henyo nga naman kapag umibig ay nabobobo din...


!!!!! by IAmStorm
Tuesday, May 04, 2004 @ 12:05:35 PM
astig ka tsong! hayup!
i wish i could write like that...


Re: comsci and anomaly by i_luv_u
Tuesday, May 04, 2004 @ 02:02:27 PM
ang ganda... ang saya. hehe. sana ganyan din ako kagaling mag sulat kahit comp sci lang ako


Re: wish! by unscathed
Tuesday, May 04, 2004 @ 02:39:10 PM
wish ko lang sulat para saken 'to nung crush kong nerd!!! hehehe! di ko lam kung pano ko mapapansin nun. pano nga ba mapansin ng mga nerd? hehehe. advise naman jan. =P


Re: may lunas jan!!! by CraNb3rrY
Tuesday, May 04, 2004 @ 05:06:16 PM
ayos to! logical din akong tao pero pagdating sa bagay na yan nasisira ang ulo ko. totoo ang lhat ng sinulat mo. at talagang talo nito kahit ang pinagsanib na powers ni agent smith at merovingian. kaya rin nitong gunawin kahit ang pinakamatibay na zion. malupit ang virus na ito (kung maituturing nga itong virus) sapagkat kahit makasampung reboot ka na at kahit makapitong firewall ka pa ay matindi ito kumapit. isa lang ang lunas jan pre. kiss mula sa kanya. hehe.ü


Re: ... by trixxei
Tuesday, May 04, 2004 @ 05:24:01 PM
nice artic:D...panalo...d me maxado makarel8,pero gudlak nalang,hehehe...


Re... by Coeus
Tuesday, May 04, 2004 @ 05:49:44 PM
Mahirap ba maging theoretical sa lovelife? Wala lang...



Re: by WhiteCrow
Tuesday, May 04, 2004 @ 09:14:54 PM
Astig, galing mo magsulat tol, mabuhy ang mga logical!!!


Re: galing!!! by makuleht
Wednesday, May 05, 2004 @ 03:37:22 AM
nice one!!! very logical indeed. sounds like my boyfriend, comsci din un. galeng galeng.


Re: wow by francine_16
Wednesday, May 05, 2004 @ 08:35:57 AM
aZtig... todo N 2!! kip it up


Re: by Handyfemme
Wednesday, May 05, 2004 @ 10:46:44 AM
iniisip ko kung tungkol saan itong artik na ito, nung nakita ko yung "heart" na icon, love story pala.

ang astig ng pagkakasulat. unique. bagay sa mga taong madaming gustong ipadama pero hindi masabi. :)


Re: by zAny
Wednesday, May 05, 2004 @ 12:06:28 PM
hehehe... nakakatuwa! bat kaya ganun?!?
comp sci rin ako and at the moment i am
infected with a virus too. :p
help?!?


Re: by substance
Wednesday, May 05, 2004 @ 01:04:45 PM
kulit ng entry mo. 'stig ang pagkakagawa. bat nga ba ganon? kahit ang pinakalohikal na tao eh napapabaligtad ng lintek na pagmamahal na yan. haha. ayos 'to! sana mabasa nya. hehe


Thanks! by uh
Wednesday, May 05, 2004 @ 07:02:58 PM
Uy, salamat sa lahat ng mga nagbasa! Pati salamat din sa mga webmasters sa pagpost nung artik... :D


kasi naman... by jester_in_exile
Wednesday, May 05, 2004 @ 07:51:37 PM
bakit yung lab-lab na yan, virus na nga na sobrang infected ang system, pag successful yung cleanup, parang cancer na bumabalik-balik?

wala lang. may naalala lang heheheh


  • Re: by girlnextdoor on Thursday, May 20, 2004 @ 09:36:25 AM
astig mo tol. :) by toinktoink
Thursday, May 06, 2004 @ 11:28:07 AM
pde ka ng magsulat ng love letter in Java. pano mo kaya i-express feelings mo sa shellscript? hehehehe




asteeg...!!!!!!!! by zero_four
Friday, May 07, 2004 @ 03:09:33 PM
asteeg. cute. simple. at may connection sa buhay ko. can relate. hehe.... nga po pla, incoming freshie ako. comsci din po.=)
....kaya mabuhay mga comsci!!!!!!!!!!!!!!!!


Re: naks! by aeus
Friday, May 07, 2004 @ 06:26:58 PM
ang cute ng artik mo! kahit di ako masyado nakarelate sa programs mo, nakaktuwa pa rin siya!


Re: by girlbading
Friday, May 07, 2004 @ 09:30:31 PM
awww...ang sweet. i couldn't stop smiling while reading your article. which is embarassing, really, because i am not at home but in a computer shop.:)


Re: nyahah! ang cute naman! by mInTy-gIRLasH
Saturday, May 08, 2004 @ 01:54:41 PM
isa rin akong comsci, at ngayon ko lang nalaman ang scenes behind sa pagiging comsci! well ganun nga talaga! mahirap maghanap ng anti-virus para sa isa virus na hindi mo naman alam kung ano ang technique na gamit!


Re: by tinamats
Sunday, May 09, 2004 @ 11:04:06 AM
astig! hehe. naintindihan ko! :D and it's somewhat what was happening to me too. hehe. aliw!


Re: true. by girlnextdoor
Tuesday, May 11, 2004 @ 06:11:45 PM
true.. sometimes words aren't enough to really define or explain how one feels for the one he loves.

and sometimes.. love isn't even enough to convey everything.

at minsan magugulat ka nalang.. it hit you hard. and you'll never be the same again.


Re: nice! by the_nymph
Wednesday, May 12, 2004 @ 06:31:40 PM
nice article! galing mo naman... kaya mo yan! action do speak louder than words... depende nga lang sa tao how she perceives it... Ü


Re: by krishen
Wednesday, May 12, 2004 @ 11:07:40 PM
hayaan mo, ang accuracy naman ng algorithms hindi siguradong 100%, expected talaga na may at least 2% error, kahit pa nga integration dba may 5% variable error kaya yung program mo sa buhay mo baguhin mo na, search ka ng best fit na algorithm para sa kanya, kasi yang data mo di accurate para sa program mo..
o ayan, sana magkaintindihan tayo..
para nga para mas efficient, gamitan mo ng machine level na language, yung pinakamahirap na assembly para mahirap i-debug ng iba kaso yung environment mo, dapat nandyan na sya..


Re: wala akong masabi! by alpha_10114
Friday, May 14, 2004 @ 12:31:31 PM
astig! pinasaya mo araw ko heheh!


... by gny
Friday, May 28, 2004 @ 12:17:41 PM
nice artik!! kakaiba pagkakasulat! Ü


Re: by vain
Tuesday, June 22, 2004 @ 10:13:56 PM
nagtaka ka pa na dito ito naclassify.




Re: =)
ang cute naman nitong article mo =)

m


Re: by aeromatch
Saturday, January 15, 2005 @ 06:17:05 PM
baka windows gamit mo. magpalit ka ng OS. saka mag install ka ng iba't ibang language packs.


Re: by windstruck
Saturday, August 20, 2005 @ 04:38:30 PM
astig na article!

taga UPM ka di ba? ^_^


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.