Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 207 users online.

Writings Social Concerns : Minsan may isang Puta
Contributed by mike_IS_a_she (Edited by mananalaysay)  
Friday, April 30, 2004 @ 12:00:24 AM
Print | Send

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Cońo. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.





###############

Writings - Social Concerns

Related links






Social Concerns : Minsan may isang Puta | 59 comments
 

nicely put.. by H2O
Friday, April 30, 2004 @ 03:47:44 AM
sana matauhan ang mga taong makakabasa ng article mo.. keep it up!


Re: gaLING by liya
Friday, April 30, 2004 @ 08:58:07 AM
nagulat ako sa huking part. pilipinas pala un. very well said. sana makapukaw ng damdamin sa iba.


so sad but true... by kulangsapansin
Friday, April 30, 2004 @ 09:54:55 AM
so sad but true...


Re: ouch! by ykel
Friday, April 30, 2004 @ 11:48:46 AM
it's a very confusing reality that reflects in your great article.. indeed, laspag na nga ang pilipinas. kailangan nang baguhin.. simulan nang alagaan. makonsensya naman sana mga Pilipino.

great piece,my dear. you did well. you expressed yourself well. keep it up.


an excellent portrayal by boomslang
Friday, April 30, 2004 @ 12:37:39 PM
you speak (uhm... write pala...) your mind well. frightening but this is true. and your portrayal of the "american" is richly done. i like it very much... i hope people who read this would realize how bad the nation's shape is right now


Re: whoaaa!!! by DiViDe
Friday, April 30, 2004 @ 01:48:45 PM
galing!!! nakakalungkot man isipin pero ito talaga ang nangyayari... keep it up!!!


Re: Pilipinas by gina_cya
Friday, April 30, 2004 @ 02:34:42 PM
Great article you have there! Very profound analogy.

I can't help but read the whole article again thinking that it's our Motherland talking. Great conceptualization! It's moving.


Re: truth hurts by jaja1208
Friday, April 30, 2004 @ 06:10:10 PM
oo nga ano...very moving...well-written.keep it up:)


Re: by peytpeyt
Friday, April 30, 2004 @ 06:46:22 PM
nys artic. nung una akaLa ko kung anong istorya.. oK siya..


Re: waw! by girlfromhell
Friday, April 30, 2004 @ 10:34:47 PM
sa 22o lng... 22o to. may nbasa nga kong isng email n gwa ng isang tinager n tagaKorea, ang npansin dw nya s pinas e yun mga pinoy dw kc ndi mhal ang pinas kya d naunlad, dmi prin squater, problma, etc. ang sbi p nya gnun din dw un korea dti pro kya dw umunld kc mahal dw nila bansa nila. kakaawa n bansa ntin! kdmihan mas gs2 mgabroad... mgnda 2ng artcle m... galing...


Re: Astig. by Gmajor7
Friday, April 30, 2004 @ 10:43:04 PM
Galing mo tsong. Makapanindig balahibo.


wow by Kahlan_Amnell
Friday, April 30, 2004 @ 11:18:10 PM
astig. ang galing mong magsulat. naiyak ako sa last line.


Re: wow by lagsh
Saturday, May 01, 2004 @ 02:30:56 AM
nice ending :)


Re: by lateralus
Saturday, May 01, 2004 @ 03:15:36 AM
magaling... pero tila mas makakabuti siguro kung hindi muna ipinakilala ang Pilipinas sa huli (pero sa akin lang naman yun).


Re: Inaaayy..!! by pisot13
Saturday, May 01, 2004 @ 03:16:03 AM
Isa ka sa mga anak na naiwan kahit na amoy usok ang nanay mo? Sana mabasa to ng mga kapatid mo, mga kapatid natin. Galing! ;)


Ang galing!!!! by rusyanjill
Saturday, May 01, 2004 @ 06:42:26 AM
Wow! Although I appreciate peices written in Tagalog, rarely do I make a comment. But this one is an exception. You are amazing. You write so well. I like the way you portrayed our beloved country....a mother.

We all have soft hearts for our mothers.

Ang galing! Wala ako masabi kundi ang galing mo! Write more!!!!


Re: Ang galing! by seminarista
Saturday, May 01, 2004 @ 11:14:24 AM
galing nito! astig! nakakapanindig-balahibo nga...hindi ko ni-expect na..oh well ang galing talaga!!


Re: just a reaction by Genus
Saturday, May 01, 2004 @ 01:28:36 PM
maganda ung article. from the start i thought it was fiction. it didn't cross my mind that it was an analogy of our country's situation. but i dont know why i didn't like the way na pinakilala mo ung pilipinas sa huli...parang tinamad ka bigla or tinapos mo nlang bigla kasi mahaba na...but still your work is nothing short of worthy of being appreciated very much.


Re: :) by doia
Saturday, May 01, 2004 @ 03:24:54 PM
galeng!! kala ko tao..hehehe..


Re: by Louisian
Saturday, May 01, 2004 @ 07:40:03 PM
isang napakagandang istoriya. Nawa ay marami sa atin ang magising sa katotohanan.
At Sama-sama tayong sumigaw nang "OPO, INAY MAHAL NAMIN KAYO!!!"


Re: by kach
Saturday, May 01, 2004 @ 07:49:52 PM
nice article. analogy is damn great!



Re: SALAMAT by mike_IS_a_she
Saturday, May 01, 2004 @ 07:55:47 PM
Maramaing Salamat sa internet time na inaksaya nyo sa aking artik :) MWAH TO ALL! Sana maging parang "passion of the Christ" ang dating nito sa lahat ng pinoy!



Re: Naks! by spectre
Saturday, May 01, 2004 @ 10:18:57 PM
Naks!... asteeg naman ng artik... kakalungkot nga pero totoo... haaayyyy...


Re: wow by blueskies
Saturday, May 01, 2004 @ 11:08:44 PM
galing nmn!! di ko ini-expect na ganun pala yung ending.


Re: by ysabel
Saturday, May 01, 2004 @ 11:59:35 PM
kinilabutan ako dun ha... astig! ang ganda! :D


dear nay, by buzzman
Sunday, May 02, 2004 @ 02:46:27 AM
sino bang kuya't ate ang sisihin ko? mumurahin ko na bang sarili ko kung nagkakaganito tayo? nay, konting preno, delikado ang drama mo. sa anong takilya kaya kikita ang senti-kulangot na birada mo? di bale, minsan ang FAMAS ay nagkakahalaga ng piso. di ba naibibigay na lang ito sa beso-beso? asan na ba si ate Ruffa ko?

mahal? sino o anong ama ang nagsilang sa amin? di ko alam ang apelyido ko. namulat akong watak ang kanlungan ko. ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat. anong tahanan ang sadyang pinalad mabuo sa langit? sa totoo lang, di ko alam kung ginusto o nagustuhan mo rin ang kainitan ng sidhi. samut sari ang ipinunla ng pagtatalik na dinaan sa dahas. may kwentong namuo, yun ang yamang nagbibigay kulay sa nakaraan ko. tila mali, utak namin ang ginagahasa mo.

punyetang mood to, nakakalito. sa pitong taon ko sa asylum na to, pwede ng maging kumbento! hindi drama ang gamot sa panibugho, at lalong hindi ang karnibal sa Mayo. pati ang Panday ay may agimat ng pagka-Pangulo. Jusko, iisipin ko pa ba ang puti't sakang na gumahasa sa iyo, gayong kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita mo? nay, ilahad mo ng wasto ang tunay na nakaraan mo't babalik ang mga kaanak mo. punyetang ina ka, nay, puro drama na lang ba ng kahayukan ang hirit mo. pati tuloy si Diana Booba ay sumisikat sa Hongkong, Thailand, at Timbuktu. kababae mong tao, pagkababae mo mismo ang pinalalabas mong kahinaan mo. ano ka ba, nay, gasgas na yang script mo. halaw na naman ba sa pitak ni Ricky ang punchline mo para magbiro? sikat na po ang eminem show.

mismong anak mo ang sisira sa iyong lelang mo. nung ipinadpad ka sa pusod ng Pasipiko para bira-birahin ng walang sinasantong bagyo, tinatanggap mong tadhana ito. kung karupukan ng tao ang itinatangis mong kalagayan mo, ba't tayo tinawag na indiyo? nay, sa isang sindi ng yosi, pwede pong magliyab ang mundo. ang punto ko, magbasa ka ng libro. masyado ka ng nawiwili sa kakafinger ng numinipis mong ego. kung gusto mo, puno ng porno ang www. ito ba'y pansin mo?

ina ka namin sa ngalan, anak mo ba kami sa laman? karugtong ng Luzon ang Ryuku. tsino po si Lucio. ang Cojuangco, bat may J at C na nakaipit sa OO? ah JC, hesukristong sugo, di ko mabilang ang Iglesiang sinaniban ng multo-deliryo. kailan lang ba tayo nagpalit ng alpabeto? ang dating daan po ay sinasambang emporyo. anong tumbok ko? nawawala kami sa sariling mga anak mo? at bakit? dahil sa kakadrama mo ng ganito. ang lupang sinilangan ko po, ay jigsaw puzzle na paborito ko. dine-deadma niyo, alaskado tuloy tayo ng mga siyentipiko.

wag niyo pong tanawin na ang nakaraan niyo e kwento ng ginutay-gutay na baro. di kayo nagkauri na winantutri ng kalaguyo, o ibinenta ng sariling supling niyo. tulad po ng bagyo, natural po ang takbo ng kapalaran niyo. parang isang sumpa, na kung di niyo hampasin ng maso, olats kayo. oo, kulelats kayo sa karera ng kabayo kung panay lang ang sundot niyo ng puso. ang pagmamahal po e di ipinupunla sa puso, kundi'y sa utak pinalalago. bat ho ba nadedo ang anak ni miriam santiago, at tila clubhouse ang College of Law? isulat mo po sa noo ni Oble na bago na ang banyo niyo. ni hindi ako makapagshabu sa mga tambayang tatak Greko. daig mo pa ang gecko kung kumapit sa kano, pero panay ang reklamo mo. sila ba'y kapuso o kapamilya ko? punyetang drama to, nay, naman, namannn. hah, makakain na nga lang taho.

taho, tahoooo kayooo jannn!


sabi na nga ba e! by ninibeLLes
Sunday, May 02, 2004 @ 03:30:57 AM
sabi na nga ba e. pilipinas yung tinutukoy. :D

astig!


Re: WOW by MyRtLeBttRsWt
Sunday, May 02, 2004 @ 07:59:45 AM
WOW!!! ang gleng.. grabe... wala ako ma say... basta ang ganda.....

maraming talented at matalinong mga Pinoy, di nga lang ginagamit sa tamang paraan... kaya napapariwara ang bayan...

sana lang mabasa to ng mga nasa pulitika....

::hats off sa author::


Re: hehe by olops
Sunday, May 02, 2004 @ 09:38:54 AM
the hapon and cońo words gave it away, so i knew you were talking of our Inang Bayan.

noypi ka nga! astig!

keep it up, hope our other brothers and sisters get to read this...


Re: P.I> talaga! by la_paloma
Sunday, May 02, 2004 @ 05:53:54 PM
<P>ang galing mo!!! sana palabas mo sa isang publication or newspaper!!! ang daming taon ang kailangang makabasa nito!!!=)


Re: wow! by dd_twdkob
Sunday, May 02, 2004 @ 10:55:00 PM
ang galing-galing!:)


Re: the best! by nerbyos
Sunday, May 02, 2004 @ 10:55:56 PM
nadala ako ha! galing. astig talaga!


Re: by xxtoyxx
Monday, May 03, 2004 @ 08:49:22 AM
magaling. sana i-share mo pa ito sa ibang mga tao by publishing it to other sites/publications.


two thumbs up! by just_shoot_me
Monday, May 03, 2004 @ 10:22:12 AM
galing ng artic mo! i hope you won't mind if i forward your article some friends.. sana sa kaka-forward, makarating din sa mga tao na namumuno sa gobryerno.. hehehe..

galing!



Re: shteeg! by kalai
Monday, May 03, 2004 @ 11:22:19 AM
ganda ng plot pero sana bago mo ipa-publish (if ever) ayusin mo ng kaunti...kumbaga sa kutsilyo konting hasa pa para mas matalim...(suggestion lang 'to ha)...para kasing medyo tinamad ka na sa huling part...nevertheless, astig ang article mo...astig ka! Keep up the good work! Sana lang 'yong mga kapatid natin na nagandahan ng article mo hindi lang nagandahan o na-touch...dapat magsilbi itong turning point ng buhay nila...:)


Re: by TheEqualizer
Monday, May 03, 2004 @ 09:29:45 PM
Nice article! Maraming katotohanan tulad ng paglalarawan sa mga anak at ang tunay na kahirapan sa bansa.

Pero may napansin din ako sa "attitude" ng ating inang bayan na inilarawan dito. Kapag ang isang bansa o isang tao e may victim-mentality, hindi siya uunlad. Ito ay dahil babad siya sa self-pity at imbis na lumaban sa maayos na paraan e umiiyak na lamang sa isang sulok at tatanggapin na lang ang kanyang pagkatalo. May kaugnayan din ito sa dependency theory na kung saan yung mga umaasenso ang laging me kasalanan at yung mga naghihirap ang laging nasa tama dahil sila ang inaapi.

Bihira ang bansa na hindi "ginahasa". In the past, stronger nations like to conquer weaker ones. It was just the fact of life.

Hongkong, Singapore, at kahit mismong U.S. e dumaan sa conquerors. Pero ang kaibhan nila e pagkatapos nilang makalaya politically, they moved on with their lives. They took advantage of the "heritage" they got from their conquerors and used it to rebuild their nations. Now they could be proud of what they've achieved.

But in general, I like the article. Sana as a nation, let's forget the past and move on with our lives. We are the only ones to blame if we don't move on.


  • Re: by mike_IS_a_she on Monday, May 10, 2004 @ 07:40:47 PM
On analogy. by sugargame
Tuesday, May 04, 2004 @ 01:11:53 AM
I think it's wrong for you to use the puta-pilipinas analogy to rekindle the nationalist spirit of the readers of peyups. Why? the puta story you just narrated is a REALITY. It's not a fiction. Most of the filipino families living below or at the treshold of povery level do pimp off their mothers, sisters, and daughters to put food on the dinner table. Are you suggesting that it is worse for filipinos to betray or stop loving their country than to pimp of their close relatives? Tsk...tsk, your nationalism is misplaced. And so is your sense of moral priority.


  • you are misplaced by artemis33 on Friday, May 07, 2004 @ 12:49:02 AM
  • Re: by mike_IS_a_she on Monday, May 10, 2004 @ 06:56:04 PM
Re: by pepito
Tuesday, May 04, 2004 @ 07:03:54 PM
hard to accept but its the truth...


Is it really lack of nationalism? by sugargame
Tuesday, May 04, 2004 @ 11:36:27 PM
I've heard so many of our kababayans who kept complaining that we're losing everything we own to the foreigners. First, it's our women who, right now, prefer marry foreigners. Second, we are also losing is our land to them. Thanks to the corporation law that introduced a loophole around the restriction for foreign ownership of lands. Third, we are also losing our own bodies to them, if you havent heard of thousands of filipinos selling their kidneys abroad. Could this might be the author's idea of "prostituting" our country to the foreigners?

Really now, before globalization allowed it to happen, tenant farmers kept losing their women and children to the landlords and filipino citizens kept losing their money and their lives to the politicians. Our women's prostitution could not have gained international appeal if it hadnt for our strong domestic demand for it. The foreigners are just doing to us what we've been doing to each other long ago. So we shouldnt feel envious and bratty whenever we see some eyesores in hotel lobbies and high class restaurants.


  • Re: i'm lost by mike_IS_a_she on Monday, May 10, 2004 @ 06:56:43 PM
Re: by johnrobert16
Friday, May 07, 2004 @ 09:13:24 PM
napakagaling! nakakabilib.. galing! ipagpatuloy mo! ;)


Re: SALAMAT by mike_IS_a_she
Monday, May 10, 2004 @ 07:46:02 PM
hi kalai and Genus!
nabitin ko ba kayo? di naman tinamad, talagang yun ang effect. alam nyo naman ang mga problemado ang drama sa buhay "in denial" ek-ek kaya switch "sya" sa happy mode agad, ganun ang ending, pagka-climax, tapos agad para very person ang dating :) pero salamat sa advise. kung may tatanggap ba bakit hindi, hayaan nyo baka taliman ko pa.

hi just_shoot_me and to all who wish to forward the artik!
salamat sa confidence nyo. please do, sayang at late ang reply ko umabot sana prior sa elections pero sa palagay ko na-i fwd nyo na rin naman :D
wag lang sana i-plagiarize ng mga nakatanggap :) hehehe

I forgot to thank boss KARL & MIMI and MANALAYSAY for the great timing my article was published. I hope we were able to stir a lot of emotions, enough to ignite a passion to revive our country from the comatose we're in.

and to quote BUZZMAN: ang "kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita" ng Inang Pilipinas ang magtatakda ng ating bukas. Tapos na ang pyesta ng mga politiko, sarado na ang mga presinto, umpisa na ang bilingan at ang tanong ng bayan ngayon ay: anak pa din ba tayo ng Isang Puta?





Re: by scorched
Tuesday, May 11, 2004 @ 02:20:01 PM
well expressed.. a tragic truth though..


ahem.. by sugargame
Tuesday, May 11, 2004 @ 10:10:31 PM
sugargame is a he. I never really wanted to criticize your article. I just wanted to squeeze more of your ideas out. Your article was great and well-written. Keep up the good work.


Re: by EDGE_OF_WATER
Tuesday, May 11, 2004 @ 10:13:19 PM
brilliant! saludo ako sa artik mo. nway, pinaiyak mo din ako.


:aprub: by chrimpph
Tuesday, May 18, 2004 @ 10:32:32 PM
amazing! akala ko you were talking about prostitutes.. yun pala, 'pinas.. gandang analogy. how true.


astigulation 'tong artik mo. by xeean
Friday, June 11, 2004 @ 03:57:34 PM
makapanindig-balahibo nga.


Re: gud! by kreekz
Sunday, July 04, 2004 @ 12:17:44 AM
ang galing mo toy! isa kang alamat! ipakalat mo kaya para makuha mo ang purpose kung bat mo yan sinulat! para hindi lang mga taga UP ang nakakabasa pati lahat ng tao..di ba?

galin mo! keep it up!


Re: by isyel
Saturday, July 17, 2004 @ 06:15:06 PM
nice artic...sana marami png mkabasa nito at matauhan din...


Re: halos maiyak na ako by kyutkograbe
Wednesday, December 01, 2004 @ 06:11:42 AM
nice one. kakamiss 2loy pinas.


Re: Thank YOU by mike_IS_a_she
Monday, May 04, 2009 @ 10:37:48 AM
Maraming salamat sa lahat ng mga nag-fwd, naglathala at nag post sa kanilang mga blog site ng article ko na “Minsan may Isang Puta”..It's been going around for the past 5 years now :) May 2007 “upgraded” version na tayo sa http://passionoverdrive.blogs.friendster.com/my_blog/2007/04/minsan_may_isan.html . Dinagdag ko na din ang ilang reaksyon at sagot ko sa blog na ito na “kaaliwan” nyo. Please feel free to get the “Puta” artwork in the link.


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.