Kung ang ulan
ay lasong nakakamatay,
ako ay lalabas,
ako ay nganganga;
lalagukin ang bawat patak
mula sa nangangapal na ulap;
unti-unting dadaloy sa bawat ugat ng aking katawan.
Mamamanhid.
Mawawalan ng pakiramdam.
Di na masasaktan.
Kung ang ulan
ay punyal na papatay sa akin,
ako ay lalabas,
ako ay nganganga;
nanamnamin ang pagtarak
ng daang-libong punyal sa aking lalamunan.
Ang dugong kulay pighating mistulang sumabog na bulkan,
lalaya,
dadaloy.
Paaabutin ko sa iyong paanan.
Ang kulay ng aking dugo,
Habang panahon mong iiyakan.
O kay sarap ng ulan!
###############
|